Palagi nating pinag aawayan yung isang katanungan.
isang katanungan na baka ngayon ay mabigyan ko na ng kasagutan.
"Mahal ko, o Mahal ako."
Katanungang pilit gumugulo sa ating isipan.
hindi natin malaman kung sino ba ang tama sa dalawang pag pipilian.
pero ako? simple lang ang sagot ko.
ayun ay;
mas pipiliin ko yung taong mahal ko...
Kase hindi ako duwag,
hindi ako mahina.hindi ako takot masaktan kase kaya kong lumaban.
at sa isang gyera, kailangan mo yung matapang,
yung handang saluhin ang bala maipag laban ka lang.
yung mas pipiliing umuwi ng duguan kesa umuwing ligtas dahil sumuko sa laban.
yung mas gugustuhing masaktan habang lumalaban, kesa umurong ng wala man lang napapatunayan.
kase sa mundong pare pareho nating ginagalawan?
lahat ng tao kayang mag mahal,
pero hindi lahat ng tao kayang sumugal.lahat ng tao kayang sabihin yung katagang 'mahal kita'
pero hindi lahat ng tao kayang ipag laban yung taong mahal nila.kaya kapag pipili ka?
piliin mo yung sundalong ipaglalaban ka..at ang tanga tanga mo kase nasa harap mo na ako,
lumingon ka pa sa iba.nandito na yung sundalo pero pinakawalan mo pa.
pero kahit na ganon gusto kong malaman mo,
na hindi ako susuko sayo.hindi mo man makita yung halaga ko sa ngayon,
darating din tayo don.basta sa mga oras na to,
gusto kong malaman mong sayo ako,kahit sakaniya ka.
sayo ako, kahit mahal mo siya.
at kung sasabihin mo sakin ngayon na piliin ko na lang yung taong mahal ako, hindi ko kaya.
Oo alam ko na kapag pinili ko siya,
sa piling niya ay hindi ako luluha,
Pero anong magagawa ko?!
sayo ako masaya.na dumating sa puntong kinaya ko na lang yung pait,
tinanggap ko yung sakit,
kase pumayag na akong mahalin ka kahit wala ng kapalit.kase nung araw na nakilala kita,
nung araw na nakita kita sa may di kalayuan;
ilang minuto kitang pinag masdan masdan...
at don ko sinabi sa sarili ko... na sige,
"handa na akong muling masaktan, basta etong taong to, yung magiging dahilan."
Ipaglalaban kita,
hanggat kaya ko pa.mamahalin kita hanggat pwede pa,
kase kapag ang sundalo napagod na...kahit gano yan katapang kapag gusto mo ng pasukuiin siya,
kahit labag sa loob bibitawan ka niya.kaya wag mo akong bigyan ng dahilan para sumuko sa labang ito,
hindi dahil sa takot akong matalo,
kundi dahil hindi ako tinawag na sundalo,
kung sa larangan lang ng pag-ibig mo ay hindi ako mananalo.
BINABASA MO ANG
Before We Surrender. (A Poetry Book)
Poetry"My eyes does not cry for a heartbreak, my pen does." ㅡMimayselfandiii #SpokenPoetry #Collection