• Unique •

1.3K 44 50
                                    

(Unique req # 1)

For some unknown reasons, sa araw na ito I dressed myself up real nice.
Maybe because the weather outside is my favourite kind, not gloomy not too noisy either.

Payapa lang at di masakit sa ulo.

I don't know where I'm going to be honest, nagising nalang ako na gusto kong mag ayos at umalis.

It's not everyday that I get this kind of motivation to get out of bed, kaya naman sasamantalahin ko na.

xx

Turns out dito ako dinala ng mga paa ko, I'm not a big fan of art.

I don't swoon over it but I do appreciate beauty.

Binayaran ko and entrance fee at kinuha ang ticket, I felt at peace nang pumasok ako sa loob ng lugar. It's quiet, tanging yabag lamang ng mga sapatos ang maririnig at ang classical music na halos wala nang nakakapansin.

Wow.

That's the only thing that came into my mind nang makita ang isang painting, it's the only one that caught my full attention.

It's full of colors yet it feels sad and heavy, para bang buhay ng isang taong nagpapanggap na okay, pero ang totoo halos sakluban na ng langit at lupa sa dami ng problema.

Story of my life.

"Ang ganda diba?" Nagulat ako sa boses na nanggaling sa aking likuran.

"U-uhm, oo."

Who's this guy? Do I know him?

"It depicts how sad it is to pretend na masaya ka, kahit ang totoo? Sobrang dami mong iniisip nalulunod ka na." Exactly what I thought.

"The color selection is really great, yellows and orange, looks bright and lively but somehow it doesn't shine that much. Pinapakita pa rin na may mga bagay na kahit anong tingkad, it turns rusty." I said.

Still, sino ba tong lalaking to.
Why am I talking to him?

"Ang ganda mo."

"Oo ang ganda nga nit—" My eyes widened, ano daw?! Namali ba ko ng rinig?

"H-ha??" Damn, why do I keep on stuttering?! Tangina kasi bakit ang gwapo nya plus his glasses adds up to it.

"I'm Unique." He said as he offers his hand for a shake.

"Kaira." I said as I placed my hand on his.

Shit, what was that?! Ground? Kuryente? May sparks?!

"So, Kaira. Do you like my friend's painting?" I nodded without looking at him, "gusto mo samahan kita mag libot? Wala din naman akong kasama, samahan nalang kita if you don't mind?"

"Not at all!" I think masyadong masaya pagkakasabi ko.

Naglakad kami at nilibot namin ang buong lugar, we talked about how the paintings were so delicate and detailed. Minsan bigla na lang syang magsasabi ng mga bagay na wala namang konek...

"Ang ganda ng labi mo."

"Gusto ko yang paraan ng pag iisip mo."

"Bakit ka mag isa? Diba yung mga magaganda laging may buntot na bf?"

"Wanna hear my playlist?"

"I'll call you, Kai."

Natatawa na lamang ako sa mga sinasabi nya, feeling ko nga hindi lang kami ngayon nagkakilala. It felt as if we've known each other for years!

"Kai, alam mo ba?" Sambit nya habang nakatitig sa sapatos na suot nya. Umiling ako.

We're now sitting down since nakita na namin lahat ng nandito.

"It's not the first time we've met."

"Huh? What do you mean?"

He looked at me straight in the eye and said, "Hindi mo padin maalala..."

I'm so confused, what is he talking about.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" I faked a laugh, "gutom ka na ata eh."

"We used to go here everytime, pumupunta tayo dito kasi mahal na mahal mo ang pag pipinta at mga bagay na hindi mo makikita sa iba." Kunot noo nyang sabi, he grabbed my hand and kissed it.

Kinuha ko ang kamay ko pabalik at tumayo, the hell is wrong with him?!

But before I could even take a step, he grabbed my arms and pulled me in for a hug. Napaka higpit ng kanyang yakap, para bang ayaw nyang makawala kung ano man ang pinoprotektahan nya.

"Kai! Baby, please. Please, pilitin mong maalala ako. Nasasaktan na ko, para akong dinudurog. Ako to, baby. Si Unique, Nikoi, bakit ba hindi mo ako maalala?! Bakit sa dinami-raming pwede mong makalimutan bakit ako pa?! Bakit yung tayong dalawa pa?!" My eyes widened for the nth time today, what is he...

Kumalas sya sa pag kakayakap at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"I love you, parang awa mo na bumalik ka na sakin." Why is he crying? Ano bang sinasabi nya? Naguguluhan na ko? Is this a skit?

"You lost your memories."

"Ano?" Nahihibang na ata tong taong to eh.

"Naaksidente ka, Kai. And sa aksidente na yon you lost your memories, I lost you."

"Lagi kitang iniintay dito kasi alam ko na kahit anong mangyari dito ka dadalhin ng mga paa mo, because you love this place soo much, at yung painting kanina. Ikaw ang nag pinta non.." Ramdam ko ang pag labas ng mga luha sa aking mga mata, somehow sa ilalim ng lahat ng nararamdaman ko I feel hurt. I feel bad and sad, kahit na hindi ko maintindihan my heart hurts for him. Feeling ko kasalanan ko at dapat kong panagutan.

"Unique, I'm so sorry you lost me." Umiling siya at niyakap akong muli. "I'm sorry if I can't remember you, I'm sorry if I can't remember our memories together!" I hugged him back as tight as I can.

"Ayos lang kahit sa malayo, basta makita kitang masaya sa bagong buhay mo. Sa bagong buhay mo na wala ako."

"No, masyado man tong mabilis pero. Nikoi, I want you to make me fall in love with you again." I said as I hold his hand.

"Sure, baby. Nagawa ko na yan, magagawa ko ulit ng isang pang beses. Pero siguraduhin mo naman na hindi ka na madudulas sa cr ulit at mawawalan ng memorya, kasi tangina. Kahit sobrang ganda mo at sobrang mahal kita, napapagod din ako." I laughed.

"Sorry, I'll try my best para maalala ka at ang mga pinagsamahan natin."

"Mahal kita, Kaira." He caressed my face with his fingers. "Please, sakin ka nalang ulit."

xx

Tadaaaa! Omfg. Ineexpect nyo ba yan?! Kahit ako hindi eh HAHAHAHA anyways, isa to sa mga requests nyo. S/O to MyNameIsVairez sa pag req, siguro di ito ineexpect mo pero sana nagustuhan mo yung twist ko, ganto talaga ako mag sulat nakakalula, dejk. Don't forget to vote guise. ❣

IV OF SPADES ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon