CHAPTER 7 PART 1

1.8K 61 10
                                    


PAGKATAPOS ng facebook live ay naligo na si Reggy. Nagsusuklay na siya ng buhok sa harapan ng malaking salamin nang marinig niyang may kumatok sa pinto. Inayos niya ang suot na silk robe at nagmamadaling binuksan ang pinto ng kwarto niya.

“Yes?” tanong niya nang makita niya si Alejandro na nakatayo sa labas.

Saglit na bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito. Bagong ligo ito at nakapagpalit na ng gray t-shirt at white pajama bottom. Umangat ang tingin niya sa gwapong mukha nito nang marinig niya itong bumuntong hininga.

“May problema ba, Alejandro?” 

“May paracetamol ka ba diyan? Naubusan kasi ng stock sa medicine cabinet, nakalimutan kong magpabili kay Petra.”

“Sandali,” niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at tinungo ang drawer niya. “Heto pala—ayyy!”

“Ooops! Perdon!”

Naikurap ni Reggy ng ilang beses ang mga mata nang bumangga siya sa matigas na katawan ni Alejandro at mabilis na saluhin siya nito. Parang biglang hinigop ang lakas niya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa mga pisngi niya.

Napalunok siya kasabay ng panlalambot ng mga tuhod niya. Nag iwas siya ng tingin sa lalaki, kung hahayaan niya ang sarili na tumitig sa magandang pares na mga mata nito ay baka malunod na naman siya sa sariling emosyon.

“Sorry kung sumunod na ako sa'yo sa loob,”

“O-okay lang….”

Ah, hindi ako okay! Nanginginig ako sa kaba ng dahil sa mga titig mo! Ano ba!

“Salamat.” Mahinang sabi niya nang tulungan siya nitong tumayo ng maayos.

“Heto pala, gusto mong ikuha kita ng tubig sa ibaba?” alok niya.

Hindi naman ito tumanggi, masama siguro talaga ang pakiramdam nito. 

“Sige, bumalik ka na sa kwarto mo, kukuha ako ng tubig sa ref.”

“Thanks.”

Nakangiting tumango lang siya at nagtungo na sa kusina, ilang minuto lang ang lumipas ay dala na niya ang bottled water at umakyat sa kwarto ni Alejandro. Ilang beses siyang kumatok pero wala siyang narinig na sagot mula dito. Napilitan na siyang pihitin ang doorknob para alamin kung ano na ang nangyayari sa binata.

“Wow!” mahinang bulalas niya nang makita ang buong kwarto.

Halos malula siya sa pagkamangha nang makita ang kabuuan ng malaking kwarto. Dim light ang liwanag sa loob dahil sa magkatapat na lampshade na malapit sa 40 inches na flat screen TV na nakapwesto malapit sa paanan ng kama.

Pinagsamang black and blue ang motif ng buong kwarto na halatang may touched ng American style, hindi katulad sa kwarto ng kambal na Europian style talaga ultimo ang mga furnitures.

“Alejandro?” tawag niya sa lalaki.

Sakto naman na tumigil ang mga mata niya sa queen size bed na malapit sa window glass. Maingat ang mga kilos na lumapit siya sa kama nang makita na padapang nakahiga doon si Alejandro.

“Alejandro?” tawag ulit niya.

“Huh?” bumaling ang ulo nito paharap sa direksiyon niya.

“Uminom ka na ng gamot, mukhang masama talaga ang pakiramdam mo.” Sabi niya.

Nakita niya sa bedside table ang paracetamol na ibinigay niya rito kanina. Binuksan niya ang pakete niyon at inabot sa binata. Umungol naman ito at parang napipilitan lang na bumangon.

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon