"Is there any Eric in this room except you? Baka! (Stupid!)" sigaw ni Madame Aiko sa akin sabay inikot ang mata dahil sa inis.
Agad akong lumapit. Kabado na naman. Sana okay na 'yong pinapagawa niya sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa mga papel na na-research ko. Tila habang papalapit ako sa kanya ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko dulot ng takot. Hindi ko akalain na magiging under ako ng babaeng 'to.
"Please move fast and give me the God damn papers! Damn it!" sabi niya na hindi man lang siya makatingin-tingin sa akin at inangat na lang ang kamay.
Mas lalong napabilis ang lakad ko at agad iniabot ang papel sa kanya.
"Sit down," dagdag pa niya pagkatapos ay inikot ang upuan niya paharap sa akin pagkatapos ay hinablot ang research papers ko.
Bumalik na ako sa puwesto ko at umupo. Agad naman niyang ni-review lahat ng research ko. Habang kung saan- saan naman lumibot ang mata ko dahil sa kaba at pagkatakot na baka ipa-revise na naman niya ulit lahat sa akin gaya ng dati at mauwi sa wala ang pinaghirapan ko.
Nakita ko sa kabila na wala na si Penelope sa upuan at tila seryoso 'yong tatlo na magtrabaho.
"Look here Eric!" nagsalita na si Aiko sabay inilapag ang papel at inabot ang ballpen. Kaya sinunod ko siya pagkatapos ay tumingin ako.
"I want this and I don't want that!"
Ang dami niyang tinanggal sa twenty companies na na-research ko. Pinili lang niya ay tatlo na ikinagulat. Pinaghirapan ko hanapin 'yon pero kanselado lahat kasi pangit daw ang kompanya at ang nagustohan lang niya ay 'yong tatlo lang.
"Please contact this 3 European Companies by email and phone. Try to ask for a perfume samples to be delivered here and ask for the quotation okay? Do you get me?" sabi niya sabay tingin sa akin at nilalakihan ako ng mata na para akong tanga na walang kaalam-alam pero nagtiis na lang ako.
"Okay madame," sagot ko pero sa kaloob-looban ko ay galit at inis na ako dahil hindi man lang niya pinuri ang pagpupursugi ko sa paghahanap sa lahat ng iyon na halos pagpuyatan ko pa.
Nang tatayo na ako ay may dinagdag pa siya na ikinainis ko pa.
"Uuumm...Eric, search more. Lemme think. Provide me 40 companies instead of twenty this time, within this week. I need it so hurry up okay? Also, make sure it's free of cost charge fees," dagdag pa niya.
Napapamura na lang ako ng pabulong habang pabalik sa puwesto ko.
"Ahhhmm... Madame, Mr. Anthony just arrived here in Japan. He wants to have a meeting with you in regards to the business deals that you have discuss before, from Paris Fumery Perfume!" pasigaw ni Cecil para marinig ni Aiko sa kabilang kwarto.
Bigla napatingin si Aiko na parang nainis ang mukha.
"Tell him, I am not here in the office right now!" utos niya na tila gusto nitong magsinungaling si Cecil.
"But madame, it's in the schedule that today is the meeting of you and Mr. Anthony. He's already in hotel near placeby," pilit pa ni Cecil na naging alanganin ang mukha dahil di maipinta. Hindi niya kasi alam kung ano ang idadahilan niya sa kausap niyang CEO.
Biglang tumayo na lang si Aiko sabay sinuot ang salamin at dinala ang purse pagkatapos ay nagmadaling lumabas.
"I'm going to the bank. Cancel the meeting. Tell him I can't come! That's my order Cecil!".
Nabuwiset si Cecil at siya na humingi ng paumanhin kay Mr. Anthony na isang taga-Paris na may-ari nang malaking Perfume Company na dumalaw lang sa Japan para makipag-business deal ngunit nasawi dahil di man lang sinipot ng boss nila.
BINABASA MO ANG
Pintang Hafu
General FictionEric is a 30 years old good looking playboy and a bachelor working in Japan had decided to settle down to serious relationships. He wished to marry the same conservative traits he had seen on her loving mother, but what if 3 women came into his life...