Kyra POV
Its been a year since maaksidente kami. Sasagutin ko na nga dapat siya nung araw na yun kaya lang nangyari ang hindi namin inaasahan. Ang saya-saya na sana namin eh. Napalitan nga lang ni kalungkutan. Sabi nga nila kapag dumating si kasiyahan dapat asahan mo ring darating si kalungkutan.
Palagi kong tinatanong sa sarili ko. Paano kung hindi nangyari yung aksidente? Paano kung hindi kami umalis? Paano kung sa bahay lang kami? Mangyayari pa kaya yun? Kaya lang nangyari na eh. Hindi na yun mababago pa.
Napatigil nalang ako ng may maramdaman akong mainit na bagay na tumulo sa mukha ko.
"O my gosh Kyra!! Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Masakit ba ulo mo? Tiyan mo? Ngipin mo? Sabihin mo lang!?"
Pinunasan ko agad yung luhang tumulo sa mukha ko at saka umiling. "Ayos lang ako Jai."
"Let me guess, naalala mo na naman yung nangyari noon? Ky move on. Yan ang kailangan mo."
Tama naman si Jai eh. Kailangan ko na talaga mag move on. Kaya lang hindi ko magawa. Masakit eh. Sobrang sakit dahil hindi niya na ako maalala pa.
"Sang-ayon ako kay Jai ky, hindi ko man alam kung ano ang mga nangyari sa inyo dati pero kailangan mo na talagang mag move on.."
Napangiti na lang ako. "I'm so lucky to have you guys."
"Group hug!!" Sigaw ni Hershey.
***
"Ayoko""Cge na kasi." Pangungulit sakin nung dalawa. Paano ba kasi gusto mag shopping.
"A yo ko."
"Cge na please, treat namin."
Tumingin ako ng nakakaloko sa kanila at ngumiti.
"Treat niyo? Cge, payag ako basta treat niyo ha."
Kumislap naman yung mga mata nila sa sagot ko. "Yown oh, ayun lang pala yung makakapayag sayo, tapos pinapilit mo pa kami."
"Sinabi ko bang pilitin niyo ako." Taray ko sa kanila.
"Hindi."
"Pero parang ganun na rin yun." Dagdag ni Jai.
"Asus ah, mga palusot niyo utot."
Natawa nalang sila sa sinabi ko. Kaya tumawa nalang din ako.
"Parang tanga 'to, tumatawa mag-isa."
Nakatikim naman siya sakin ng isang sapak.
"Hehe joke lang. Ito naman hindi mabiro."
***
"Ito pa ky ang ganda at ito pa at ito pa at ito pa at ito pa!"Pagod na ako. Parang lahat yata ng store dito sa mall napasukan na namin. Ang dami dami nilang binili. Tapos ako iisa pa lang. Hay naku.
"Guys punta lang muna akong bookstore." Sabi ko.
"Sama ako."
"Ako din."
Sabi ko nga sasama din sila.
"Tara na."
Naghiwa-hiwalay kaming tatlo dahil may sarili kaming bibilhin.
"Omg this is the book. Ang swerte ko talaga. Limited edition lang 'to."
Kinuha ko agad ito at dumeretso na sa cashier pero nagulat na lang ako na may kumuha nito sa kamay ko.
"What the hell is wrong with you!? That's min--"
Hindi ko mapigilang hindi magulat ng makita ko kung sino ang kaharap ko.
"Gabriel."
Jaira POV
Pumunta agad ako dun sa wattpad station.
Napabungisngis agad ako.
"Ang dami nilang bago." Kinuha ko lahat ang mga yun at pumunta sa may cashier.
"1,500 po lahat ma'am." Binigyan ko naman agad siya.
"Asan na kaya sila Ky?"
Hmm itetext ko nalang siya kung nasan na. Aalis na sana ako ng biglang may bumangga sa akin.
"Watch where you going!" Inis na sabi nito.
Aba't ako pa ang sinisigawan! eh siya nga ang bumangga sakin!
"Anong ako!? Ikaw nga dapat ang tumingin sa dinadaanan mo. Nanahimik ako dito tapos bigla mo akong babanggain! Ano ka bulag?!"
"I don't fucking care. Basta ikaw ang bumangga sa akin kaya tumingin ka sa dinadaanan mo!?" Sabay alis nung lalaki.
Tsk bakla naman pala yun eh. Gumawa-gawa ng eksena tapos aalisan. Anong trip ng lalaking yun?
Hay maka-alis na nga.
Hershey POV
Nabili ko na lahat ng kailangan ko kaya hinanap ko na agad sila Jai.
"Umm excuse me miss."
Ako ba ang tinutukoy niya.
"Ako ba?"
"Yes you, pwede sana magtanong kung saan ko makikita ang book station? Bago lang kasi ako dito." Nahihiyang sabi niya.
Ang cute.
"Oo naman, tamang-tama dun din ako pupunta kaya samahan na kita."
Alam ko namang nandodoon si Ky kaya sasamahan ko na to."Talaga!? You're a life saver!!"
Natawa naman agad ako sa sinabi niya. Ang cute cute niya.
"I'm Justin btw."
"I'm Hershey."
"Ang sweet naman ng pangalan mo Hershey. Kasing sweet mo."
Asus bolero.
"Wag mo nga akong bolahin."
Tumawa naman agad siya sa sinabi ko. Tawa lang kami ng tawa hanggang makita ko na si Kyra."
"Ayun pala si Gabriel oh. Paano mauna na ako?"
Lumaki naman agad ang mata ko ng banggitin niya yung pangalang yun.
"Hindi ito maari." Pabulong kong sabi.
Pinuntahan ko naman agad si Kyra at ganun din si Justin.
Jai where are you?
_____________________________
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Teen FictionPaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?