Chap. 17 "Paghihiganti"

5K 58 7
                                    

Pagkatimpla ko ng kape ay naghanap na ako ng masusuot ko. Dahil naisipan ko nang mag-resign na lang kahit ipakulong pa nila ako.

Wala na akong pakialam pa. Tutal wala na ring silbi ang pagtatagal ko sa sinusumpa kong kompanyang yan. Unang nawala sa akin si Rosa. Wala na rin ngayon si Cecil. Na-realize ko kasi na siya ang buhay ko dahil napakabait niyang tao at masakit tingnan na nasasaktan siya dahil sa simpleng kahilingan na di sa kanya maibigay-bigay.

Puting fitted t-shirt at cargo shorts na lang ang porma ko ngayon. Pagkatapos ay sinuot ko pa ang shades ko para sugurin na talaga si Aiko sa pang-aabuso niya sa amin na di man lang niya tinitingnan kung ano ang nararamdaman namin.

Magulang ko nga, kahit step-father ko di ako nasigawan ng ganoon kalakas. Tapos siya na boss ko lang.

Sa tinagal-tagal ko sa opisina ay palagi na lang ganito. Walang excuses itong spoiled brat namin na boss. Nakaka-trauma dahil kaunting mali namin sa trabaho ay ikakaltas na niya sa sahod namin.

Parang robot ang turing niya sa amin na kapag gusto niya matapos ang isang trabaho ay dapat matapos na. Di niya alam gaano kahirap ang pinagdadaanan namin sa kanya. Iyak at pagod araw-araw. Ako nga na lalaki di ko nakakayanan, mga babae pa kaya na kasamahan ko.

Di ko nga maintindihan paano tumagal si Cecil sa kompanyang 'yon lalo na sa may saltik ko na boss.




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Agad akong nag-bike papunta sa Barber Shop para magpagupit ng buhok saka ako dumiretso sa opisina. Wala akong pakialam kahit di na matuloy ang pinapangarap kong pagbuo ng Studio Painting ko.

Pagkadating ko ay nagulat si Tricia na Receptionist.

"Uy Eric! Ba't di ka naka-uniform. Bawal 'yan. Lagot ka kay Madame Aiko. Bawas salary."

Di ko na siya pinansin na ikinagulat niya at dumiretso na ako sa elevator. Alam ko na medyo late na ako dahil 2 pm na pero alam ko na lagi ring late si Boss Aiko at kadalasan ganitong oras siya dumadating. Pagkahinto ng elevator sa 9th floor ay agad akong naglakad papunta sa opisina namin.

Nanggagalaiti na ako. Sabay humarap pa ako sa CCTV at nagtaas ng middle finger. Wala na akong kinakatakutan ngayon kahit Yakuza Leader pa tatay niya at may-ari ito ng kompanya. Dahil sa kanila ay umalis ang babaeng mahal ko.

Di ko alam kung bakit di pa tinatamaan ng karma ang kompanyang 'to at kumikita pa rin.

Pagkaabot ko sa pinto ng opisina ay agad akong pumasok, at dire-diretso na ako sa hallway habang naglalakad na suot-suot ko pa ang Aviator shades ko.

Gulat ako na wala sina Lily, Penelope at Mia kahit mga ganitong oras pero bukas ang ilaw sa loob ng section room namin ni Aiko.

Malamang nandoon si Aiko kaya wala nang pakundangan na pinasok ko na ito at binuksan ang pinto nang nagulat ako na nandoon siya. Nakalugay ang buhok niya na medyo abot hanggang puwetan na brunette.

Pintang HafuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon