Chapter 15

17 2 0
                                    

Kyra POV

"Ayun siya!!" Sigaw ng mga lalaking humahabol sakin.

Umagang-umaga sinisira agad ang araw ko. Habulin daw ba ako? Napajogging tuloy ako.

"Bilisan niyo!! Wag dapat natin siyang hahayaang makatakas kundi malalagot tayo!" Sabi ng isa nilang kasamahan.

Edi malagot kayo. Mga walang modo. Pag-uumpugin ko pa sila ng leader nila eh. Hmpf.

Hingal na hingal na ako pero sige parin sila sa paghabol sakin! Mga walang awa. Nauutot na nga ako dito oh!

"Bilisan niyo!!" Sigaw ulit ni panot.

Nasa field na kami ng sumigaw ang isang lalaki.

"Ibato niyo na." At nagsibatuhan na ang mga tao sa paligid. Aba't pati sila kasama?! hindi na to fair!

Cge parin sila sa pagbabato sakin ng itlog. Edi kayo na! Akala niyo naman masakit. Mga walang utak! Ang lagkit lagkit ko na tuloy.

Biglang tumahimik ang paligid at huminto na din sila sa pagkakabato sakin ng itlog.

"Masarap ba?" Sabi ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko kasi siya nakikita.

Hanggang sa may nakita akong sampung lalaking papunta sa kinaroroonan ko.

Ang Ace!

"Masarap ba?" Naka ngisi niyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinuntok ko na siya.

"Serves you right." Saka ngumiti ako. Tumahimik naman sila sa ginawa ko at binigyan ako ng nakakatakot na tingin ni Gab.

Anong akala niya? Matatakot ako?! Well, hindi! Manigas siya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kwelyo ko.

"Hindi ka pa ba natatakot? You sh*t!" Natigilan ako sa mura niya. Ganun-ganon nalang ba yun? Porket nakalimutan niya na ako, pwede niya na akong murahin? Kaya niya ng gawin ang gusto niya? Bullsh*t siya! Akala ko ba hindi nakakalimot ang puso? Edi shing. Ako na ang uto-uto! Tama na. Masakit na. Hindi ko na siya kilala.

Kinuha ko ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko at sinuntok ulit.

"Edi ikaw na ang magaling! Edi ikaw na ang hari! Edi ikaw na!! IKAW NA! Simula ngayon kakalimutan na kita! Hindi na ikaw ang taong gusto ko!! Ibang-iba kana sa taong kilala ko. Wala akong pake kung pahirapan niyo pa ako! bato-batuhin! At Kahit bugbogin niyo pa ako! Ok lang! wala akong pake. Mag sama-sama kayo. Mga basura." iniwan ko na sila doon. Sana masaya kana. At tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

Hindi na muna ako papasok ngayon. 

Gabriel POV

Sh*t. Bakit ayokong kalimutan niya ako? Hindi ko gustong kalimutan niya ako. Ugh. Hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko. Baliw lang cguro ako. Kaya ganito.

"Napa-sobrahan yata ang ginawa mo bro." Sabi sakin ni Christian.

"Oo nga bro." Pangsang-ayon naman nila.

"Anong napa-sobrahan? Kulang pa nga yun eh." Tsk. Kinakampihan pa nila yung babaeng yun.

Bahala nga sila.

KYRA POV.

Andito ako sa kwarto ko. Ina atake na naman ako ng hika. Bwisit kasi yung lalalaking yun eh. Bwisit sa buhay ko.

"Baby, ano na naman bang nangyari?" Tanong sakin ni Kuya.

"Napajogging kasi ako kuya ng wala sa oras." Sabi ko sa kanya. Hindi niya alam ang mga nangyayari sakin. At ayokong ipaalam. Mag-aalala lang siya kaya ayoko.

Sayang ang isang araw kong absent. Kasalanan to ni pangit eh.

Tama na nga ang pag-iisip sa kanya. Dba sabi ko kakalimutan ko na siya. Hay makatulog na nga.

Nagising nalang ako dahil ang sama ng panaginip ko. Pumunta daw dito yung pangit na yun tapos tinorture ako. Eek. Nakakatakot.

*Ding dong!*

Sino na naman ba yun?

*ding dong ding dong!!*

Nagmamadali nagmamadali? May lakad may lakad? Sisirain yata nito ang doorbell eh.

*DONG DONGGGG!!!*

"OO NA ANDIYAN NA!!"

"Ano bang proble---." Hindi ko pa nabubuksang mabuti ang pinto ay sinarado ko na ito agad. Pero napigilan niya ito ng kanyang kamay.

"Bakit ka ba nandidito?! Umuwi kana! Bawal ang pangit dito!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit parin isarado ang pinto.

"Bawal kana bang bisitahin?" Para akong na estatwa sa sinabi niya. Pero hindi ako uto-uto kaya bahala siya.

"Aray aray ARAY !!! MASAKIT NA YAN HA!" Angal niya. Paano ba kasi naiipit ang kamay niya sa pinto. Kaya diniinan ko pa ang pagkakasara. Serves you right.

"T-tama na! Masakit. Ahh!! Ang ulo ko. Tama na!! ahhh!!" Daing niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko at umupo para alalayan siya. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Sh*t.

"Kaya mo pa bang tumayo? Tatawag na ba ako ng ambulansya? Uy sumagot ka." Alala kong sabi sa kanya.

"Masakit!! Hindi ko na kaya!!" Sigaw niya. Nakahawak siya sa kanyang ulo at sinasabunutan ang sirili.

"Kaya mo yan. Wag kang susuko. Tatawag lang ako ng tulong. Sandali lang. Hintayin mo ako." Sabi ko. Tatayo pa lang sana ako ng mahimatay siya.

"Sh*t. Hoy gumising ka!" Kinakabahan na ako.  Kainis ka kasi eh. Ang kulit mo. Sabi kong umalis kana. Tumulo na ang luha ko.

Sinampal sampal ko siya para magising. Pero nakakadalawang sampal palang ako ng may humawak na sa kamay ko.

"Huli ka."

My First Love Turn To A GangsterWhere stories live. Discover now