CHAPTER 5 PART 1

1.8K 67 0
                                    

“Hola! Kamusta naman ang araw ng mga alaga ko?” nakangiting tanong ni Reggy sa wikang espanyol nang salubungin niya ang kambal sa labas ng classroom.

Nang makita siya ay agad na yumakap ang dalawang bata sa magkabilang braso niya. “Naku, teka nga, huwag na muna ninyo akong pag agawan, ibigay na muna ninyo sa akin ang mga bag ninyo.”

Natatawang saway niya.
Inabot naman sa kaniya ng kambal ang mga bag at magkahawak kamay na naglakad na silang tatlo sa lobby ng school. Panay ang ngiti ni Elias kapag may nasasalubong itong kakilala. Si Rebecca naman ay nakayuko at parang ayaw makipag eye to eye contact sa mga schoolmates nito.

Napailing siya habang pinagmamasdan ang bata. Siguro naman ay masasanay rin ito sa bagong school at magkakaroon ng mga bagong kaibigan.

Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok ni Rebecca. Pareho lang naman sila ng nararamdaman dahil kahit siya ay nag a-adjust pa sa bagong school ng magkapatid. Sa dating school kasi ng mga ito ay marami na siyang naging kaibigan na kapwa niya mga yaya, Pinay man o ibang lahi.

Panibagong pakikisama na naman ang drama niya sa bagong school. Pero magaling naman siyang makisama kaya hindi niya magiging problema iyon.

“Rebecca, ayos ka lang ba?”

“Si.” Mahinang sagot naman ng bata. Pinisil niya ang palad nito.

Naiintindihan niya si Rebecca at kung siya siguro ang nasa kalagayan nito ay malulungkot din siya. Nagdesisyon kasi si senyor Facundo na itransfer ng ibang exclusive school ang kambal. Nag aalala siguro ito dahil sa mga nasagap nitong balita na laganap ang bullying sa dating school ng dalawa.

Ang ipinagtataka lang niya ay si senyor Alejandro ang nag ayos ng mga dokumento nila Rebecca at Elias. Hindi niya alam kung anong naisip ng gwapong monster na si Alejandro dahil ito pa pala ang nagpunta sa eskwelahan para ayusin ang lahat.

Totoong nagulat siya nang malaman ang ginawa ng lalaki. Ano ba ang nakain nito? Nagpunta lang ito sa Mexico ay biglang bumait na ito sa mga pamangkin.

Hindi kaya naalog sa eroplano ang utak ng gwapong monster? O baka kamuntik nang mapahamak sa ibang bansa kaya nakapag isip na magbagong buhay? Naitanong niya sa sarili.

Ang mas ipinagtataka pa niya ay naging sweet at mabait na si Alejandro sa mga alaga niya. Nagmukha ng department store ang mga kwarto ng kambal dahil sa mga laruan at gadgets na ibinigay nito. Kahit siya ay naambunan ng himala, noong isang araw kasi ay may inabot na makeup set sa kaniya si Petra.

Nagulat siya nang sabihin ng matanda na ipinabibigay daw iyon ni Alejandro sa kaniya. Sikat na makeup brand iyon kaya windang na windang ang beauty niya.

Hindi pa niya nakakausap si Alejandro dahil palagi itong wala sa bahay. Hindi naman niya ibabalik ang makeup set, hindi siya tanga para ibalik iyon. Kulang ang isang buwan na sweldo niya kung bibili siya ng sariling makeup na kagaya ng regalo nitong brand.

Gusto niyang magpasalamat at itatanong din niya kung para saan ang suhol nito, kung suhol man iyon na matatawag.

Baka naman nakonsensiya siya at naisip na niya na mali talaga na sinigawan niya ang mga pamangkin niya? Baka way lang ni Alejandro ang manuhol kapag gusto niyang mag apologize? Hmmm…. Bongga talaga ang gwapong monster.

Kahit paano ay na-touch siya sa ginawa ng lalaki. Hindi dahil sa materialistic siya, hindi lang talaga niya akalain na maiisip pa nito na bigyan siya ng regalo. Wala naman kasing okasyon at higit sa lahat ay hindi naman sila close. Palagi pa nga silang nagkakasagutan dahil sa trato nito sa mga bata.

“Yaya, may crush siguro sa'yo si tio Alejandro?”

Gulat na napalingon siya kay Elias. Parang hinalukay ang sikmura niya dahil sa ideya na binigay sa kaniya ng paslit.

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon