Eric is a 30 years old good looking playboy and a bachelor working in Japan had decided to settle down to serious relationships. He wished to marry the same conservative traits he had seen on her loving mother, but what if 3 women came into his life...
"Well sorry Mr. Eric, separate ang banyo ng babae at lalaki. Sa labas ng hallway ang banyo ng pambabae at sa 11th floor ang banyo ng panglalake. Magtanong ka na lang sa mga teaboy kung gusto mo gumamit at ituturo nila sa 'yo kung nasaan ang daan," wika ni Cecil na kinakunot ng noo ko.
Nasa 9th floor kasi kami. Bale dalawang palapag pa ang dapat ko tahakin para lang ako makaihi. Weird ng opisinang 'to!
Tinuloy ni Cecil ang paglalakad dire-diretso sa hallway habang nakasunod ako hanggang may malaking space sa kaliwa at nang makarating na kami doon. May nakalagay na apat na lamesa na may kanya-kanyang flatscreen monitors na puro mga bago. Napag-alaman ko na ito na pala ang puwesto ng Purchasing Department Section sa opisina.
"Iyong malaking table ay akin dahil ako kasi ang First Lead Assistant ni Madame Aiko. Habang 'yong tatlong table naman ay kina Lily, Mia at Penelope. Di pa sila dumating dahil masyado kang maaga ngayon o kaya ay tayo," nakangiting sabi ni Cecil.
Biglang umupo siya sa table at nag-cross legs sabay kinagat ang labi at tumitig sa akin na tila balak akong akitin.
Agad ako napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa ng dahan-dahan. Kitang-kita ko ang hita niya sa loob ng stockings na naghihimutok nang mapansin niya ring nakatitig ako rito.
"Puwede mo siyang hawakan if gusto mo. I allow you to do it handsome," malanding sabi ni Cecil sa 'kin. Tila trip talaga ako ng babaeng 'to. Biglaan ko ring naisip 'yong nangyari sa amin sa elevator.
Naalala ko rin si Rosa na ngayon ko sosorpresahin para sa proposal date namin. Kaya ipinakita ko na lang kay Cecil paano tumungo ang aking ulo upang umiwas sa seducing style niya hanggang sa mapadpad ang mata ko sa isang malaking bintana na may blinder karugtong ng pinto na katabi ng table niya at kay Mia.
Medyo pinahinahon ko ang sarili ko dahil sa nag-iinit na rin ako ng kaunti dahil sa pang-aakit niya pagkatapos ay huminga nang malalim para makaiwas sa tukso.
Dahil napansin ni Cecil na di ko siya binigyan masyado ng atensiyon ay agad siyang tumayo at pumunta roon sa may pinto kung saan ako nakatingin. Binuksan niya ang blinder pagkatapos ay sabay binuksan ang mga ilaw sa loob.
Sumunod ako habang nakapamulsa pa rin ang mga kamay. Nagpapanggap na nagmamasid pa rin sa paligid ng opisina para ipahalata ko rin na iniiwasan ko ang kanyang pang-aakit.
(Below is the floor plan of Purchasing Department)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang pagpasok ko sa pinto habang sinusundan siya ay napasilip ako sa buong kuwarto. Sa kaliwa ay may maliit na space kung saan nakalagay ang isang table. May divider na isang pader sa gitna sa may bandang kanan kung saan may malaking space. May mga magagarbong lamesa, isang sofa at glasses ang mga pader kung saan nakikita mo ang labas pero may kurtina na puwedeng ipansara at isang halaman na Malaki bilang palamuti. May mga nakadikit din sa pader na award certificate na nakuha ng kompanya.