Chap. 8 "Boso"

8.3K 63 19
                                    

Dahil medyo maaga kaming umuwi ay inspirado na naman ako mag-painting at tila dinadala ako ng kamay ko na ipinta ang mukha ni Cecil dahil parang nahuhulog ako sa kanya.

Hindi na ako magdadalawang-isip na ligawan siya. Dahil sa kabaitan niya kahit mukhang di na siya virgin dahil sa pananamit.

Mayamaya habang nasa loob ako ng apartment ay biglang may kumatok sa pinto ko na agad ko namang binuksan. Nagulat ako na si Miguel ang nakita ko.

"Eric...pasensya na sa pinsan ko ha! Di ko rin aakalain na gagawin niya sa 'yo iyong nangyari noong nakaraang araw noong nag-propose ka sa kanya. Trending na pala ang video niyo sa kahit saang social media. Patawarin mo sana ako. Ngayon lang kasi ako nabakante kaya naisipan kong dalawin at kumustahin ka," paliwanag na sabi ni Miguel.

"Ayos lang. Medyo nakaka-move on na rin naman ako. Kumusta na pala siya?" tanong ko.

"Wala, kinausap ko siya pero di ko siya makumbinsi pare. Ayaw na niyang makipagbalikan. Noong pupunta raw sana siya sa 'yo para humingi ng sorry ay natakot siya dahil may umuungol na babae sa loob ng apartment mo kaya di niya nakayanan at ayaw na niya sa relasyon niyo," wika ni Miguel na ikinagulat ko at mas lalo kong pinagsisisihan. Napatungo na lang ako dahil sa hiya.

Pero natanggap ko na rin na ganoon nga. Di nga kami para sa isa't isa. Siguro, di sa akin bagay magkaroon ng kasintahan na katulad niya.

Dahil na rin sa madami na akong nai-kama. Dapat kasi sa mga virgin na 'yan ay lumayas na lang sa Japan kung di nila kaya pakisamahan ang normal na buhay dito batay sa sex. Mga pinakapalaban lang na babae siguro ang kayang tumagal dito sa Japan.

Kinaumagahan ay masaya akong dumating sa tamang oras sa opisina at nandoon pa si Boss Aiko. Mukhang busy na naman siya habang gumagamit ng computer, siguro ay dahil nagche-check na siya ng email. Suot-suot niya ang salaming de grado habang nakatali ang buhok. Naka-jacket pero di na tube ang loob nito na nakasarado. Malamig naman talaga sa opisina.

Nang pagkaupo na pagkaupo ko ay bigla akong nilapitan ni Cecil. "Eric, huwag na huwag mong kalimutan na tuwing makikipag-usap ka sa ibat ibang company through email. Gamitin mo ang "CC" para makita namin kung ano ang pinag-uusapan niyo or business transaction niyo," bulong niya.

"Anong 'CC'?" tanong ko. Nang bigla na namang tumayo ang balahibo ko sa likod ng leeg ko nang marinig ko na tinawag na naman ni Aiko ang pangalan ko.

Agad akong lumapit at ibinigay 'yong mga papel na na-research ko kahapon. Sinuri ulit niya ito habang nakatitig nang matagal sa mga papel. Hanggang naglabas na siya ng pahayag.

"This is incomplete! My God! How can I know from which country it belongs to? Are you dumb Mr. Eric?" pasigaw na naman niyang sabi na ikinabuwiset ko na talaga.

Ang dami niyang arte. 'yon lang pala tapos naninigaw pa. Kaya napabalik ako sa upuan. Buti na lang nandoon pa rin si Cecil.

"Narinig ko sabi niya sa 'yo. Okay lang yan. Madali lang naman 'yan Eric. Bumisita ka ulit sa mga website na nakita mo saka mo tingnan ang contact us tab at doon makikita mo ang bawat address nila," gigil na sabi ni Cecil habang tila ini-encourage niya ako tapos ay sabay na nag-thumbs up sa akin.

Biglang bumukas ang pinto sa main entrance ng opisina namin. Habang may malalakas na yapak ang bumulabog sa amin.

Pilit kong tiningnan kung sino ang mga paparating. Nakita kong ang General Manager na si Reo at si President Araragi.

"Ohayo otosan! (Hello Father!)" sabi ni Aiko sabay tumayo papunta sa kanila na parang napakaamong anak at nag-bow ng ulo.

Nang malapitan na rin 'yong dalawa ay huminto sila sabay bow din ng ulo bilang respeto ng pagbati sa Japanese saka pumasok sa kuwarto ni boss Aiko.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon