Chap. 22 "Basted"

3.6K 46 8
                                    

Si Mr.Reo lang pala 'tong sumusugod sa opisina bigla-bigla. May pagkabastos din 'tong General Manager namin. Naalala ko tuloy sinabi sa akin dati ni Cecil. Agad-agad itong dumiretso sa opisina ni Aiko. Pagkatapos ay isinara ni Reo ang blinder sa bintana pati pinto na mas ikinagulat namin.

"Naku! Magtutukaan na naman ang mga malalanding 'yan! Hay naku!" gigil na sabi ni Lily. Bumukas naman ang kabilang kuwarto kung saan naroon si Mia. Naramdaman siguro nitong may ibang tao. Bumalik ito para umupo sa kanyang puwesto.

"Sino bisita ni ganda?" tanong agad ni Mia.

"Siyempre si panot" natatawang wika ni Lily.

"Anong pinapagawa sa 'yo ni boss? Parang confidential ata?"

"Secret!" ngisi niya na nakatingin sa akin kaya nagtaka talaga ako kung ano 'yon.

Umabot ng tatlumpong minuto ay nasa loob pa rin ng kuwarto dalawa habang nakasara 'yong blinder at pinto.

"Putsa! Nakaraos na ata sila. Ang tagal nila," natatawang sabi ni Mia.

"Baka mabuntis na 'yang si Aiko," natatawa kong hirit na mas lalo naming ikinatawang apat.

Sa chat kami nag-uusap-usap pero di pa rin namin mapigilan ang humalakhak ng walang ingay sa isa't isa. Masaya talaga kasama sina Mia, Lily at Penelope. Kumpara kapag nandoon ako sa kwarto ni Aiko. Na ako lang magisa.

Nakapagtataka rin na parang tahimik sila kapag si Cecil kasama nila. Sabagay masyado rin kasing seryoso si Cecil noong nandito pa siya sa opisina. Paano e laging busy kasi ito sa trabaho.

Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto galing sa kuwarto ni Aiko. Lumabas doon si Reo na parang galit at di makatingin ng diretso. Biglang huminto siya sa harap namin na ikinagulat naming lahat.

Tulala siya na nakatingin nang matindi sa sahig. Nang biglang itinapon niya ang isang bagay sa harap ng glass stand kung saan nakalagay ang kaunting naka-display na perfumes kaya biglang nabasag na ikinagulantang naming lahat na nasa loob ng opisina.

Nabuksan ang pinto ni Aiko at sumilip marahil para malaman kung ano ang nangyari, sa pangyayari.

"What the hell is wrong with you Reo! Girls! Call the teaboy to fix the broken glasses! Get out of here now, Reo! Baka! (Stupid!)" sigaw ni Aiko at biglang isinara nang malakas ang pinto ng kuwarto niya tapos ay nagkulong.

Nanlilisik at namumulang ang mata ni Reo sa mga narinig galing kay Aiko na dati niyang kabit kaya patuloy na lang itong naglakad palabas sa aming opisina na tila sumunod sa sinabi ni Aiko.

Bigla namin tiningnan kung ano ang itinapon ni Reo sa stand para malaman kung bakit 'to nabasag.

Ako na ang pumulot dito sa dahilang takot ang mga babae na masugatan kapag pinulot ito. Isa siyang maliit na box. Pinagpag ko siya bago buksan at nagulat ako na isa itong mamahaling engagement ring na may mga diamonds.

"Shit! Binasted ata niya si panot sa proposal," sabi ko kina Mia nang nakita ko ang singsing na ikinagulat nila.

"Sa akin na muna 'to. Ibibigay ko na lang 'tong proposal ring para kay Cecil pagbalik niya," wika ko sabay tago ko sa aking bulsa.

Makalipas ang ilang mga oras ay uwian na sa opisina. Nagpahuli akong lumabas at hinintay din si Aiko.

Hanggang sa narinig ko na ang yapak ng mga takong niya. Parang tumayo na 'to sa kinauupuan. Di ko kasi makita dahil sa di pa niya binubuksan ang blinder ng bintana.

Nang binuksan na niya ang pinto niya at dumaan siya sa akin ay agad ko siyang tinawag kaya nahinto siya sa paglalakad. Habang siya naman ay nakasuot ng shades at nagba-bubble gum.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon