"PARA SA 'AKING PAG-IBIG"

183 8 0
                                    

Sa 'iyong pag-lisan,

Sumasabay ang mga luha sa pag ulan,
Sa kabila ng pag-iwan,
Ang pag-ibig sa'yo ay hindi magawang palitan.

Walang tutumbas sa iyong mga yakap,
Nais kalimutan ngunit bumabalik sa hinagap,
Ngayon ay inaalala ang lahat,
Sa taas ay naka sulyap,
Sa langit na napapalibutan ng alapaap,
Nais makita ang mga ngiting nag aalab,
Ikaw na hanggang sa panaginip ay aking pinapangarap.

Ang bituin na nag bigay ng liwanag sa aking madilim na gabi,
Ang pangakong walang iwanan na nang galing mismo sa 'iyong mga labi,
Pang habang buhay ang 'iyong sinabi,
Ngunit lumisan ka na siyang nagpa bago sa dapat na mangyari.

Ang sakit na dulot ng kahapon,
Ay nais lukutin at itapon,
Ang sugat na iyong ibinaon,
Hanggang ngayon ay hindi nag hihilom.

Kulang ang tusok ng karayom,
Sa iniwan mong pighati dulot ng iyong pag-talikod.

Kulang ang mga patak ng ulan,
Sa mga luhang natuyo sa aking unan.

Mas malalim sa hukay,
Ang kinahulugan ng aking buhay.

Mas mataas sa kalangitan,
Ang salitang ngayon ay aking pinang hahawakan.

Ang iyong pag balik,
Ang nais kong makamtan.

Sa ikalawang pagkakataon,
Ay muli tayong babangon.

Maaaring sa ikalawa,
Ay atin itong ma itama.

Ngunit sa pag dilat ng aking mga mata,
Ganon parin at walang pagkakaiba.

Ngayon ay dapat tanggaping wala ka na,
At hind na muling babalik pa.
Kahit sa puso ay may nanumuong pag-asa,
Ngunit sa kabila noon ay pagod ng umasa.

bibitaw na ako, dahil bumitaw ka na.
gustuhin ko mang ibalik, ang lahat ay tapos na.

muli akong ngingiti ng masaya.

Ngayon ay kakayanin kong mag-isa,
Dahil wala ka na.

Sa aking munting pag-ibig,
Pinapalaya na kita.

*END*

(A/N: Ginamit ko po itong tulang ito sa short story ko'ng Against The World.
If you're confused and interested try to read it!)

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon