CHAPTER 7 PART 2

1.7K 65 7
                                    


“GOOD morning, bella,”

Kamuntik nang mapatalon sa gulat si Reggy nang marinig ang boses ni Alejandro mula sa likuran niya. Iglap lang ay bumilis ang paghinga niya nang maramdaman ang pagpulupot ng kamay nito sa baywang niya.

Biglang nagkaroon ng komosyon sa loob ng katawan niya nang bumuga ito ng mainit na hininga sa bandang batok niya. Ilang beses siyang huminga ng malalim para pilitin ang sariling kumalma.

Kung hahayaan niyang magpadala siya sa pang aakit ng binata ay baka masunog lang ang niluluto niyang Tortilla a la Francesca o scrambled egg omelet kung tawagin sa ingles.

“Alejandro!” pigil ang paghinga na saway niya ng hindi pa rin siya nito pinapakawalan.

Nanatili itong nakayakap sa kaniya habang isinasalin niya sa malaking plato ang niluto niyang omelet.

“Yes? Hindi ka sumagot sa ‘good morning’ ko.” Parang batang ungot nito at mas lalo pang sumiksik sa kaniya.

Napailing si Reggy. Kung gaano kalambing si Alejandro sa buong magdamag ay ganoon rin pala ito kakulit sa umaga.

Nang mailagay niya ang plato sa table ay napilitan siyang pumihit paharap sa lalaki. Lumobo sa tuwa ang puso niya nang mapagmasdan ang hitsura nito. Bagong ligo ito at handa nang pumasok sa opisina.

Inayos niya ang suot nitong black coat habang ang mga kamay nito ay kontentong pumipisil sa balakang niya.

“Magandang umaga.”

“Magandang umaga rin sa'yo, bella.”

Pinigilan niya ang mapangiti nang marinig ang pa-slang na pagsasalita nito ng tagalog. Fluent sa tagalog si Alejandro pero hindi maiwasan ang matapang na Spanish accent nito kahit tagalog o ingles man ang gamitin nito.

“Kumain ka na.” Sabi niya.

Hindi ito sumagot. Naglaro lang ang pilyong ngiti sa mga labi nito at bumaba ang tingin sa dibdib niya. Agad na namula ang mga pisngi niya ng mas bumaba pa ang tingin nito sa ibabang parte ng katawan niya.

“Kumain ka na ng omelet, 'wag kang masyadong feeling diyan, senyor!” naeeskandalong tinapik niya ito sa balikat.

Tumawa lang ito at yumuko para angkinin ang mga labi niya. Sabik na gumanti naman siya ng halik.

Nakakabaliw talaga ang lalaking ito!

Wala pang dalawang oras na lumabas siya ng kwarto nito ay miss na agad niya ang yakap at halik nito. Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso niya nang maalala ang nangyari kagabi.

Tatlong beses siya nitong inangkin at hindi sila tumigil hanggang hindi nauubos ang lakas nila. Masakit tuloy ang katawan niya ngayon, inaantok din siya dahil halos mag u-umaga na nang patulugin siya ni Alejandro.

“Pinagod ba kita ng sobra kagabi?”

Napaungol siya nang pakawalan ni Alejandro ang mga labi niya. Habol niya ang paghinga nang mag angat siya ng tingin rito.

“Bella?” anito ng hindi siya sumagot.

Nakagat ni Reggy ng mariin ang ibabang labi. Paano niya sasagutin ang tanong nito? Nahihiya siyang sabihin na ilang taon na siyang walang practice sa sex kaya parang nanibago ang katawan niya.

Isa pa ay hindi naman kasing husay ni Alejandro sa kama ang ex boyfriend niya. Nasanay siya sa isang round lang, pero pagdating kay Alejandro ay parang pampainit pa lang pala ang unang round. Kamuntik na siyang mapahagikhik sa naisip at saka umiling na lang.

“Kumain ka na lang kasi.”

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” giit nito saka napabuntong hininga.

“Fine, magpahinga ka na mamaya pagkaalis ko, siguradong wala ka na naman pahinga kapag nakabalik na ang kambal.”

“Si, si, Senyor, kumain ka na para makapagpahinga na ako.” Naiiling na sabi niya at pinisil ang tungki ng ilong nito.

“Beso…” nakangiting request nito at inilapit ang kaliwang pisngi sa kaniya.

Pinagbigyan naman niya ito at binigyan ito ng matunog na halik sa pisngi.

“Okay na?”

Tumango ito at mabilis na hinalikan siya sa labi.

“Mas okay pa sa okay.”

“At dahil diyan, kumain ka na po!”
Itinulak niya ito palapit sa isang bakanteng stool.

Hindi na siya nag abalang yayain pa ito sa dining room dahil mukhang komportable naman ito kahit nasa dirty kitchen lang sila.

“Baka late na ako makauwi mamaya,”
Habang ngumunguya ay gulat na tiningnan ni Reggy ang binata.

Tama ba ang narinig niya? nagpapaalam ito sa kaniya?

“Mahihintay mo ba ako?”

“Alejandro—”

“Your room? Or mine?”

Aw damn!

Sa tanong pa lang nito ay nag iinit na siya. Paano nito nagagawang buhayin ang init ng katawan niya sa isang salita lang nito?

“Mine.” Sagot naman niya.

Ngumiti si Alejandro at dumukwang sa mesa para abutin siya. Napapikit siya nang halikan nito ang mga labi niya. Nalasahan niya ang omelete at fresh milk sa labi ng binata at mas lalong nagpainit iyon sa pakiramdam niya.

Pagkatapos kumain ay inihatid pa niya ito sa sasakyan. Daig pa nila ang bagong kasal na hindi mapaghiwalay. Hanggang sa garahe kasi ay panay ang yakap at halik sa kaniya nito.

“Bye, bella, I’ll see you later, okay?”

“Bye.”

Parang hinigop papunta sa kalawakan si Reggy nang masuyong halikan siya ni Alejandro. Natulala siya at sinundan lang ito ng tingin habang kumakaway na sumakay na ito ng kotse.

Nang makaalis na ito ay parang nananaginip na tinapik tapik pa niya ang magkabilang pisngi. Namula ang buong mukha niya nang bumaba ang tingin niya sa kissmark sa itaas ng dibdib niya. Impit na napatili siya at patakbong bumalik na sa loob ng bahay.

Ang bilis mo naman, Lord! Sabi ko naman po hindi ako nagmamadali na mabigyan ng hombre, pero salamat po ng bonggang bongga!

“I think I’m in love, I think I’m in love with you, every single day, every single night, every single moment of my life….” Pakanta kanta pa siya habang umaakyat sa mataas na hagdan.

Parang gusto na niyang magwalling, kaya lang ay malayo pa ang wall dahil nasa second floor pa iyon ng bahay.

Nang maalala ang napag usapan nila ni Alejandro para mamayang gabi ay parang gusto na lang niyang bumirit ng mataas na linya ng kanta ala Regine Velasquez hanggang sa maubos ang boses niya. 

Taray!

Hanggang dulo na yata ng Europe ang haba ng hair niya!

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon