CHAPTER 6 PART 1

1.6K 72 6
                                    


“She’s a good fuck,”

Habang pinaglalaruan ni Alejandro ang wineglass sa kamay niya ay napalingon siya kay Edmond, ang paboritong pinsan niya at siyang may ari ng isa sa pinakakilalang bar sa buong Barcelona.

Pamangkin ito ng kaniyang ina sa pinsan at kagaya niya ay may dugo rin itong Pinoy. Pero hindi niya ito kagaya na matatas magsalita ng tagalog dahil sa Spain ipinanganak at lumaki si Edmond.

Napadiretso siya nang upo nang sundan niya ng tingin ang tinutukoy ng pinsan niya.

“Do you know her?” tanong niya sa pinsan.

Ngumisi ito at tinapik siya sa balikat. Hindi na niya kailangan malaman pa ang sagot ni Edmond, sa hitsura pa lang nito ay alam na niyang nakuha nito ang babae.

“She’s single, walang magiging problema,”

“Come on! Gusto mong ipatikim sa akin ang natikman mo na?” angal niya.

Tumawa ito. “Wala naman problema, hindi rin naman siya magrereklamo. Ikaw naman talaga ang hinahanap niya noong gabing nakausap ko siya.”

“Nakausap?” nakasimangot na ulit niya sa sinabi nito.

“Yeah.”

Nagkibit balikat siya. Alam niyang hindi naman issue kung makipagkilala siya sa babae at may mangyari sa kanila ngayong gabi kahit alam niyang nakasex na ito ng pinsan niya. Moderno na ang mundo ngayon at ang sex ay isang laro na lang na pwedeng gawin ng mga katulad niyang nasa tamang edad na.

“I don’t like her, masyadong matangkad.”

“Mierda! Ikaw ba talaga 'yan, Alejandro?” gulat na bulalas ni Edmond.

Muntik na nitong maibuga ang iniinom na alak dahil sa pagkabigla.

“Yeah.” Balewalang sagot niya.

Kahit siya ay nagtataka na sa sarili niya. Ngayon lang nangyari na nawalan siya ng interes sa isang magandang babae. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?

Mahinang napaungol siya nang ipikit niya ang mga mata at lumitaw sa isip niya ang mapulang mga labi ni Reggy. Hindi siya magawang patahimikin ng halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Bigla ay parang may humalukay sa loob ng katawan niya.

“Imposible! Kailan ba nagbago ang taste mo sa babae, ha? Ano ba ang gusto mo? 'yung maliit at halos hindi mo na maabot kapag—”

“Callate!” saway niya para patahimikin ang pinsan niya. Natatawang itinaas naman nito ang mga kamay.

“Fine.”

Huminga siya ng malalim at sinundan ng tingin ang babae. Hindi na siya nagulat nang mapansin na nakatingin ito sa kaniya. Solo lang ito sa isang table at panay ang lingon sa direksyon niya sa bar counter.

If Edmond was right at talagang magaling nga sa kama ang babae, siguradong magiging masaya ang gabi niya. Stress reliever niya ang sex at kung bibilangin niya kung ilang babae na ang naikama niya ay mabibigo lang siyang gawin iyon.

Tinitigan niya ang babae, mestisa ito at mukhang modelo dahil sa magandang tindig at katawan. Hindi nalalayo ang ganda nito sa mga babaeng nakasex na niya. Tama nga si Edmond sa sinabi nito kanina dahil ang kagaya ng babaeng katitigan niya ngayon ay akma sa taste niya.

“Whoa!” bulalas ni Edmond nang mahamon siya sa sinabi nito kanina at tumayo na siya para lapitan ang babae.

“Hola.” Bati niya sa wikang espanyol at naupo sa katapat na stool. Ipinatong niya ang wineglass sa table at nginitian ang babae.

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon