Chap. 12 "Celebrate"

3.9K 64 7
                                    

Agad niyang sinagot ang telepono. Habang ako naman ay nagdadabog sa inis. Dahil sa dami ng pinapagawa na hindi ko maintindihan kung ano ano talaga ang gusto niya.

Nang biglang marinig namin siyang humahagulgol sa telepono. Di ko na rin pinakinggan ang mga sinasabi niya dala na rin ng galit ko. Tumayo siya pagkatapos ay ibinagsak nang malakas ang telepono.

Nakahinga na naman sila sa opisina pagkasara ng pinto ng C.R. niya.

"Nangyari roon kay Miss Aiko? Bakit parang umiiyak?" tanong ni Lily.

"Drama lang ng babaeng 'yon. Oist Eric...ayos ka lang diyan? Halika muna rito," tawag ni Cecil kaya lumapit ako.

"Kapag ganyan siya ay ipakita mo sa kanya lahat ng ni-research mo for 3 weeks. Kasi akala niya wala ka talagang ginawa. Nasa iyo pa ba 'yong ibang ni-research mo?"

"Oo, Nasa akin pa. Bale ipakita ko lang sa kanya lahat?"

"Siyempre, sabihin mo ito mga katibayan na ang dami-dami mo pinapahanap sa akin pero panay kinakansela mo. Saka next time. Huwag mo siyang sasagutin. Iyan ang pinakaayaw niya," paliwanag ni Cecil.

Nang bigla bumukas ang pinto ay agad tumakbo si Cecil pabalik sa upuan niya.

Katatapos lang ata umiyak ni Aiko dahil namumula ang ilong at naka-shade pa rin paglabas. Sabay diretso sa upuan niya nang biglang lumapit ako sa kanya.

"Madame, can I come in?" tanong ko.

'yon nga, umiiyak pa rin 'tong maldita na 'to. Di ko akalain na umiiyak ang mga demonya kaya medyo tumatalon sa saya ang puso ko sa nakikita ko.

"What do you want?" mahina niyang tanong pagkatapos ay suminga at tila namamaos pa ang kanyang boses.

Agad kong nilapag ang papel ng mga collection of research ko.

"Madame, you said I don't do anything within 3 weeks of being your secretary but this are the proof of how many companies you have been telling me to search, 20 + 40 + 25 = 85 pages of research papers in total but you only selected 5 companies for me to contact? And directly cancelled the rest," pangangatwiran ko at medyo pinipigil ang boses ko na sumigaw.

"Alright! Can you please leave me for a minute first? I need my privacy first Eric. That's great if you are doing your work but just get back to your sit please," hirit ni Aiko na parang wala ako sa harapan niya.

Kaya pinagbigyan ko na lang siya. Barado ang ilong at parang ang laki ng problema sa buhay ng babaeng 'to. Nakakarma na ata sa ginagawa niya sa amin na pinapahirapan kami ng ganito sa trabaho.

Nang pagkaupo na pagkaupo ko ay bigla siyang tumayo ulit at dinala ang bag sabay nagpaalam na uuwi kahit di pa oras ng uwian. Kaya umingay na ang opisina pagkasara na pagkasara palang ng pinto.

"Yey! Umuwi na agad ang bruha. Ang drama niya ngayon noh!" ani Lily.

"Mag-celebrate tayo dahil umiyak siya! Ang sarap makitang nagkakaganoon siya!" sigaw ko.

"Sige ba, sagot mo?" asar ni Mia.

Dahil masaya ako at nagkaroon ako ng lakas na loob mangatwiran kay Boss Aiko at naipagtanggol ko ang karapatan ko di lang bilang tao kung di bilang lalaki ay pumayag akong manlibre.

Agad ko ring inimbita ang mga kapitbahay kong pinoy sa apartment dahil masaya ako sa aking nagawa. Nakakabaliw talaga sa office tapos natatakot ako sa isang babae lang.

Bago ako umalis ay kinuha ko ang memory card ng bawat Spy Camera kasi baka may na-record na naman na kalaswaang eksena nina Reo at Aiko.

Nasa Sushi Bar ulit kami. Ako, si Cecil, kasama ang mga Purchasing Department na sina Lily, Penelope at Mia. Sinama ko na rin si Tricia na Receptionist pati boyfriend ni Mia na si Rody. Sinabay ko na kapitbahay kong sina Leo, Miguel at Dustin para magkakilala na sila. Pinoy Reunion ang kalalabasan.

"Wow, ang dami natin! Ano meron sa celebration ngayon pre?" ani Miguel na ngiting-ngiti.

"Uy! Si Miguel oh! Ex mo!" asar ni Mia kay Lily kaya namula ito.

"Omg! This is so ironic nga naman. Uuyy..." dagdag na asar ni Penelope.

Mag-ex pala sila noong mga college pa at naghiwalay simula nang nagpunta raw si Miguel sa ibang bansa. Nagkita lang muli sila dahil sa akin at para sa celebration na 'to.

"Okay guys! Let's kampai!" sigaw ko at sabay-sabay na umangat ang mga baso naming may laman na alak.

Na-enjoy namin ang gabi. Di na ako nag-gym. Ang sarap talaga makasama ang mga pinoy. Ang babait nila kumpara sa mga Hapon na weirdo kung babasahin ang utak.

Umuwi ako habang masaya't hindi nalasing. Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad kong nilapag ang bagpack ko sabay nagpalit ng damit at uminom ng kape. Nang maalala ko 'yong memory card ng Spycam na nilagay ko sa section namin ni Aiko at sa stockroom ay medyo nanginginig na naman ako sa kung ano ang makikita ko.

Kaya agad ko ng isinaksak ang memory card sa laptop ko at naghanap kung may nangyari ulit kay Reo at Aiko na kababalaghan.

Ngunit blanko lahat. Puros ako forward. Patuloy pa rin ako sa pagfo-forward ng clips na nakunan hanggang sa magulat ako.

Umiiyak si Aiko. Hahalikan na sana siya ni Reo pero ayaw at sabay na lumuhod pa kay Reo. Kahapon ito nangyari ayon sa date kung kelan siya na-record.

Medyo nanghinayang ako at gustong-gusto ko ring malaman kung ano ang pinag-usapan nila ngunit wala itong sound. Mumurahin lang kasi itong Spy Camera na nabili ko.

Plinay ko ulit 'yong na-record na clip. Humiga na si Aiko at nakatulog sa kakaiyak. Ala-una ng umaga hanggang alas-sais ng umaga ay ganoon lang ang ginawa niya hanggang sa umalis sa opisina.

Mukha ngang may pinagdadaanan itong si Boss Aiko. Nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko rin itong chineck.

Akala ko si Cecil kaso mukhang tulog na ata siya. Nakita kong in-add lang ako ni Boss Aiko sa group chat ng WhatsApp kasama ang lahat ng co-workers ko sa Purchasing Deparment.

"Ano na namang kalokohan 'to?" sabi ko sa isip ko habang natatawa.

Nang makita ko nag-pop out ang Audio message ni Aiko na pinost sa groupchat namin ay nakinig na lang ako. "Attention to all Purchasing Department. I added you to this group because if you need to contact me while I am in a Business trip. You can contact me here. I will also tell you what I may want to assign for you to do while I am away" ani Aiko sa Audio message.

Ngayon ko lang naisip na ang korni niya! Pa-confidential pa siyang nalalaman. Bakit di na lang sa Facebook ang group chat.

Tiningnan ko ang picture niya sa account niya sa WhatsApp. Isang emo drawing na sinasaksak ang puso. Kaya natatawa ako sa kadramahan niya. Talagang ganoon pa ang WhatsApp Display Photo ni Aiko. Parang batang tinamaan ng Puberty lang E. nadilaan na nga ni Reo ang lagusan niya.

Agad din akong nag-upload ng WhatsApp Display Photo ko na nasa beach at kita ang 6 packs abs ko. Para isipin niyang di ako tatanga-tanga at galante rin ako.

Pero makalipas ng ilang minuto. Agad siyang nag-offline. Kaya tinulog ko na lang din. Ako pa lang ang nakapag-seen sa post niya sa WhatsApp pero agad siyang nag-offline noong nakita niyang pinalitan ko ang picture ko. Nainis ata o ano? Talagang kumukulo ang dugo sa akin ng babaeng 'yon.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon