Chap. 11 "Alipin"

4.4K 62 6
                                    

Hanggang sa mag-uwian na. Ang sakit na ng katawan ko sa kauupo. Hindi naman ganito ang trabahong pinangarap ko. Isama mo na ang baliw kong boss na kung ituring kami ay parang mga alipin at robot niya na lahat ng ipapagawa ay akala niya madali na dapat matapos na.

Pabaya! Walang kuwentang boss. Nagmamagaling! Makati at lahat-lahat na.

Pagkadating ko sa bahay. Diretso kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nagdadalawang-isip ako kung maggy-gym pa ako. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Cecil ang tumatawag.

"Kumusta ka na Cecil ko?" nakangiting sabi ko kahit ang sakit na ng ulo ko.

"Ako dapat magtatanong sa 'yo niyan."

"Eto, baka maya-maya maggy-gym ako."

Biglang nag-send siya sa akin ng picture. Nang tiningnan ko 'to ay 'yong portrait painting ko na regalo ang nakita ko na idinisplay niya sa kuwarto niya.

"Ang ganda ng paintings mo. Bagay na bagay sa pader ko. Salamat ha!" sabi ni Cecil.

Kinilig ako kasi na-appreciate talaga niya ang iginuhit ko na regalo ko sa kanya.

"Walang anuman! Buti nagustohan mo? Iyong si Rosa kasi na ex ko ay never niyang nagustohan ang hilig ko sa pagpipinta, pati ang mga obra ko na mukha niya ang nakapinta. Naku, naalala ko pala. Gagawin ko muna saglit ang ire-research ko para matapos ko nang maaga."

"Huwag! Ano ba naman Eric? Hindi ka binabayaran para trabahuin sa bahay ang mga ginagawa mong trabaho na dapat ay sa opisina mo lang ginagawa. Just enjoy life habang wala pang working hours! Grabe ka! Nagpapalunod ka na sa trabaho ha!"

May punto naman si Cecil. Masyado na ako na ata at na-addict sa pagtatrabaho. Dala na rin siguro ng kaba na baka masigawan na naman ako ng demonyita kong boss.

Narinig ko na biglang may kumatok.

"Sige na Cecil, I love you! Pahinga na muna ako. Pagod eh!" sabi ko na kinikilig na naman. Para kasing Teenage Love 'yong relasyon namin kasi bawal ang sex o kaya ay hawakan at sagarang halik dahil ayaw niya. Pero parang kami na talaga dahil gusto namin ang isa't isa at sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto niya.

Agad kong binuksan ang pinto. Nakita ko na mga kababata ko lang pala. Kaya agad kong isinara pero nakipagtulakan sila sa pinto ng apartment ko habang naghahalakhakan. Alam ko na ang pinaplano nila Reko, Yui at Niko. Pipilitin na naman nila akong mandilig ng babae. Pero wala na rin akong pakialam sa babae lalo na sa sex. Hanggang sa maisara ko na ng tuluyan ang pinto at agad kong ni-lock sabay sigaw habang humahalakhak sila sa labas.

"Kaette ii yo. Watashi ha dekakenai kara ne! (Umuwi na kayo! Di ako sasama sa lakad niyo!)" pang-asar na sigaw ko.

Nang maka-ilang minuto ay sinilip ko sila ulit kung nandiyan pa rin sila sa labas ng pinto ko. Pero cleared na kaya agad kong kinuha ang mga gamit at bag ko pagkatapos ay umalis sakay ng bike papunta sa gym.

Pagkarating ko sa gym ay di ko akalain na nandoon si Mr. Reo kasama ang isang babae. Ang nakakatawa pa nito ay panot pala siya. Hindi na ako nagdalawang-isip na magpakita sa kanila.

Humarap ako sa kanilang dalawa at hinubad ang shirt ko kaya lumuwa na ang mata ng kasama niyang babae sa akin sabay galit na galit si Reo. Halata sa pagmumukha ng panot.

"Hi Mr. Reo, why you're here? And who's with you?" tanong ko at agad akong bumuhat nang mabibigat na barbel para ipakita ko ang abs pati ang muscles ko.

"She is my wife, Miss Lula," pakilala ni Reo na may inis sa mukha at nagpakilala naman ang mukhang maharot niyang asawa. Iba kasi makatitig sa katawan ko.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon