Tinatanaw nanaman kita,
Hinahanap ko nanaman ang mga ngiti mong magbibigay sigla,
sa buong araw na aking matatamasa.
Parang hindi nag babago ang kislap sa iyong mga mata,
Kung paano kitang minahal noong tayo'y mga bata pa,
ganoon ka parin, at bakit ganito parang mas minahal pa yata kita.
Mahilig tayo noong mag taguan,
pero bakit ngayon ang nararamdaman ko na lang ang pilit kong pinag tatakpan.Palagi akong panalo sa jolen,
pero talo ako ngayon dahil mismong nararamdaman ko, hindi ko kayang sabihen.Sa pogs palaging ikaw ang unang titira,
at heto ako ngayon minahal ka ng sobra,
kaya miski sa sarili ko ay wala ng natira.Kung muli tayong mag lalaro ng langit lupa, siguro ikaw yung langit at ako na yung lupa, dahil isang beses mo pa akong baliwalain, baka hindi mo na ako ulit makita.
Minsan mo akong inintay sa labas ng bahay,
habang sa loob ay pilit akong kumakaway.
pero bakit ganito, hindi kita kayang makitang hawak ang kaniyang kamay.
habang nagpapalitan kayo ng salitang mahal kita,
naka tanaw ako na para bang ang sakit sakit niyo sa mata.
hindi lang sa mata, maging sa puso ko na hanggang ngayon ay pilit paring umaasa.
na sana bukas pag gising ko, babangon akong ikaw ang kasama.
mumulat akong ikaw ang unang taong makikita.
bubuo ako ng pamilya ng ikaw ang tatayong ama.
Na sana pangalan ko ang sinasabi mo habang nag a "I do" ka, at hindi ang pangalan niya.
pero anong magagawa ko?
sakaniya ka na.
na naging simbulo ang mga pagpapalitan niyo ng mga salita,
ang singsing na sa sobrang mahal ay pinag ipunan mo pa nga.
Saksi ang aking mga mata,
sa pag iibigan niyong dalawa,
na kahit ano pa ang gawin ko...
na kahit hilingin kong sana ikaw na lang at ako...
kahit ibalik ko ang mga araw na nag lalaro pa lang tayo,
ay walang mag babago...
dahil darating at darating parin ang araw na ito,
na kahit pigilan ko man ang bwan,
sakaniya parin ang bagsak mo.
kamay parin niya ang panghahawakan mo,
at ang epelyido mo ang papalit sa dulo ng pangalan ng taong mahal na mahal mo...
na ngayon ay kaharap mo,
habang ang likod mo lang ang tanging natatanaw ko.
BINABASA MO ANG
Before We Surrender. (A Poetry Book)
Poetry"My eyes does not cry for a heartbreak, my pen does." ㅡMimayselfandiii #SpokenPoetry #Collection