• Blazildniquejao •

887 36 10
                                    

Heyy guys! Surprise! Charot. I'm back at it againzzzz, so eto date w IV Of Spades kayo na bahala pano nyo to i aano sa utak nyo basta masaya to.

xx

Tahimik akong nakatayo, tila hindi alam kung saan ba ako lilingon.

This is unbelievable, ang alam ko inimbitahan ko lang ay ang pinsan kong si Badjao. Pero bakit ako nandito at napapalibutan ng apat na to?

"So san tayo?" Pag basag sa katahimikan ni Unique na malamnan na nakatingin saakin, parang sinusukat nya ang kalidad ko and my worth as a person. Charot, bakit nya ko tinitignan ng ganyan?! Is he judging me?

"Mag Timezone nalang tayo mag ubos tayo ng pera don, rk naman tayo eh." Sabat ni Blaster na naka-akbay saakin, since when did he do that? Hindi ko napansing naka-akbay na pala siya saakin.

"You're making (Y/N) uncomfortable, tara dito." Sambit ni Zild sabay hila saaking braso.

"A-ayos lang naman eh." I laughed awkwardly.

"O ayos lang naman daw pala eh." Sabat muli ni Blaster sabay hila din saaking braso papalapit sa kanya.

"Tama na nga yan, wag nyo pag agawan si (Y/N) kalma lang, pag yan nagalusan patay ako kila tita at tito." Badj said at muli I was pulled by the arms.

"Tara na sa Timezone, first stop?" Zild said walking towards the escalator, sumunod din ang iba.

I was about to walk towards them nang makaramdam ng pagka-ihi.
"Badj, teka lang mag cr lang ako." Agad akong tumakbo sa direksyon ng cr at di na inintay ang sagot nila.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat ako nang makita si Blaster na naghihintay sa labas na may lollipop sa bibig.

"Hoy! Baliw ka talaga, labas! Pambabae to pag may nakakita sayo dito uy." Sambit ko habang itinutulak siya palabas.

"Tara na." He said as he grabs my hand and held it. "Tago ka dyan sa nasa harapan mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ha? Bakit?"

"Basta gawin mo nalang." Sabi nito at ibinaba ang ulo ko.

Naka baba ang aking ulo habang nagtatago sa mga taong nasa harapan namin ni Blaster, I don't know what's going on but...

"Ayun sila o-" di ko natapos ang aking sasabihin nang takpan nito ang bibig ko.

"Ssh!" Tumango lamang ako at nagptianod sa kanya.

Nang makalayo kami mula sa iba naming kasama ay agad syang nagpakawala ng hininga.

"Buti di tayo nakita." Nag tataka ko siyang tinignan at nag tanong.

"Anong trip mo, Ter?" Kibit balikat lamang ang sagot nito ay muli akong hinila papasok sa isang arcade.

"Di tayo mag eenjoy kung kasama natin sila, mas gusto kong tayong dalawa lang muna." Nag iwas ako ng tingin at ngumisi.

"Crush mo ko no?" Pang aasar ko sa kanya.

"Bawal ba? Gusto mo shoot kita don? Ano?" Sambit nito at ambang bubuhatin ako kaya naman agad akong tumakbo papalayo.

"Wag, Ter!" Natatawa kong sabi habang patuloy na tumatakbo, he's chasing after me. Para kaming mga bata dito na naglalaro but who cares?!

"Huli ka!" Natatawa niyang sabi nang maabutan ako, the position we're in is very awkward. Naka yakap siya saakin while our faces are inches apart.

"Sorry." He said, at dali daling humiwalay.

"Tara don, Ter oh." I pointed at the karaoke booth.

IV OF SPADES ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon