Daniella Sophia Ferrer Pov
"Ate Vicky! Ok kalang ba? Si Sophia to. Yung lagi kong kinukwento sayo.." Sabay halik ni Nikki sa pisngi ng ate niya,she looks so nervous and obvious na obvious ang uneasiness ng mukha niya.
Pero hindi parin siya makaimik, parang nakakita ng multo, nagkatitigan lang kami ng ate ni Nikki,Magkahawig sila ni Nikki..
Malamang!!
Magkapatid nga diba?..
"Hon, nandiyan naba si Nichole—-?"
Isang pamilyar na boses ang nagpabalik samin ng ate ni Nikki sa ilang segundong pagtitinginan.At ilang segundo ring kaming nagkatinginan ng taong yun,
"Ikaw? A-anung ginagawa mo dito?!!" Galit na boses ni Mike..
Oo si Mike,
si Michael Royston.,Ang ex-boyfriend slash ex-fiancé slash my ex-lover,Ilang segundo ko ring hindi ma process sa utak ko ang mga nangyayari,Bakit naman kasi of all people?siya pa ang makakaharap ko?!bakit naman kasi wrong timing pa..
I was in shocked that i can't even utter a single word.,Nag ha-hyperventilate narin ako, i can't breath,O god! Save me!Hindi ko talaga ma process sa kukote ko kung anung nangyayari. Andaming bakit? Papaano? Ang naglalaro sa isip ko, my body froze, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Anung ginagawa mo dito Dani?" Palapit sa akin si Mike parang gusto niya pa akong saktan sa galit niya, pero hinila siya ni Nikki, para hindi makalapit sakin "hindi paba sapat ang ginawa ng pamilya mo Sa pamilya ko?!" Niyakap siya ni Nikki at ang ate niya kay Mike. Inaawat kasi siya.
"Ku-kuya Mike? Anung nangyayari? Hi-hindi ko maintindihan,wa-wala akong maintindihan" Nikki asked Mike, habang hawak ng mahigpit ang kabilang braso ni Mike, dahil kapag hindi siya nahawakan ng mahigpit baka kumawala at baka mapatay pa niya ako sa sobrang galit niya.
"Hindi mo alam Nichole?" Si Mike na medyo nagbaba ng boses at parang maiiyak na sa galit,Umiling lang si Nikki at bakas sakanya ang pagkalito, "yang Sophia na binabanggit mo at si Daniella Ferrer ay iisa!"
"Kuya Mike!. Baka nagkakamali ka,Siya si Sophia Dela Cruz.. Not Daniella Ferrer.."
"Niloloko ka lang niya Nichole! or
Should i say,She just used you to revenge,Gusto niyang maghiganti sa akin!!." Sabay tingin sakin ni Mike at medyo galit nanaman ang mukha "baka gusto mong ikaw na ang mag sabi kay Nichole ng totoo Dani?!you know what Dani?!, kahit baguhin mo pa ng ilang ulit ang sarili mo, i know you,why don't you tell her the truth? "Napailing lang ako,At parang babagsak narin ang mga luhang pilit kong nilalabanan..
"So-sophia!?Anu to? Totoo ba ang sinasabi ni kuya Mike?" Halos garalgal na ang boses ni Nikki. Yung boses na maiiyak na..
"Nikki.. Le-let me explain" lumapit ako ng bahagya kay Nikki para yakapin sana siya,Para iexplain ko sa kanya ang lahat,Pero bawat hakbang ko palapit sakanya, yung din ang hakbang niya palayo sa akin..
"Ayaw na kita makita pa,Umalis kana dito!" Mahina pero madiin na sabi ni Nikki sakin.
Hinawakan ako ni Mike sa kabilang braso ko ng mahigpit palabas ng bahay nila,Hinila niya ako..
Habang palabas kami ni Mike ang tingin ko kay Nikki lang na walang tigil sa pag agos ng luha,I mouthed her na "I'm so sorry." Pero iyak lang ang tugon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My "Fiancé's Lover"
Romance"REVENGE" yan ang paulit ulit kong gagawin sa mga taong sumira ng buhay ko.. At hinding hindi ako titigil para iparanas ko sa kanila ang mga kahihiyan at sakit na ginawa nila sakin at sa pamilya ko. Isa akong "Ferrer" at kailanman hindi basta basta...