"BAKA, SIGURO, TAYO TALAGA."

195 7 0
                                    

Baka para naman talaga tayo sa isa't isa, kung hindi ka lang sana naging bulag para hindi ako makita.

Baka tayo naman talaga sa huli, kung hindi mo lang sana winakasan agad ang isang bagay na hindi pa natin nasisimulan.

Baka ako na yung babaeng hindi mag sasawang alagaan ka, kung hinayaan mo lang sana ako na ingatan kita.

Baka ako na yung mag tatama sa lahat ng mali mo, kung naging tama lang rin sana yung mga desisyong ginawa mo.

Baka ako na yung mag pupunas sa luha mo, kung hindi mo lang itinapon yung panyong inilaan ko para sayo.

Baka ako na yung babaeng hindi ka bibitawan, kung sana nung una pa lang kumapit ka na.

Baka ako na yung bahaghari, kung hindi ka lang sana nag focus sa ulan.

Baka hindi na kita pinakawalan pa, kung hindi mo lang sana ako binigyan ng dahilan para bumitaw.

Baka masaya ka sakin ngayon, kung hindi ka lang malungkot dahil sakaniya.

Baka siguro hindi ka na masasaktan pa, kung hinayaan mong mahalin kita.

Baka siguro tayo talaga, kung pumayag ka lang sana.

Baka siguro tayo talaga, kung hindi mo siya nakilala.

Baka siguro tayo talaga, kung naging matapang ka lang sana...

Baka siguro tayo talaga, kung nagawa mo lang sanang limutin siya, para nasimulan na natin yung pang habang buhay nating dalawa.

Kaya lang mas pinili mo siya.

Kaya ngayon wala ng "Baka siguro tayo talaga."
Kase siguro nga ay kayo talagang dalawa.

Ang lahat ng 'Baka' at 'Siguro' ko ay tatatak na lang sa hangin, at mawawala.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon