Chap. 15 "Sinagot"

5.1K 56 6
                                    

Biglang may kumatok sa pintuan kaya nagulat si Aiko at natigil sa kanyang ginagawa sabay pinatay ang LCD projector na may naka-play na porno. Binalot niya ang sarili niya ng puting tela at sinilip kung sino ito mula sa blinder ng bintana.

Feeling ko sumakit na ang puson ko pagkatapos ko magpigil kaya pinasok ko na rin sa loob ng pantalon ko ang alaga ko. Di ko rin alam kung sino itong biglang kumatok na istorbo talaga.

"What are you doing here? Cecil your time in the office is over. It's almost 7 pm!" galit niyang sabi kay Cecil.

"I am looking for Eric if he is still here?" ani ni Cecil sabay sumisilip-silip sa table na kinaroroonan ko.

"I am sorry but do you see any Eric in this room. Of course he gets home that's why go home too. This is not working hours for God sake Cecil! What happened to you?".

Galit si Aiko sabay sinara ang pinto nang pagkalakas-lakas at isinuot lahat ng hinubad niyang saplot. Nagmadaling tinago ang mini-LCD projector pagkatapos ay itinupi rin ang puting tela at inilagay niya sa loob ng drawer. Mukhang galit din siya dahil sa nabitin sa pagpapaligaya sa sarili.

Nang pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto ay nakita ko na agad pumasok si Cecil kaya umalis din ako sa pinagtataguan ko. Nang datnan niya ako na medyo magulo ang buhok at pawis na pawis dahil sa masikip 'yong pinagtaguan ko at nag-init na rin dala ng libog dahil sa nangyari kanina.

Sabay sampal ni Cecil sa akin na ikinagulat ko. "Ano ang ginawa niyong dalawa?" galit na sabi niya.

"Wala, nakatago lang ako rito. Di ako makaalis kasi nandiyan siya," nagpapaliwanag na sabi ko.

"Bakit parang nakatapis lang siya noong pagbukas niya ng pinto! Ikaw na ba ang ipinalit niya kay Reo? Parausan ka na rin ba ng makating 'yon?".

"Uy! Huwag ka masyadong manghusga. Kahit tanungin mo pa siya. Walang nangyari sa amin! Mahiya ka naman sa iniisip mo Cecil."

"Saka teka lang di pa naman tayo di ba? Bakit masyado kang affected," sagot na nang-aasar sa kanya.

Agad niyang idinikit ang ulo niya sa dibdib ko at inamoy amoy ang polo ko ngunit wala namang bahid ng amoy ni Aiko kaya medyo nahimasmasan siya.

"Tara na nga! Uwi na tayo," sabi ko sabay hila sa kamay niya.

Hanggang sa noong ihahatid ko na si Cecil sa apartment niya at nahahalata ko na wala siyang imik ay nagtanong ako.

"Oh bakit malungkot ka pa rin mahal?" tanong ko kasi nakikita naman sa mga mata niya. Nanunubig at tila nagpipigil umiyak.

"Natatakot kasi ako na mawala ka," sabi ni Cecil na ikinalambot ng puso ko.

"Hala! Ang drama!" asar ko sabay ngiti.

Bigla na lang niya akong hinalikan na ikinagulat ko. Makalipas ng ilang segundo pagkatapos maghiwalay ng labi namin ay nagsalita siya.

"I love you Eric. I mean it! Sinasagot na kita!"

Nagulat ako at napatalon sa saya kaya nabuhat ko pa siya sa sobrang galak ko.

Simula ng araw na 'yon ay kinalimutan ko na ang patungkol pa kay Aiko. Itinago ko na mga Nude Paintings na gawa ko sa kanya at pati iyong mga Spy Camera ay tinapon ko na rin at inalis sa kinalalagyan niya sa office. Para lang huwag masaktan si Cecil at hindi na magselos.

Iba si Cecil kay Rosa. Ayaw niyang mag-overnight sa apartment ko para raw iwas sa libog dahil kahit mag-on na raw kami ay kailangan ko pa ring maghintay kung kailan niya ibibigay ang puri niya.

Hanggang halikan lang at hipuan lang muna kami. Pero hindi na sa akin problema 'yon. Dahil nangako naman siya na ibibigay niya sa tamang panahon at sabi din niya na magpapakasal siya sa akin saka hinding-hindi niya ako bibiguin gaya ng ginawa sa akin ni Rosa.

Nalaman na rin ito ng mga office mates namin kaya masaya sila para sa aming dalawa. Hindi rin naging mahirap sa akin ang trabaho sa opisina dahil minsan ay tinutulungan na ako ni Cecil ukol rito lalo na kapag mahihirap na gawain. Master kasi niya lahat, kahit anong gawain sa office lalo na sa Purchasing Department. Memoryado niya lahat. Siya talaga ang utak ng Purchasing Department. Iyong utak niya ang talagang pang-boss namin. Dahil alam niya ang lahat ng pasikot-sikot.

Lumipas ang ang tatlong buwan at wala na ako sa probation. Ibig sabihin ay nakapasa na ako. Kaya pinaalala rin sa akin ito ni Miss Aiko.

"Congratulation Mister Eric. You have 2 years to stay before your contract ends," ani Aiko habang nakangiti ito. Nasa good mood ata at hindi nanaman nagsisisigaw 'tong bipolar naming boss.

Nagulat ako na inabot niya ang kamay niya para makipagkamay habang nakangiti kaya tiningnan ko muna si Cecil dahil baka magselos ulit. Pero ngumiti naman si Cecil. Ibig sabihin ay go sign kaya nakipag-shake hands na ako kay Boss Aiko.

"I'm sorry Mister Eric if we were being very strict to you before. But you made an amazing job. It's just that most of the applicant can't even stay within 3 months, but glad you survive. I salute you for that. Keep up the good work! Starting from now, I will raise your monthly salary."

Sabi ni Aiko na ikinagulat ko. Tumingin ako kay Cecil at parang ikinagulat niya habang may pagkainis sa kanyang pagmumukha.

Matapos ng araw na 'yon ay parang walang kibo si Cecil. Siguro dahil mas tinaasan ang suweldo ko sa kanya. Pero hatid-sundo ko pa rin siya kasi siyempre boyfriend na niya ako.

Para matahimik din ang loob niya ay sinamahan ko siya kay Mr. Haku na HR Manager patungkol sa suweldo niya kung pwede pa taasan.

"Why you can't raise my salary? I am almost 4 years working here in this company?" gigil na sabi ni Cecil.

"It's not my decision. It's Miss Aiko's decision. I have no idea why he raised Eric's salary. You can talk to her in regards to that issue. I am just the Head HR Department. I can't do anything about it," ani Haku. May tama naman si Haku.

Masaya ako na tinaasan ang suweldo ko para sa studio ng paintings ko pero nalulungkot din ako kay Cecil. Di ko alam kung ano ang plano sa kanya ng kompanya.

Nang pagkalipas na ang isang lingo ay agad kaming na-shock dahil nag-submit si Cecil ng resignation letter. Na hindi man lang niya sa akin ipinaalam.

"Why you are trying to give this? You know you're like a sister to me Cecil," ani Aiko kay Cecil.

"Because you never raise my salary," katwiran ni Cecil hanggang sa naiyak siya sa harapan ni Aiko.

Biglang nagulat si Aiko at napatayo sa kinauupuan at nilapitan si Cecil saka niyakap ito.

"Don't cry dear. You should have told me sooner. Don't worry, right now I will immediately call the HR to raise your salary," ani Aiko na ikinagulat ko. May puso rin pala 'tong demonyang 'to.

Agad namang ngumiti sina Mia at Lily.

Ngumiti rin si Cecil habang umiiyak saka inabot ni Aiko ang tissue at pinahid ito sa mukha nya.

Pero kahit ganoon si Aiko ay balik pa rin sa dati ang ugali niya pagdating sa trabaho. Demonyita pa rin na pilit nagmamagaling.

Inabot na ako ng anim na buwan dito sa opisina. Medyo madami na rin ang naiipon kong pera para sa studio ko. Ang sarap pala maging independent saka tumatanda na rin ako.

Ikinasal na rin pala si Reko na kababata kong hapon kaya pumunta kami ng pamilya ko sa araw ng kasal niya kasama sina Yui at Niko. Ang bilis ng panahon pati si Yui seryoso na sa babae dahil may kasintahan na rin.

"Anak, ikaw kelan ka mag-aasawa?"

Ito na naman ang tanong ni inay habang pinapanood namin si Reko at ang asawa nito na may bobonggahing gown at toxido na nagpapakuha ng litrato at masaya.

"Malapit na, pagkatapos ko mag-open ng studio ko," ani ko habang karga-karga ko ang dalawa kong makukulit na kapatid.

"Gusto ko na kasi magkaapo anak. Ilang taon ka na pala?" tanong ni inay.

"Kaka-28 ko lang nay," sabi ko sabay pinakawalan ang dalawa kong kapatid sa kamay ko dahil nagwawala na sila.

"Hihintayin ko ang apo ko ha. Alam mo na. Tumatanda na kami ng otosan mo. Gusto naman naming makakita ng apo," biro ni inay na nagpangiti naman sa akin.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon