Kyra POV
Ang ganda ng umaga ko. Ngayon ko kasi balak sagutin si Gabriel. It's been 6 months nung impisahan niya akong ligawan at ipinaramdam niya talaga sakin na importante talaga ako sa kanya.
"We were both young, when I first saw you. I close my eyes and the flasback start I'm standing there, on a balcony in summer air...... Love story baby just say yes."
Pakanta-kanta ko pa habang naliligo at hanggang sa pagbaba ko.
"Mo mo mo morning mee, dee, ya." Sabay upo ko sa upuan.
"Ehem, good mood si bunso. Hulaan ko, sasagutin niya na yan." Nakangiting sabi ni kuya.
"Omo kuya, paano mo nalaman!? May powers ka?"
"Buang, malamang wala. Kanina mo pa sinasabi na this is the day. This is the day kaya nahalata agad kita."
Ay weh? Bakit hindi ko napansin yun? Hala, dapat hindi niya malaman na sasagutin ko na siya ngayon! Bawal. Surprise dapat.
"Kuya secret lang natin 'to ha. Gusto ko kasi sa akin dapat manggaling yung sagot." Sabi ko sa kanya.
"Malamang bunso, mas maganda talaga kapag sayo manggaling kasi ikaw yung nililigawan diba? Dba?"
Hihi si kuya talaga oh. "Opo!"
"Oh! Nandito kana pala iho. Kain ka muna."
Napatingin agad sa gawi niya.
"Wag na ho tito, kakakain ko lang din po kasi."
Asus palusot pa eh. Alam ko namang hindi pa yan nakakain.
"Wag mo akong lokohing lalaki ka. Alam kong hindi ka pa naka pagbreakfast." Napakamot nalang tuloy siya sa ulo.
"Cge na nga." Sabay upo sa tabi ko. "Kilala mo na talaga ako."
"Malamang!"
Kinuhaan ko na siya ng ulam at kanin. Ahehe, ganito lang talaga ako.
"Ang daming langgam! Shoo, shoo, tsupe! Alis!." Si kuya naman eh, istorbo.
"Wag ka nga kuya, kung ako sayo humanap kana ng gf para hindi kana mainggit samin." Sabay belat ko sa kanya.
"FYI bunso, hindi ako naiinggit sa inyo. Sadyang madami lang talagang langgam dito and take note bakit pa ako maghahanap? Kung sila na ang kusang lumalapit sa akin."
"Wow, ang lakas ng hangin ha, ipalabas mo na kaya yan para hindi na bumaho. Taas ng pride eh." With hand gesture ko pa yang sinabi.
Natawa naman sila mommy sa sinabi ko.
"Kanino kaya nila yan minana?." Sabay tingin kay dee.
"Wag mong sabihing sakin?"
"Malamang, kanino pa ba?"
"Haist, oo na, oo na, sakin na." Sila dee talaga. Bumabalik sa pagkabata.
"Ang cute nila tito no?"
"Correct ka dyan Love."
***
Nasa sasakyan kami ngayon ni Love. May date kami ahihi. Kinikilig ako. Naaalala ko tuloy yung araw na umamin siya sakin.
Flashback...
"Ky mahal kita noon pa." Syet, totoo ba to? Mahal niya ako? Mahal niya ako? Hindi ako makapaniwala.
"Totoo ba yan?"
"Oo Ky, totoo talaga to. Since grade 1 palang tayo." Sincere talaga siya sa mga sinasabi niya. "Hindi ko nga alam kung papaano at bakit basta pagka-alis nalang namin noon.......dun ko lang nalaman ang tunay kong nararamdaman para sayo."
Dug dug dug dug dug.
"I hate to admit it pero mahal talaga kita ky.
"Seryoso ka talaga dyan? Baka naman kasi binibiro mo lang ako."
"Yes, I am damn serious about you." Wow, english talaga ha. Pero kinikilig ako.
"Pwede ba akong manligaw?"
Oh syet. Ito na talaga. Ito na talaga. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito. Akala ko ako lang ang nakakaramdam ng ganito.Kinurot ko muna yung mga cute na pisngi niya at ngumiti bago ko sinagot yung tanong niya.
"Alam mo bang ikaw yung first love ko?" Umiling naman siya bilang sagot."Hindi ko nga alam na darating din pala ang araw na ito eh." Pinisil ko muna yung ilong niya. "So the answer is........"
"Is?" Excited much ha.
"No."
Para siya pinagbagsakan ng langit at lupa sa sagot ko.
"Thats ok, ok lang naman na mabusted dahil nasabi ko agad sayo kesa naman sa hindi ko pa nasabi agad sayo."
Natawa naman ako sa reaction niya. Ang cute cute niya talaga. Bigla nalang kumunot yung noo niya. Awiee.
"Sorry haha joke lang naman yun. Ofc, the answer is a.......yes!"
End of the flashback
"Kinikilig ka na naman dyan." Abay nakangiti pa ang loko.
"Tse, wala kana dun." Taray ko sa kanya pero kinikilig talaga ako.
Tumatawa parin siya. Hay naku, kung kami mabangga papatayin ko talaga to.
"Tumingi---"
Beeeeeep!!!!!!!!!!!
-------------------------------------------
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Ficção AdolescentePaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?