"TANDA MO PA BA?"

190 7 0
                                    

"Tanda mo pa ba ang unang araw ng ating pagkikita.
Sa langit ay may mga tala.
Sa palagid ay walang ibang nakikita. kundi tayong dalawa.
tayong dalawa lang. sa mundong sabay nating ginawa.
Sa mga ulan na sabay nating sinusuong dalawa.
sa mga ambon na hindi alintana.
sa lahat ng sakit at problema. lahat ay hawak kamay nating kinakaya."

ang pag-ibig na noon ay malabo at bihira, ngayon ay nakita na.

ikaw na bahaghari pagkatapos ng ulan.
ikaw na kasagutan sa lahat ng tanong na gumugulo sa isipan.
ikaw na sundalong handa akong ipag laban.
ikaw na nag iisang dahilan ng mga ngiti sa kabila ng mga pinagdaraanan.
ikaw na nag silbing pambura sa lahat ng pagkakamali ko.
ikaw na nag silbing panyo sa bawat patak ng luha sa mata ko.
ikaw na nagiisang tama sa lahat ng kamalian ko.
ikaw na tumanggap sakin ng buong buo sa kabila ng pagiging hindi ko perpekto.

gusto kong malaman mo na Ang lahat ng paninangako ay tutuparin.
sa umpisa hanggang sa huli ay paulit ulit kitang mamahalin.
hindi mapapagod at pilit na kakayanin.
masaktan man ay hindi mag babago ang pag tingin.

narito ka,
sa gitna ng karagatan,
sa islang sayo lamang naka laan.
sa paligid kung saan ay maraming tubig na kayang patunayan.
na kakayanin mo ang lahat kahit nag iisa ka lang.

kinaya mo.
ngunit napagod ka.
kinaya mo.
pero sumuko ka.
kinaya mo
pero nahihirapan ka.
kinaya mo.
pero nag sasawa ka na.
pinilit kita.
pero ayaw mo na.

ayaw mo na.

kasalanan ko ba? dahil ikinulong kita sa pag-ibig na para sating dalawa? o kasalanan mo dahil sumuko ka.

kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko makita ang dahilan,
hindi ko maintindihan at sobra sobra na akong naguguluhan.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon