Dahan-dahan kaming naglakad sa hallway.
Nakarating kami sa tapat ng masyadong magarang opisina na. Gawa sa marbel ang pader at napakakintab pa ng sahig na kulang lang ay makita ko na ang sarili kong anyo.
Ang dami ring mga tea boy at cleaners. May tig-iisang Receptionist rin kada palapag.
"Mister Eric, dito sa 10th floor mo mahahanap ang opisina ng General Manager o ang GM ng kompanyang ito. Siya si Mr. Reo Azuma."
Sabay hinto niya sa malaking pinto na magarbo at itinuro ito. Kaya ngumiti na lang ako na pinapahiwatig na nakuha ko na sinasabi niya.
Nagpatuloy kami ulit sa paglalakad, madami talagang ilaw kada distansya na nagbibigay liwanag pa lalo sa hallway at may Incense burner scent kaya napakabango ng paligid.
Agad niya tinuro sa akin 'yong iba't ibang room ng bawat department katulad ng Accounting Department, IT Department at lalo na yung President's Office na mas magara ng doble.
Bumulong sa akin si Cecil. "Huwag na huwag kang magkamaling pumasok diyan sa President's Office. Dahil bilang respeto sa kanila. Pinagbabawal sino man ang pumasok diyan maliban doon sa pinagkakatiwalaan niyang secretary na si Saku. Kaya kung gusto mo siyang kausapin. Idaan mo muna sa kanyang sekretarya at may extension number naman. Ang pangalan pala ng presidente ng kompanyang 'to ay si Araragi Hatanaka. Anak niya ang boss natin sa Purchasing Department na si Aiko Hatanaka. Si President Araragi din ay isang Yakuza ng Mafia. Kasama sa malalaking sindikato rito sa Japan kaya milyonaryo talaga sila. Bali-balita pa ngang Drug Lord 'yan. Ayoko na magsalita. Basta sundin mo na lang patakaran na sinabi ko."
Hinatid na niya ako sa maliit na Meeting Room at nagmungkahi ulit sa akin.
"May dalawa tayong Meeting Room, Mister Eric. Ito 'yong isa: maliit na meeting room at 'yong pangalawa naman ang Malaki. Doon tayo pumupunta kapag may mga Business Dealers galing ibang bansa na gusto makipagtalakayan ukol sa ating kompanya at business deals," paliwanag ulit ni Ms. Cecil.
Agad akong umupo pero bago ko siya tuluyang paalisin ay nagsalita muna ako. "Ms. Cecil, sorry ulit sa nangyari sa elevator ha?"sabi ko na humihingi ng tawad.
"Wala 'yon! Sige na! Good luck sa interview," nakangiti niyang sabi na nakapagluwang ng dibdib ko. Iniwan na niya ako sabay sinara ang pinto.
Magara ang lamesa at gawa sa kahoy pero makintab. De Aircon ang kuwarto at may blind curtains na nakasabit sa bintana. May isang artificial na halaman na bonzai at kabinet na gawa sa salamin.
Nagulat na lang ako nang magbukas na ang pinto na ikinabahala ko at sunod-sunod na ang kaba sa dibdib na tila binahayan ng daga.
Agad pumasok itong isang babaeng napakabango. Mukhang nakasuot ng 100% furry cotton jacket tapos ay naka-mini skirt na kitang-kita ang kaputian at hugis ng binti na parang nang-aakit. Long-legged siya. Wala ka man lang makikitang bahid ng nunal o peklat sa pangangatawan at kutis porselana talaga na mas nakapagpagana sa akin.
Ang suot naman niyang pang itaas ay tube na halos lumuwa na ang dibdib dahil sa kalakihan na kita na ang hiwa ng kanyang dibdib. Matambok at malaki na parang nakakapuwing talaga sa mata. Parang celebrity ang datingan, glamoroso na napaka-sophistikadang tingnan.
Nakapusod ang buhok niya na may pagka-brown na brunette kaya di ko matantiya kung gaano ito kahaba at naka-lipstick ng kay pula, kulay na tila kumain ng pagkadami-daming cherry. Sabay naka-shades ng de-branded at may malakihang hikaw na loop ang disenyo.
Umupo siya sa harap ko kaya mas lalong sumikip ang dibdib ko.
Tahimik lang siya. Agad siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang baywang. Nagsimula nang bumuka ang kanyang bibig na kahit ngipin niya ay napagtripan ng mata ko. Pantay-pantay at mapuputi. Lalo na ang dila niya na malambot na tila napalunok at nauhaw ako bigla.
BINABASA MO ANG
Pintang Hafu
Fiction généraleEric is a 30 years old good looking playboy and a bachelor working in Japan had decided to settle down to serious relationships. He wished to marry the same conservative traits he had seen on her loving mother, but what if 3 women came into his life...