CHAPTER 2 part 1

2.1K 77 1
                                    

FACUNDO JOSE Rodriguez-Alonzo was a rich and famous businessman. Sinong mag aakala na ang isang respetado at tinitingalang kagaya ni don Facundo ay magkakaroon ng mga anak na kagaya ni Alejandro at ng kakambal niyang si Robertita? Sa kabilang banda ay hindi naman sila masamang tao ng kapatid niya. Nakagawa lang sila ng pagkakamali na naging dahilan para mapahiya ang buong pamilya nila.

“My unica hija, bakit nangyari ito?”

Mabagal na nilingon ni Alejandro ang kaniyang ama. Agad na nagsikip ang paghinga niya nang makita ang lungkot sa mga mata nito. Kahit hindi ito umiyak ay nararamdaman niya ang bigat ng dibdib nito. Kilala niya ang ama, hindi ito showy pagdating sa sarili nitong emosyon. Kahit masaya o malungkot ito ay hindi nito iyon ipinapakita sa ibang tao. Ang tanging emosyon lang na madalas niyang makita sa papa niya ay galit, partikular na sa kaniya.

Mabilis na nag iwas ng tingin si Alejandro nang haplusin ng ama ang salamin sa ibabaw ng ataul ni Robertita. Hindi niya kayang tingnan ang walang buhay na kakambal kaya mariing ipinikit niya ang mga mata at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Habang tumatagal ay mas lalong bumibigat ang paghinga niya. Para siyang nasasakal habang naririnig niya ang pagpalahaw nang iyak ng mga tao sa paligid. Karamihan sa mga naroon sa chapel ay mga kaibigan at katrabaho ni Robertita at ng asawa nitong si Enrico.

Bakit sa ganitong paraan pa tayo kailangan na magkita ulit, Robertita? Ang akala ko ay magiging mabuti ang buhay mo ng wala kami ni papa.

Mapait na napangiti si Alejandro nang maalala ang huling mga sandali na magkasama sila ng kakambal niya. Mga bata pa sila noon at parehong sakit ng ulo ng kanilang ama. Teenager pa lang sila nang pumanaw sa sakit na leukemia ang kanilang ina, palagi naman busy sa trabaho si papa Facundo kaya walang gumabay sa kanilang dalawa habang lumalaki. Mabuti na lang kahit hindi masaya ang pagsasama ng mga magulang niya—dahil parang aso at pusa kong mag away ang mga ito—ay nakasama niya si lola Caridad noong nabubuhay pa ito. Half Filipina si lola Caridad—ang abuela niya sa mother side—at isinasama siya nito noon kapag nagbabakasyon ito sa Pilipinas. Minsan na rin siyang tumira ng matagal sa Pilipinas dahil sa madalas na pag aaway ng mga magulang niya.

Nang pumanaw ang kaniyang abuela ay naging magulo ang buhay niya at napasama siya sa maling barkada. Noon ay palaging pinapalampas ng ama ang pagkakamali niya. Marami silang pera kaya balewala na lang para rito na magbayad ng mga nagawa niyang perwisyo. Hanggang sa umabot na nga sa punto na nalulong siya sa drugs at alak. Palagi siyang lulong sa drugs noon kaya hindi niya nabigyan ng atensiyon ang sariling kapatid. Kahit fraternal twin ay hindi sila close ni Robertita. Lumaki kasi sila na madalas na nag aaway ang mga magulang nila at kapag naglalayas ang kanilang ina ay palagi itong kasama. Siya naman ang palaging naiiwan sa poder ng kanilang ama.

Halos wala siyang pakialam noon nang malaman niya na ipinagkasundo ng kanilang ama si Robertita sa isang business partner nito. Pero sa mismong araw ng kasal ay hindi sumipot ang kakambal niya. Malaking eskandalo ang ginawa nito at pinag usapan iyon sa buong bansa. Galit na galit ang papa nila nang matuklasan na sumama ito sa ibang lalaki. Nakadagdag pa sa galit ng ama ang nagawa niyang kapalpakan. Kasama siya sa mga drug addict na inaresto ng mga pulis. Hindi niya alam na matagal na palang inoobserbahan ng mga pulis ang hideout nila ng mga kasama niya, dahil sa nangyari ay binawi sa kaniya ng ama ang maliit na bahay na ipinamana sa kaniya ng kaniyang mama, ang bahay na iyon kasi ang ginawa nilang hideout o drug den. 

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon