CHAPTER 3 PART 2

1.8K 74 2
                                    

“SIGURADO ka ba na okay ka lang? parang napasukan na ng tubig ang utak mo 'eh.”

“May hangover pa kasi siya sa hombreng boss niya,”

“Hep! Erase that, hindi ko boss ang hombre na tiyuhin ng mga alaga ko.”

Kinikilig na sabi ni Reggy habang kausap niya ang mga kaibigan through video call. Hindi talaga siya makamove on sa nangyari kahapon kaya nagawa pa niyang ikwento iyon sa mga kaibigan.

“Blue eyes siya mga bes! Alam naman ninyo na pangarap kong makapag asawa ng foreigner.”

Siyempre ay hindi niya magagawang kalimutan ang pangako nila na kapag nagkaroon ng reunion ay isasama nila ang mga expat boys nila. May ilang buwan pa siya para matupad ang pangarap niya. Hindi naman siya masyadong umaasa na ibibigay agad iyon ng langit sa kaniya. Walang mawawala kung hindi siya magdadala ng ka-date na foreigner sa reunion nila.

Pero naniniwala siya sa himala at open naman siya kung darating nga iyon sa buhay niya.

“Balak mong akitin?” tanong ni Jane.

“Uy! Hindi! Grabe ka naman, Jane, parang papatulan ako ng hombre na iyon. Kinilig lang talaga ako kasi para siyang knight in shining armour na iniligtas ako sa kamuntik ko ng pagka-tegi.” Tanggi niya.

“Maganda ka naman, ha! Chubby ka pero maganda ka, walang ginawang pangit si Lord.” Ani Edgell.

“Amen.” Sagot niya.

Hindi naman talaga masasabing maganda si Reggy. Kung ilalarawan niya ang sarili ay masasabi niya na nasa category siya ng mga cute. Cute dahil maliit lang siya, five-two lang ang height niya at pumapalo naman sa eighty kilos ang timbang niya. Kahit noon ay talagang chubby na siya.

Wala sa style niya ang diet at naniniwala siya na kaya niyang dalahin ang sarili kahit medyo malusog siya. Voluptuous body daw ang mayroon siya, ayon sa mga kakilala niya. Kahit chubby ay makurba kasi ang balakang niya at nabiyayaan siya ng malusog na dibdib at matambok na puwitan .

Namana niya ang maliit at medyo singkit na mga mata sa kaniyang ama. Oval shape at maliit naman ang mukha niya na binagayan ng matambok na mga pisngi. Matangos ang ilong niya at ang mga labi ay makapal na kagaya ng sa aktres na si Anne Curtis.

Noon ay madalas siyang tuksuhin ng iba dahil sa thick lips niya, pero ngayon ay naging asset pa niya iyon. Nasa uso palagi ang porma niya dahil may pagkakikay talaga siya kahit noong college palang siya.

“Hayyyy!” naupo si Reggy sa gilid ng swimming pool at itinagilid ng kaunti ang cellphone para maipakita niya sa mga kaibigan ang kabuuan ng pool area at harapan ng malaking bahay.

“Kita ninyo? Hindi lang hot expat ang hombre, maraming maneeeh mga day!”

“Hoy! Pasaway ka! Diyan ka pa talaga tumambay sa may pool area, paano na lang kapag nalunod ka na naman?” natatawang saway sa kaniya ni Andie.

“Mabuti sana kung ililigtas ka ulit ng hombre mo.” Singit ni Elissa.

“Walang magliligtas sa'yo, hoy! Umalis ka na diyan!” ani Jane.

“Huwag kayong nega, nasa mababaw na side lang ako ng pool, natuto na ako.”

Nagtawanan ang mga ito sa sinabi niya.

“Anyway, mabalik tayo sa topic kanina, ano ba ang sinasabi mo na connected sa Hermosa ang tito ng mga alaga mo?” tanong ni Andie.

Napatango siya at mabilis na nagpaliwanag. Sikat na rin sa bansa nila ang Hermosa, pero mayaman lang ang nakakaafford ng mga produkto ng kompanya ng mga Alonso at hindi ang kagaya niyang poorita.

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon