Chap. 16 "Iniwan"

4.1K 56 8
                                        

Dahil patapos na ang taon ay masyado na naman kaming busy sa opisina. Panay sigaw na naman si Boss Aiko sa amin.

Kinokolekta na namin lahat ng mga na-trabaho namin sa buong taon at gagawa kami ng presentation para maipakita ni Aiko sa buong "higher rank staff" ng kompanya.

Ang leader siyempre ay ang mahal na mahal kong si Cecil sa paggawa ng presentation kasi siya rin ang mage-explain kay Aiko kung paano ito ipaliwanag sa meeting. Kaya paspasan na talaga ang trabaho.

Kahit nakakapagod at super stress ay masaya dahil sa teamwork namin sa Purchasing Department. Ngunit dumating ang araw na nagkataon na biglang may "emergency call" si Cecil galing pinas na ikinagulat namin dahil naiyak siya at nagtago sa banyo na pinag-alala namin.

Siyempre bilang nobyo niya ay sinundan ko siya pero di ko na naabutan dahil nasa banyo na siya ng mga babae. Kaya napagpasyahan kong bumalik na lang sa opisina at hinintay siya na bumalik para makibalita. First time ko rin siyang makita sa ganoong kalagayan.

Hanggang sa bumalik na siya. Nakita kong sabay na nilapitan siya nina Mia, Penelope at Lily. Kaya agad ko rin siyang nilapitan pero parang may pag-aalanganin ako. Parang nahihiya ako kay Cecil na lapitan siya. Siguro dahil mas matagal na silang magkakasama rito sa opisina o kaya ay girl talk bonding kaya nahihiya akong lumapit. Nakisama na lang ako sa kanila kunwari at nang-asar para alamin kung ano ang nangyari sa kasintahan ko.

"Anong nangyari bes?" tanong ni Lily.

"Iyong pamangkin ko kasing si Rico. Nagka-dengue sa Pilipinas. Kailangan ko mag-emergency leave. Kasi baka lumala pang lalo ang kalagayan niya. Kailangan din kasi nila ako roon," ani ni Cecil na iyak pa rin nang iyak.

Agad akong lumapit dahil nahihirapan na ako na makitang nagkakaganyan siya kaya pinahid ko agad ang mga namumuong luha sa mata niya.

"Huwag kang mag-alala. Ipaalam natin 'to kay Boss Aiko. Bilisan na natin ang presentation na 'to para payagan ka niya," ngiting suhestiyon ko.

Makalipas ang dalawang oras ay natapos na rin namin lahat at ipinasa kay Cecil. Bago niya ipinasa kay Aiko ay inaayos muna niya lahat ang Powerpoint Presentation. Ngunit dumating namang late ang boss namin.

"Cecil, come!" sabi ni Aiko na nagmamadaling naglakad habang naka-shades papunta sa swivel chair niya. Sumunod naman si Cecil kahit namamaga ang mga mata nito at kinakabahan.

"Madame, here. The Presentation is complete," sabi ni Cecil habang inaabot ang kaka-print lang niyang presentation.

Habang nire-review ito ni Aiko ay agad nang ipinaalam ni Cecil ang balak niya. Kaya nakinig akong mabuti sa talakayan nila habang nakaupo at kunwari nagpipindot ng kung ano-ano sa keyboard.

"Madame, can you allow me to take an emergency vacation leave because my love one in the Philippines is sick and I really need to go. They need me there as soon as possible."

Biglang nagwala si Aiko.

"No! You can't just leave the work to Eric. I don't trust him and we have a lot of business to do this end of the year. Do you want me to get in trouble? This is not a good joke. I won't allow you to leave!" sigaw ni Aiko na nanginig na sa galit sabay inalis ang shades niya.

Hindi na ako nag-atubiling tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa kanila para sumingit.

"Ah madame, don't worry. I will be the one to take care of her works and position since my girlfriend really need to see her loved ones. Please feel pity on her. I can do my best to do her job while she is away. I promise," nangangatwirang sagot ko.

"What the hell? Every time you ask for a favor Miss Cecil I am giving it to you and now that I really need you today. You can't do it? My god! Can't you understand? Once I said no! NO! Please sit down Mister Eric. I don't need you. You're too lazy compared to Cecil being my leading secretary!" galit na sabi ni Aiko.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon