PROLOGUE
Naninirahan sa Japan ang isang hamak na half-Russian at half-Filipino. Siya si Eric Lavinia Fuuka, ang tatay niya ay Russian ngunit matagal na itong wala sa buhay nilang mag-ina.
Kaya naman di na siya interesadong makilala pa ito dahil 'yon ang kabilin-bilinan sa kanya ng kanyang inay. Di pa kasi siya pinapanganak ay tinakasan na sila ng ama niyang Russian.
Kaya naman noong nagtrabaho ang inay niya sa Japan ay doon nakilala ang kanyang amain na Hapon. Nang lumaon ay ikinasal naman sa kanyang ina.
Hanggang sa lumaki siya at tinuring namang parang tunay na anak ng amain niyang Hapon na nagngangalang Kashi. Sinuklian naman niya ito ng magandang pakikitungo. Itinuring din niya itong parang tunay na Ama. May dalawa din siyang maliliit na kapatid na anak ng kanyang ina sa kanyang amain.
Naging isang Hafu siya o ang tinatawag na half-Japanese. Di naman siya gaanong dini-descriminate o nahihirapan sa eskwela dahil sa Euroasian siyang Hafu. Tingin kasi ng mga Hapon sa katulad niya ay half-Western Breeds o exotic faces kaya medyo interesado makisalamuha sa mga gaya niyang Mestisohing Hafu. Kaya bata pa lang siya, kahit babaeng Hapon ay nahuhumaling na sa kanya. Dahil maganda siyang lalake at may itsurang puwedeng-puwede hangaan ng kahit sino.
Fluent na si Eric mag-Japanese at marunong na din magbasa ng Japanese Kanji kaya napag-isipan ng pamilya niyang maging independent muna siya at ihiwalay na sa kanila kapag nakapagtapos na siya sa Japanese University.
Agad naman 'yon natupad. Dahil pagkatapos niyang mag-aral ay lumipat na rin siya sa bagong apartment. Humanap rin siya agad ng trabaho para tuluyang sanayin ang sarili na maging Japanese Independent Bachelor.
May isa siyang pinaka-passion sa buhay ngayon. 'yan ay ang pagpipinta. Ito kasi ang kinahiligan niya mula pagkabata. Magpinta nang magpinta at inspirado siyang makabuo ng sariling obra gamit ang kanyang mga kamay at imahinasyon. Pangarap sana niya magkaroon ng sarili rin niyang studio sa Japan para sa mga natatapos niyang obra at maging isang sikat na 'Artist' sa buong mundo.
Dahil na rin sa kaunti ang sahod niya sa pagpipinta ay tumira siya sa may kaliitang apartment na alam niyang kasya sa maliit niyang sahod. Mas lalo siyang nag-iipon para sa pangarap niyang studio.
Doon niya nakilala ang mga kaibigan niyang Pinoy na kapit-bahay din niya sa apartment. Hindi siya gaanong nahirapan sa kanila. Dahil bata pa lang siya ay kinakausap na siya ng kanyang ina gamit ang lengguwaheng Tagalog at hindi naman 'yon hadlang sa kapatid at sa amain niyang hapon na si Kashi. Di siya nahirapan makisalamuha sa kanila.
Ang mga kapit-bahay niyang pinoy ay sina Leo, Miguel at Dustin. Puro sila mga OFW. Di sila makapaniwala na Pinoy si Eric dahil noong una ay wala man lang bakas ng pagka-Pilipino niya sa angkin nitong itsura na kung uuwi raw siya sa Pilipinas ay malamang na kunin na siyang modelo o kaya artista dahil sa kaguwapuhan at kakisigan ng katawan niya. Wala namang balak si Eric umuwi sa Pilipinas kaya sinasakyan na lang niya ang pambobola ng mga kaibigan.
Mawala naman sa pagpipintura ay doon naman siya tutok sa pag-gy-gym. Kaya maganda at alaga ang kanyang pangangatawan. Vegan din siya at malinis din sa paligid. Pati na rin sa lahat ng bagaya dahil sa ito ang turo ng kanyang inay at ni Kashi.
Mas naging interesado rin siya sa kulturang Pinoy dahil sa palagi siya nakikinuod sa kapitbahay ng TFC o The Filipino Channel. Kaya pinangarap din niyang makapag-nobya ng Pinay balang araw. Nakagisnan na kasi niya ugali ng mga hapon na babae.
Nang makilala na niya ang pinsan ni Miguel na si Rosa Soberano. Isa ring OFW at kasalukuyang kasama ang pamilya sa Japan. Doon na nagbago ang lahat.
BINABASA MO ANG
Pintang Hafu
Fiction généraleEric is a 30 years old good looking playboy and a bachelor working in Japan had decided to settle down to serious relationships. He wished to marry the same conservative traits he had seen on her loving mother, but what if 3 women came into his life...