CHAPTER 5 PART 2

1.6K 71 6
                                    


“BASTA ang usapan natin, ha? Bawal kayo sa malalim na side ng pool, hindi ako marunong lumangoy.”

Bilin ni Reggy sa kambal habang nasa mababaw na parte sila ng swimming pool. Nakaupo silang tatlo sa hagdan ng pool at naglalaro ng tubig sa mga kamay nila.

“Hanggang baywang ba, pwede?” nakalabing tanong ni Elias sa kaniya. Tiningnan niya ito at gusto sana niyang pagsabihan kaya lang ay natigilan siya nang makita ang asul na mga mata ng paslit.

Pareho ng kulay ang mga mata ng kambal.

At pareho din ng kulay ng mga mata ni Alejandro…

“Sige, basta hindi na kayo pwedeng lumampas pa sa usapan natin,” pagsang ayon niya.

“Gracias!” excited na sabi ni Elias at agad na iniwan na silang dalawa ni Rebecca.

Hindi niya nilalayuan ng tingin si Elias habang naglalaro ito sa tubig at may bitbit na bola. Si Rebecca naman ay tahimik lang sa tabi niya at parang hindi excited kahit pinayagan niyang maligo sa swimming pool.

Kungsabagay, si Elias lang naman ang nangulit sa kaniya na maligo sa pool. May swimming lesson na kasi ang magkapatid next week kaya gusto nitong matuto agad bago pa man magsimula ang activity. Ewan niya kung paano mag aaral lumangoy ngayon ang bata, nanood siguro ito ng videos sa Youtube.

Si Rebecca naman ay palaging malungkot at sumisigla lang kapag kasama ang tiyuhin nito. Hindi niya alam kung paano biglang naging malapit ito kay Alejandro. Dahil siguro magkadugo ang dalawa kaya mabilis na nagkasundo. O baka naman nakikita ni Rebecca ang ama nitong si Enrico kay Alejandro? Daddy’s girl kasi ito at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ito sa pagkawala ng ama.

Si Elias ay medyo aloof pa kay Alejandro, nakikita naman niya na nag uusap kung minsan ang dalawa. Pero kailangan pang mag exert ng effort ni Alejandro para lang mapansin ito ng pamangkin. Nararamdaman naman niya na malapit nang mapalapit ng tuluyan sa lalaki ang loob ni Elias. Kaunting push na lang.

“Bakit mukhang malungkot ang baby doll namin? Smile ka na, sasamahan kitang lumangoy,” nakangiting pagyaya niya kay Rebecca.

Hindi niya sasayangin ang swimsuit na ngayon lang niya nagamit. Minsan lang siya magsuot ng ganoon kaya dapat na sulitin na niya. Muli siyang napangiti at pinasadahan ng tingin ang suot na black swimsuit.

Humahapit iyon sa katawan niya pero hindi naman bastos tingnan. Kahit chubby ay hindi naman malaki ang bilbil niya sa tiyan kaya nagagawa niyang itago iyon. Sexy ang tabas sa harapan ng swimsuit, mababa ang V-line niyon sa dibdib kaya litaw ang cleavage niya.

“Ayokong maligo, wala pa si tio Alejandro,” sagot ni Rebecca at mariing umiling. Kahit siguro kargahin niya ito at pilitin na maglaro sa tubig ay magwawala lang ito.

“Pero natutulog pa ang tio mo,”
Ang sabi ni Petra ay madaling araw na umuwi si Alejandro.

Siguradong tanghali na ito gigising at aalis ulit para pumasok sa opisina.

“Ginising ko siya kanina, sabi niya kakain lang muna siya,”

“Ha?” nawindang siya sa sagot ng paslit. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay tumili na ito sa tuwa ng biglang dumating si Alejandro.

Mama mia!

Kung hindi niya nahawakan ng palad ang baba niya ay baka napanganga na siya nang makita ang kabuuan ng binata. Topless ito at tanging swimming trunks na blue ang suot nito.

Agaw pansin ang umbok sa harapan nito habang naglalakad ito palapit sa kanila ni Rebecca.

Ang mga mata mo, Regina! Umayos ka!

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon