(A/N: bilang hindi ko pa tapos yung final chapter, mag lalagay muna ako ng bonus chapter, it's for our loving mothers out there! hope you guys enjoy! and don't forget to greet your mom a happy mother's day! lablab!)
*****
Para sa ilaw ng tahanan.
para sa unang babaeng aking minahal.
sa unang taong nag turo saakin kung paanong mag mahal.ang unang babaeng nais kong iyakan,
ang natatanging nais kong mahagkan.gusto kong malaman mo,
na hindi sapat ang libo libong doctor para pag hilumin ang hiwa sa sugat na ito,
ngunit ang yakap mo ang natatanging kailangan para matuyo ang sugat na aking natamo,
na kahit gaano kalalim,
kaya mong pag hilumin.dahil hindi ang ano mang gamot ang aking kailangan,
ang pag mamahal ng isang ina, ang nais kong nakamtan.walang tutumbas sa iyong mga yakap.
naalala mo pa ba,
nung minsan akong umuwi,
gabing gabi na.nakita kitang nag iintay sa sala,
habang ang muka mo ay puno ng pag aalala.na sa sandaling iyon para akong nang hihina.
nalungkot ako sa isiping hindi ka makatulog hanggat hindi ako nakikita.
gusto kong humingi ng pasensya,
ngunit inunahan nanaman ako ng hiya.nilampasan kita,
hindi alintana ang iyong nadarama.sa mga sandaling iyon,
ngayon ko sasabihing patawad.patawad, kung unti unti ng lumalayo ang loob ko, sa taong una kong naging sandigan at lakas.
patawad kung iba na ako sa batang minsan mong inalagaan at inaruga.
patawad kung nag sisimula ng magkaroon ng pader sa pagitan nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Before We Surrender. (A Poetry Book)
Poetry"My eyes does not cry for a heartbreak, my pen does." ㅡMimayselfandiii #SpokenPoetry #Collection