"Guys, pupunta pala ulit pinsan ko bukas makiki jam ata o baka tatambay lang. Kilala nyo na yon diba, yung nag babanda din." Biglang sabi ni Badj out of the blue habang nagpapahinga sila matapos ang kanilang rehearsal.
"Si Fridee?" Tugon ni Zild na tinanguan lang ni Badj.
"Eh diba may gusto si Unique don?" Dugtong pa nito.
"Gago ka ba? Kahit naman sino magkakagusto don eh, pucha maganda na maganda pa boses." Singhal ni Unique.
"Pero ang alam ko type din ni Ter yun eh." Nakangising sabi ni Badj.
"Ha?" Lutang na sagot naman ni Blaster na kinakalikot ang kanyang cellphone.
"Sabog ka nanaman~" Kanta ni Unique.
"Si Fridee daw bibisita."
"Talaga?"
"yieee!" tukso ni Zild at Badj.
xx
"My, aalis na po ko pupunta lang ako kila kuya Badj, jamming."
Bago ako lumabas ng bahay ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking suot, I'm wearing a plain mustard yellow hoodie at maong shorts, a pair of yellow vans and my precious guitar on my back.
"Ingat ka, wag kang papagabi masyado ha."
Nang makarating kila kuya Badj, ay agad akong pumasok at bumati kina tito at tita na nagkakape sa may garden.
Agad naman nilang itinuro kung nasaan ang banda, "Nasa baba sila anak, tumutugtog."
Nang makakababa ay agad kong narinig ang tunog ng mga instrumento, pati narin ang tinig na halos isampal saakin na walang mas gaganda pa sa boses nya.
"Fridee!" Tumakbo papunta saakin si Zild na nakatali ang kulot na buhok.
"Teletubbies!" I said as I laugh at him.
"Napabisita ah? Bored ka siguro, ganyan ka naman eh naalala mo lang kami pag bored ka." Nakangusong sabi pa nito.
"Kadiri ka, Zild! Hindi bagay!" Sigaw ni Nikoi mula sa sofa. "Kamusta?" Sabi pa nito saakin bago nagpangalumbaba.
"Ayos lang, kayo?" sambit ko at agad nilapitan ang pinsan ko.
"Tara, ako naman?" I said as I took my guitar out of the bag.
He nodded, "O to na kame get ready to be amazed."
Iniling ko na lamang ang ulo ko at tumawa.
Habang tinotono ko ang aking gitara ay kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagpasok ng isang lalaki...
Ter.
Naglapat ang mga mata at agad akong nag iwas ng tingin, well this is awkward.
I remember the last time we talked, he told me about how much he enjoys my company.
he also said that he likes me...
"1, 2, 3." Umalingawngaw ang tunog mula sa drums at agad ko itong sinabayan.
"Sa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo..."
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang liriko ng kanta, don't get me wrong wala akong pinaglalaanan neto sadyang maganda lang talaga tong kanta.
"May minsan lang na nagdugtong...
damang dama na ang ugong nito."
Pagkabukas ko ng aking mga mata ay agad itong bumagsak kay Nikoi na may hawak na cellphone, is he taking pictures? or is he recording?
BINABASA MO ANG
IV OF SPADES Imagines
Fanfiction(Yung mag rerequest, kindly send me a pm here or sa fb.) FB: https://www.facebook.com/MkhlaFrnchsca (creds to the owner of the photo that I used for the cover.) Current rank (Fanfiction): #99 ❤️