CHAPTER 10 PART 1

1.6K 56 2
                                    


“Are you done?”

Iglap lang ay napapikit si Reggy nang maramdaman ang paglapit ni Alejandro sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang mapasinghap ng mahina nang yumakap ang mga kamay nito sa baywang niya.

Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang puso niya sa pagwawala at pumihit paharap sa binata.

“Opo, senyor, sabi naman sa'yo mabilis lang akong magluto,” sabi niya at maingat na hinaplos ang mga pisngi nito.

Nang maalala na amoy sibuyas na siya ay mabilis na inilayo niya ang sarili kay Alejandro. Kumunot naman ang noo nito at halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya dahil mas lalo pa siya nitong hinapit sa baywang.

“Alejandro!” namimilog ang mga mata na saway niya nang halikan nito ang kaliwang pisngi niya. “Ang baho ko! Amoy ulam na ako,” reklamo niya at pilit na lumayo.

Pero nagmatigas naman ito at hindi talaga siya pinakawalan pa kahit binigyan na niya ito ng masamang tingin.

“So? I love your smell—”

“Amoy pawis na rin ako!” angal niya. Ngumiti lang ito at parang nang aasar pa na itinaas nito ang isang kamay niya saka nito inamoy ang kilikili niya.

“Bastos!” namumula ang mga pisngi na bulalas niya.

Sa huli ay natawa na lang siya sa ginawa ni Alejandro. Kahit pawisan ay sigurado naman na wala siyang body odor. Maputi at malinis ang kilikili niya at kahit anong saway niya ay nagiging hobby na yata talaga ng binata na amoy amuyin iyon.

“Tumigil ka na nga, hindi ako makakilos sa ginagawa mo 'eh.”

Kunwari ay naiinis na saway niya rito. Pinakawalan naman siya nito pero kahit saan siya magpunta ay nakasunod ito.

“Alejandro!” napapailing na nasabi na lang niya nang yakapin ulit siya nito habang nasa likod niya ito at naglalagay siya ng mga kubyertos sa dalawang malaking plato.

Para matigil na ito sa pangungulit ay hinarap niya ito at siya na ang kusang humalik sa binata. Naging mabilis naman ang response nito at sabik na gumanti ito ng halik sa kaniya. Isang mahinang ungol ang pinakawalan niya nang ipaloob nito ang mainit na mga palad sa magkabilang pisngi niya.

Matinding self control ang inipon niya para lang maitulak ng marahan si Alejandro palayo sa kaniya.

“Senyor, alam kong masyado mong namiss na halikan ako, pero kailangan na muna natin kumain bago pa lumamig ang niluto kong ulam.”

Bumaha ang matinding pagtutol sa mga mata nito. Pero nang mapansin nito na wala na siyang balak na magpaistorbo ulit ay napilitan itong tumango. Masuyong hinalikan nito ang ibabaw ng noo niya saka ito naupo sa isang stool. Naupo naman siya sa tabi nito at hinayaan itong lagyan ng ulam at kanin ang plato niya. Maliban sa pagiging sweet at clingy ay maasikaso rin ito. Maswerte siya na naranasan niya ang mga ganoong bagay na kahit isang beses ay hindi niya naranasan sa dating boyfriend niya.

“Masarap?” tanong niya nang tikman ni Alejandro ang niluto niyang menudo.

Palagi siyang excited kapag tinitikman nito ang luto niya. Gustong gusto niya na nakikitang masigla ito sa pagkain dahil parang nabubusog na rin siya. Mabilis na tumango naman ito at gumawa pa ng ‘OK’ sign sa magkabilang kamay.

“Delicioso!”

Kamuntik na siyang mapalakpak sa tuwa. Alam niyang hindi nagsisinungaling si Alejandro dahil mabilis na naubos ang kinakain nito. Siya naman ang naglagay ng pagkain sa plato nito bago niya itinuloy ang pagkain niya.

“Kamusta ang mga bata?” mayamaya ay tanong niya kay Alejandro. Natigil ito sa pagsubo at nilingon siya.

“Palagi ka nilang hinahanap sa akin, hindi sila sanay ng wala ka,”

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon