Chapter 5

15 2 0
                                    

Jaira POV

Hiiii, ako nga pala si Jaira Park, but they call me Jai for short. Best friend ko sila Ky, Gabriel at Angel since grade 1. Classmate kasi kami noon kaya ganun ang nangyari.

Namimiss ko na nga yung dalawa eh. Sila Angel at Gabriel lang naman, wag niyo ng isali si Ky. Bigla kasing nawala. Baka nagtataka kayo kung bakit sabay silang nawala ha. Ganito kasi yun. Ano kasi. Ano. Uhm. Kambal lang naman sila. Oo, kambal sila, hindi nga lang magkamukha.

"Jaiiiii!!!"

Lakas ng boses ha. Liningon ko naman siya. At hindi nga ako nagkamali, si Ky nga. Pero wait, dba si, si, si, si Gabriel yun??!!. Syett ang wapu niya naaa.

Tumakbo naman agad ako papunta sa kanilang dalawa.

"Ky sampalin mo nga ako." Hindi kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko na si Gabriel.

Paaakk!
Aray ko naman. Napahawak tuloy ako sa pisngi ng wala sa oras. Ang sakit kaya nun. Hindi man lang siya humindi. May galit ba siya sakin? Aminin din pag may time.

"Anng sakit nun Ky. Pero hindi nga ito panaginip, totoo ka nga!!!" Niyakap ko siya agad. Omg ang tigass ng ano niya. Ng ano. Basta alam niyo na yun. Abs. Haha. Ang landi ko naman.

"Ehem" oops, nakalimutan ko nga pala. Love niya parin si, si, si, si SECRET.

Nagpeace sign na lang ako kay Ky. "Gabriel asan nga pala si Angel?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Oo nga, asan na pala yun? Hindi ko yata siya nakita dito sa school."

"Nasa States pa siya. Binabantayan pa si mommy."
Sagot niya.

"Hala! Anong nagyare kay tita?!?" Biglang tanong ko.

"Ganito kasi yun" kwinento niya lahat ang nangyari.

"Ok na ba si tita?" Pag-aalalang tanong ko.

"Yes, she's fine now." Ngumiti naman ako pagkatapos niyang sabihin yun.

Kyra POV

OP naman yata ako sa kanila. Maka-alis na nga.

"Guys alis muna ako, meron pa kasi akong pupuntahan." Pagsisinungaling ko. Hindi naman nila siguro ako kailangan eh. Kaya aalis na lang muna ako.

"San ka pupunta Ky?"

Halaa, ano kaya ang sasabihin ko? Isip, isip,isip. Ting!! Tama.

"Kakain lang, bigla kasi akong nagutom. Kaunti lang kasi nakain ko kanina." Rason ko.

"Kaya pala ang payat payat mo. Kumain ka kaya ng marami." Sabay pisil sa pisngi ko.

Dug, dug, dug, dug,dug. Halaa ito na naman si heart. Wag munaa pleasee.

"Haha oo na po. Kaya nga ako kakain. Cge na, bye na." Sabay takbo ko.

Yesss naka-alis din sa wakas.
Nakakaop kasi eh. Hindi naman talaga ako kakain.

"Kyraaaa!!!!!"

O to the M to the G!!!!

My First Love Turn To A GangsterWhere stories live. Discover now