"Paru-Paro"

163 5 0
                                    

Kasabay ng paglaho,
ang pag lipad ng paru-paro.
Ikaw ang simbulo,
ng pag-ibig na bumuo sa aking pagkatao.

Sa pag wagayway ng mga pakpak,
ninanais kong muli kang mayakap.

sa pagdapo ng paru-paro sa aking mga kamay
ipinapaalalang ikaw ang aking buhay.

Hindi naging sapat ang mga tala
upang manatili ka.

dahil pag mulat ng aking mga mata,
alaala mo na lamang ang natitira.

dahil sa mga sandaling iyon,
naglaho ka na.

Ang aking munting paru-paro,
Mahal na Mahal kita...

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon