Chap. 9 "Ikalawa"

6.4K 80 17
                                    

"Grabe ka! Ano nanaman ba naisipan mo at nagtagal ka pa? Nag-enjoy ka ata panoorin sila eh! Hayaan mo silang magtusokan no," hirit ni Cecil habang kinukuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nakita ko. Baka sakaling matablan siya at pumayag na makipag-sex sa akin.

"Gusto ko sila i-blackmail kaya maglalagay ako ng Spy Camera roon sa kung saan sila gumawa ng kababalaghan," sabi kong nakangisi.

Kumakain kami ngayong dalawa sa McDonalds kasi lahat ng tindahan ay nagsara na.

Hanggang sa hinatid ko na siya sa apartment niya. Masaya ako at tanggap niya na ganito ako. Simpleng tao at hindi de kotse dahil sumakay pa rin siya sa bike ko.

Hindi ko mabilang kung ilang beses tumakbo sa utak ko kung gaano ako namamangha sa kabaitan ni Cecil. Masaya ako na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya at magiging nobya rin kung sakali. Magkasundo na magkasundo kasi kami.

"Uuhhhmm... Cecil, may ibibigay sana ako sa 'yo bukas. Ipapa-deliver ko na lang dito sa apartment mo kasi malaki e."

"Sure, tumatanggap naman ako ng regalo lalo na kapag galing sa 'yo. Lalo na kung malaki ito," sabi niya saka nginitian ako pagkatapos ay kumindat. Kaya nanlaki ang mata ko. Baka bumigay na 'to kasi malaki raw ang gusto.

"Wala bang good night kiss riyan?" hirit ko at humihiling na pagbigyan sana.

Biglang napatigil siya at ngumiti. Alam ko na ang ibig niyang sabihin sa ngiting 'yon kaya hinalikan ko na siya ng smack lang.

Nagulat siya at napatingin sa mga mata ko. Nagkatitigan kami pagkatapos kong ilayo ang labi ko sa kanya. Inulit ko ulit ang paghalik nang mas tumagal na umabot ng limang segundo sabay tumitig ulit ako sa kanya pagkatapos ay naghiwalay ulit ang aming mga labi.

Kaya sa pangatlo kong paghalik sa kanya ay ibinuka ko na ang bibig ko. Kumagat naman siya kaya mas ginalingan ko pa.

Tila ramdam ko ang init ng hinga niyang lumalabas sa kanyang bibig. Kaya ipinasok ko na ang dila ko sa loob ng bibig niya at pinawi bawat laway na nalalasahan pagkatapos ay sinipsip na 'to.

Hanggang umabot na kami sa mas mainit na paghahalikan dahil napahawak na siya sa leeg ko at pilit na nakipaghabulan ng dila niya sa dila ko sa loob ng bunganga niya. Kaya agad na lumikot ang kamay ko mula tiyan tapos ay pasimple kong hinimas papunta sa dibdib nito kaya medyo naungol siya.

Nang bigla niyang binitin lahat at hininto ang ginagawa namin.

"Oh! Bakit ka tumigil?" bulong ko.

"Nasa labas kasi tayo ng apartment ko. Nakakahiya sa mga kapitbahay," ani niya habang nakapalibot pa kamay ko sa baywang niya.

"Edi pumasok tayo, doon natin ituloy!" gigil kong sabi habang nakangiti.

"No, hindi puwede Eric!" sagot ni Cecil na medyo tumungo.

"Bakit?" tanong ko na may pagtataka.

"I'm still a virgin. Kaya hindi muna puwede," hirit niya.

Nabigla ulit ako at napabitaw sa pag-aakbay. Napatungo siya sabay pumasok sa loob ng apartment niya ng dahan-dahan. Habang papalayo sa akin na nakangiti.

"Bye! See you tomorrow," paalam niya.

Umuwi akong hindi ko maipinta ang nararamdaman ko. Parang tulala na nagdadalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ang panliligaw ko.

Pagpasok ko sa kuwarto ng apartment ko ay agad kong tiningnan ang paintings ko. Sa isang malaking canvass ay nakapintang mabuti ang mukha ni Cecil. Kaya medyo natuwa ako. Inisip ko na lang na ituloy ko na lang ang hangarin ko na makapag-asawa ng isang virgin. Hindi ako nabigo sa mga gaya niya dahil kahit binasted ako ni Rosa. Pumalit naman ay si Cecil na isa ring pinay na virgin.

Sumigla ang puso ko pagkatapos ay humiga sa kama. Saka nagpalit ako ng damit pambahay nang biglang bumulat ang pawis sa noo ko ng naalala ko ang katawan ni Aiko na parang nagfa-flashback sa utak ko ang lahat.

Para talagang bulong ng demonyo dahil nalilibugan na naman ako at di ako makatulog. Iyong alindog at hugis ng katawan niya kahit di siya nakahubad. Pati ungol niyang nagdudulot ng kabaliwan sa akin na di ko maintindihan.

Kaya agad ako bumangon sa kama at naghilamos baka sakali mawala kahibangang ito. Ngunit parang naririnig ko na naman ang ungol niya ng paulit-ulit sa isip ko. Napamura ako. Agad na lang ako pumunta sa balcony ng apartment ko at nagpahangin. Kinuha ko na lang ang mga brotsa ko na tila dinidemonyo rin ang kamay ko. Tila gigil na gigil magpinta.

Hanggang sa sinimulan ko na ipinta ang mga nakita kong eksena sa utak ko. Katawan lang ni Aiko ang kalalabasan ng brotsa ko. Sa sobrang libog ko at nagandahan sa gawa ko ay agad dumiretso ang kamay ko sa loob ng pantalon ko at napapikit na lang ako habang nagbabate at ini-imagine ang boss ko. Grabe ang pagnanasa ko na di ko maintindihan.

Kinaumagahan ay gumising ako nang maaga para lumabas muna sa bayan at bumili ng dalawang Spy Camera kasi di ko maintindihan ang sarili ko. Parang galit na gigil na naakit ng babaeng lason sa aking isip.

Pagkarating ko sa opisina ay para akong binabae na nagpakalat ng tsismiss sa nakita ng dalawang mata ko tungkol kay Reo at Aiko. Hindi ko alam pero para akong nasisiraan ng bait sa opisinang 'to. Ang daming nangyayari kasi. Di ako sanay sa mga ganito.

"Talaga? Grabe pala noh! Tama pala ang hinala namin," sabi ni Mia ng pag-ulat.

"Naku! Sige, simulan mo na ilagay ang mga Spycam na 'yan! Para kapag inulit-ulit nila ay may pang-black mail na tayo. Sama kasi ng ugali ng bruha na 'yan," hirit ni Lily.

Pero tila busy si Cecil sa computer niya nang gulatin ko siya habang kunwari ay sinisilip ko ang desktop. Agad niyang minimize ito para hindi ko siguro makita ang ginagawa niya.

"Ano yan ha?" asar ko sa kanya.

"Wa-wala! Doon ka na nga. Ikabit mo na ang Spycam mo. Nagsayang ka pa ng pera."

Para na akong demonyo ngayon dahil sa kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko. Ikinabit ko yung isang Spycam sa may sofa sa loob ng section namin ni Aiko. Iyong pangalawang Spycam naman ay sa loob ng stockroom sabay sinaksakan ko 'to ng memory card.

Hanggang sa gumalaw na ang pinto hudyat na may pumasok kaya agad kaming nagsibalikan sa desk namin. Si Boss Aiko habang naglalakad na tila mabibiyak na ang daan sa pagka-glamaroso niyang babae at sophistikadang nakakaakit ang dating. Napakaganda talaga niya tapos naka-shades ulit.

Pagkaupo niya ay agad nitong inalis ang shades pati blazer. At natira na lang ang panloob nitong polo. Hanggang sa tinawag niya si Penelope at lumapit naman ito.

"Mister Yan is very mad! Because of your dullness!" sigaw na naman niya.

"Huh? Me? Why madame?" takot na tanong ni Penelope.

Biglang hinampas ni Aiko ang isang makapal na papel sa table niya na ikinatakot pang lalo ni Penelope na ikinagulat naming lahat.

"You review this. All of your works are mistakenly done! My God!" sigaw niyang nagpupuputak na parang bulkang sasabog na.

"Come here! Baka!" sigaw ni Aiko kaya lumapit si Penelope sabay binilugan niya nang malaking pula ang makapal na papel nang madiin na tila kulang na lang ay butasin na niya 'to sa galit at pagkatapos ay sumigaw ulit.

"You revise this as soon as possible or else, I will cut this in your salary! You keep on making mistakes for godsake. Are you using your brains, Penelope?"

Manubig-nubig na ang mata ni Penelope habang dinuduro siya ni Aiko pagkatapos ay binigay ang mga papel padabog. Nakita nilang umalis si Penelope papunta sa mesa niya habang umiiyak pagkatapos ay bigla na lang tumakbo papunta sa kung saan.

Wala man lang pakialam si Madame Aiko at parang walang nangyari kanina. Hanggang sa nagulat ako dahil ako naman ang sunod niyang tinawag.

"Eric! Come fast!"

Napatayo ako at nataranta sabay napatanong. "Who madame?" natatarantang sabi ko. Pagkatapos ay simula na namang napuno ng kaba ang puso ko. 'Yong libog ko kagabi ay napalitan ng sobrang takot at kaba.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon