KYRA POV
Shete naman oh. Pag nakita ko lang talaga sila, hindi lang sampal ang aabutin nila sakin. Kundi SSB (Sipa, Saksak, Bugbog.) Pero joke lang yun.
"Ugh. Asan ba kayo??" Pabulong kong sabi pero halata na talaga ang pagkairita ko.
"Well, well, well, look who's here." Sabi nung babaeng mukhang pugita. Sa dami ba namang nakalagay na kulay sa mukha.
"You are that girl right??" Sabi naman ng isa niyang kasama na pusit.
"Ang kapal naman ng mukha mong sagot-sagutin si Gabriel." Sabi naman ng isa pang pusit.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at tahimik na umalis. Busy ako kaya wag nila akong ibabad mood. Kung ayaw nilang bumalik sa dagat.
"How dare you turn your back on me!!" Sabay hila ng buhok ko. "Hindi mo ba ako nakikilala? Pwes magpapakilala ako. Ako lang naman si Elisa Kim. At kami ang pangsampu sa pinakamayaman sa buong mundo." Ha. Ayun lang ba?
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa buhok ko at binigyan siya ng death glare. Ngumisi muna ako bago nagsalita. "Tapos kana ba? Kung oo, ako naman."
"Ha! Wag mo ng sabihin baka mahiya ka lang dahil wala kang binatbat sakin." Sabay tawa nilang tatlo.
"Ako lang naman si Kyra Tan. Ang pinakamayan sa buong mundo. Ibig sabihin kami ang pang-una." Bored kong sabi.
"K-Kyra....T-tan?" Bigla naman silang pinagpawisan sa narinig nila.
"Yes? may angal kayo??" Sabay smirk ko.
"W-wala, s-sige na a-alis na kami." Napatawa naman ako sa naging reaction nila. Ha! In your face mga nakitira sa dagat. Akala nila ha.
Paalis na sana ako ng may marinig akong sigaw. "Ayun siya!!" Turo sakin ng isang lalaki na may hawak na itlog.
"Sh*t" napamura ako ng wala sa oras. Hinahabol nila ako.
"Humanda ka samin." Ano bang nagawa ko at hinahabol nila ako ng ganito?
"Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang school year mo dito sa Ace University." Syet. Ito na ba yung sinasabi niya? Hindi 'to fair. Tumakbo ako ng pinakamabilis na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. Sa Kanan, sa kaliwa, pumunta sa kanan, kaliwa naman, at dead end. Ugh, wala na akong magagawa kundi ipakita ko sa kanila ang pagiging black belter ko.
"Ayun siya." Turo sakin nung isa.
"Wag kanang tumakas miss."
"Ano pa bang magagawa ko?" Lalapit na sana ako ng biglang may bumato sakin ng itlog at tumama ito sa mukha ko.
Tiningnan ko sila ng nakakatakot kong tingin. "Sinong bumato sakin?!? Sagot!!"
"Aba matapang 'to pare."
Hindi ko na sila pinansin at tumakbo na agad ako sa kinaroroonan nila. At oops napasobrahan yata ang nagawa ko. Hindi na yata sila humihinga eh.
Oh well, kasalanan naman nila yan eh. Umalis na ako sa kinanaroroonan namin at umakto na walang nangyare.
Haist, what a day.
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Teen FictionPaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?