"KAYA KO NA"

145 5 0
                                    

Sa pag lipas ng panahon,
Unti unti akong nasasanay.
Unti unti ko ng kinakaya,
Ang mabuhay ng masaya,
Kahit wala ka.

Natutunan kong mag mahal ng hindi sobra,
Natutunan ko kung paano mag tira.
Ng sa ganon ay hindi na ako muling dedepende sa iba.

Napag tanto ko na sa buhay na ito ay 'walang permanente'

Napag isip isip ko na hindi ko sila kailangan  para sumaya.
Dahil ang tunay na kasiyahan ay hindi nahahanap sa iba.

Natuto akong magpahalaga sa kung sino ang nagpapa halaga sa akin.

Natutunan kong mahalin ang mga taong nag mamahal sakin.

Natutunan kong iappreciate ang mga taong nakaka appreciate sakin.

Natuto akong makuntento sa mga taong kuntento na sakin.

Naging mas lamang na yung pagmamahal ko para sa sarili ko,
Kesa sa pagmamahal na meron ako para sayo.

Natuto akong tumanggap.

Magpatawad,

Makalimot sa sakit,

Makuntento,

Maging masaya,

At masanay ng wala ka.

Dahil sa pag lipas ng panahong wala ka,
Kinaya ko.

Mahal kita, pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon