Chapter 12

25 1 0
                                    

Kyra POV.

"KYRAAA!!"

Sheet na maputi, ang sakit sa tenga. Kita mong natutulog yung tao eh.

Tiningnan ko siya ng nakakatakot kong glare pero walang effect.

"Salamat at nagising na din ang mahal na prinsesa."

Napa-face palm nalang ako. "Ano bang meron Jai? Ang aga-aga pa oh." Sabay yakap ko sa unan. Ang lambot.

"Palala ko lang po sa inyo mahal na prinsesa, na ngayon po tayo papasok sa bago nating school." Huminga muna siya ng malalim at tumingin sakin ng deretso.

Uh oh.

"AT KAPAG HINDI KA PA TUMAYO DIYAN AKO MISMO ANG MAGDADALA SAYO SA KABILANG BUHAY AT SISIGURADUHIN KONG HINDI KA NA MAKAKABALIK DAHIL MALALATE NA TAYO!!"

"H-heto na nga oh. Aalis na. Chill ka lang. Kalma. Wag kang triggered."

"Bilisan mo ha!" Aba kung maka-bilis naman 'to wagas.

"Oo na, oo na, ito na." Lumakad na ako papuntang cr pero nakatingin parin siya sakin.

"Umagang-umaga bad mood agad." Bulong ko.

"May sinasabi ka MAHAL NA PRINSESA?"

"W-wala. Cge na maliligo na ako."

***
"Sorry na nga Jai eh, hindi ko naman aakalain na malalate tayo sa first subject natin. Malay ko bang 6:45 am yung start nun."

Heto ako ngayon nag-iisa, charot. Si Jai kasi eh, hindi ako pinapansin. Hindi ko naman kasi talaga alam na 6:45 am yung start. Kaya binagalan ko sa pagligo.

"Ginising na nga kita at sinabihan na malalate na tayo pero binagalan mo parin! Nakakainis ka talaga Kyra." Sabay walk out niya.

Hala! Lagot ako nito. Lunch time pa naman ngayon.

Maglalakad na sana ako upang sundan si Jai ng biglang may nabangga akong pader. Ay hindi pala ito pader.

"Sorry." Tumingin tapos ako sa kanya at laking gulat ko na si Gabriel ang nabangga ko.

Dito siya mag-aaral? Hala? Weh? D nga?

"Omg, dito ba sila kakain?"

"Kyaaah!!! Ang Ace.

"Shit, mamatay na yata ako."

"Ang gwapo ni Gab."

"Kenneth, kyaaah!!"

Yan lang naman ang mga naririnig ko dito sa loob. Pero wait? Did I hear it right? Dito sila nag-aaral? So it means ang tagal tagal niya na dito. Pero wait lang magpapanggap nalang muna akong hindi ko siya kilala. Tama.

"YOU AGAIN!!" Sabay naming sabi.

Ok na yung ganito para fair.

"Who is she dude?" Sabi nung lalaking parang adik.

"She's the girl who stole my book." Sabay tingin sakin ng masama. Gulp. Nakakatakot naman 'to makatingin.

"A-anong pinagsasabi mo? Ako naman talaga ang unang nakakuha ng librong yun ah inangkin mo lang." Ba't ba ako natatakot? Tsk. Kainis naman oh.

"Sa kanya naman talaga yun bro." Sabi nung lalaking kasama niya noon sa mall.

"What?!?" Nakakatakot talaga 'to. Huhu, Jai ba't mo ba ako iniwan.

"Wala sabi ko bingi ka." Napa tsk nalang si Gabriel.

"Wag mo kasing angkinin ang hindi sayo." Out of nowhere kong sabi.

"Woaah, hahaha talo ka pala dude eh." At nagsitawanan silang lahat. Pero tumahik din tapos sila nung nakita nila ang nakakatakot na tingin ni Gabriel.

Nagsitayuan yata ang mga balahibo ko dun ah.

"What did you f*cking said?!" Sigaw niya na maririnig talaga sa buong cafeteria.

Waa. Pinagsisihan ko na yung sinabi ko. Bakit ba ang tanga-tanga mo Kyra ha.

"Are you deaf? How come you didn't hear what I said?" Matapang na sabi ko. Gulp. Katapusan ko na talaga, Mommy. Help me.

Lumapit siya sakin. As in yung sobrang lapit na at isang galaw mo lang ay didikit na yung mga labi namin.

"Remember this f*cking day. This f*cking time and this f*cking date. Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang school year mo dito sa Ace University." Sabay alis nila.

Nabusog yata ako sa mga murang yun ah pero kyaaah. Ang bango ng hininga niya.

"She's dead." Narinig kong bulong nila.

Dead talaga? Hindi pwedeng alive? Ano ba yan. Mahanap na nga si Jai.

My First Love Turn To A GangsterWhere stories live. Discover now