Kyra POV
"GABRIEL is that you??" Tanong ko sa lalaki. Omg. Siya na ba 'to? Siya na ba si Gabriel? Siya ba? Siya ba?!? Parang gusto ko ng sumigaw.
Kung nagtatanong kayo kung sino si Gabriel? Siya lang naman ang first love at first bestfriend ko na lalaki. Naghiwalay kasi kami noong highschool. Hindi ko nga alam kung bakit. Nawala nalang sila basta-basta kaya simula ng nangyari yun. Iyak na ako ng iyak tuwing gabi kasi hindi manlang niya sinabi na aalis siya. Mahal ko kaya yun. Sino kaya ang hindi iiyak kapag biglang nawala ang first love at first bestfriend niya. Hayy.
"Umm, yeah? And you are?" Tanong niya.
Naks, big time. Nawala lang ng ilang taon, umenglish na.
Ganyan na ba ang epekto ng biglang pagkawala? Ma try nga minsan. Wahaha."Ikaw nga! Hindi mo ba ako naaalala? Ako to si Kyra!"
" Kyra? Kyra Tan?!?" Gulat na tanong niya. Bakit ganun? Hindi ba niya ako agad nakilala? Iba na talaga ang kagandahan ko.
GABRIEL POV
Siya na ba si Kyra? Hindi ako makapaniwala. Ang laki ng ipinagbago niya. Syet, ang ganda niya talaga. Hindi ko naman sinasabi na pangit siya dati. Haayy. Miss ko na tong bestfriend ko. Nawala kasi ako noon dahil nagkasakit si mommy at kailangan niyang magamot agad. Wala na akong time sabihin yun noon kay Ky kasi wala na ngang oras. At hindi ko naman alam na magstastay na kami dun ng matagal kaya nagsisi ako na hindi ko siya nakita ng isang beses pa.
"Oo, ako nga 'to, ang bestfriend na INIWAN mo" diniinan pa talaga ang iniwan eh. Grabe naman si bestfriend. Nagtampo talaga siya.
"Sorry na Ky, kailangan na kasi noong gamutin si mommy kaya nagmadali na kaming pumuntang States. Sorry na talaga oh." With puppy eyes ko pa yang sinabi.
"May sakit noon si Tita? Hindi mo manlang agad sinabi sakin. Kainis ka" sabay pout niya. Ito talagang babaeng to ang hilig-hilig magpout.
"Hindi ko alam na may sakit si Mommy. Itinago nila sa amin yun para daw hindi kami mag-alala." Sagot ko sa kanya.
"Talaga? Kamusta na si tita?"
Ang bilis talaga niyang magbago ng mood. Kanina galit ngayon naman parang bata. Haist, napahawak nalang ako sa noo ko.
"Ok na siya, btw hindi kana galit sakin?"
"Hindi naman kasi ako galit sayo. Nagtampo lang."
Sumilay naman tapos ang kanyang malawak na ngiti dahilan para mawala ang kanyang singkit na mga mata at makita ang kanyang kompletong mga ngipin. Ang cuutee lang.
"Ikaww talaga. Bakit ang cute mo ha?" Sabay pisil ko sa pisngi niya.
"Matagal ko ng alam na cute ako kaya wag ka." Bakit ko ba nakalimutan na hambog pala siya? Taas ng pride eh. Hindi ko maabot.
"Oo na, ikaw na, ikaw na ang may mataas na pride sating dalawa kahit nga cguro ang mga pimples ayaw na dumikit sayo dah--"
"Hindi parin ba kayo papasok sa loob? Dto na lang ba kayo habang buhay? Wag na lang kaya kayong mag-aral para maganda." Sabi ng prof namin.
Grabe naman tong si prof oh. Kabago-bago pa nga lang namin eh. Ganyan na agad. Pumasok na nga lang kami.
Cge na bye na muna.
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Teen FictionPaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?