Kyra POV
"Huli ka" sabi niya kaya pinaghahampas ko siya sa dibdib. Akala niya magandang biro ang ginawa niya. Grabeng kaba ang binigay niya sakin.
"Aray, ARAAAY! Tama na." Sabi niya habang niyayakap ang sarili. Pero hindi parin ako tumigil sa pagsusuntok sa dibdib niya. Pinakaba niya ako. Dapat lang sa kanya yan.
"Sabing tumigil kana eh!" Sigaw niya. Kaya napatigil ako sa pagsusuntok at tumayo na.
"B-bat ka ba nandidito?" Tanong ko sa kanya.
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay tumayo siya. "Sorry." Poker face niyang sabi. "Yun lang." At umalis na.
Tiningnan ko nalang ang likod niya habang paalis. Hanggang sa unti-unti na siyang nawala.
Mga ilang minuto pa siguro ang lumipas bago ko pa naisipang pumasok.
Dumaretso ako sa kama at pabagsak na humiga. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog.
We keep this love in a photograph.
"I love you love. Wag mong pabayaan ang sarili mo ha."
We made this memories for our self.
"Love naman eh, wag na matigas ang ulo ha? Kumain kana."
Where our eyes are never closing.
"Love pangako, habang buhay kita mamahalin. Tandaan mo yan."
Hearts are never broken.
"Matulog kana love, I love you!!"
And times forever frozen still.
"Love, kain tayo dun, dali!"
So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans.
"Good girl ka lang ha? Wag kang magpapasaway kila tita."
Holding me closer til our eyes meet.
"Love, kahit anong manyari, makalimot man ako, hindi parin kita iiwan. Tandaan mo, ang utak lang ang nakakalimot. Ang puso? Hindi yan. Kaya wag kang mag-alala, babalik at babalik parin ako sayo. Sayo lang kaya ako! Kaya smile kana dyan Love, I love you."
And you won't ever be alone
"Hintayin mo ako Love ha mahal na mahal kita."
"Wait for me to come home."
At unti-inti ng pumipikit ang mga mata ko.
***
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako."Kyra, gising na. Malalate na tayo!! I mean ikaw lang pala." Gising sakin ni Jai at Hershey.
"Kyra bilis na. 30 minutes nalang ang natitira." Sabi ni Hershey na pinalaki ng mga mata ko. Tiningnan ko ang orasan.
Shoot. 7:30 na. 8 magsisimula ang klase ko.
Nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo.
Sampung minuto lang akong naligo at at sampong minuto nag-ayos at nagmadaling pumunta sa ibaba.
"Tara na girls!" Sabi ko.
"Hindi na kayo kakain?" Tanong ni mommy.
"Hindi na mee, late na talaga ako. Sila nalang kung gusto nila." At nagmadaling pumunta sa sasakyan. Hindi ko na hinintay sila Jaira at Hershey.
"Kuya Pedro bilisan niyo po. 25 minutes nalang po ang natitira." Sabi ko sa driver namin. Sobrang bilis na ng heart beat ko at lumalamig na ang mga palad ko.
Hindi pa nakakapark si kuya ay lumabas agad ako ng sasakyan.
10
Tumakbo na ako.
9
Bilis bilis!! Tumabi nga kayo. Sagabal kayo eh.
8
Ng sa may hagdanan na ako ay may nabangga ako. At hindi ko na pinansin kung sino man siya at tumakbo na.
7
Bilis bilisss
6
Dalawa pang floor. Kaya mo yan
5
Malapit na
4
Malapit na
3
Ayan na.
2
Nakahawak na ako sa pinto ng classroom namin.
1
"YES!! NAKA-ABOT AKO!" sigaw ko.
"Good morning Ms. Tan." Gulat akong tumingin sa loob ng room namin.
Namula naman ako sa kahihiyan. Ayan kasi. May pasigaw sigaw pang nalalaman.
"Where's your bag Ms. Tan? Sabi ni Mrs. Gonzales.
Ngayon ko lang nalaman na wala pala akong dalang bag! Ang tanga tanga mo kasi Kyra eh. Bakit mo ba yun iniwan.
Magpapanick na sana ako ng biglang bumakas ang pinto at inuluwa dun ang pangit na lalaki.
"Oh." Sabay bato niya sakin ng bag.
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Dugtong pa niya na ikana init ng ulo ko.
"Edi SORRY." At umupo sa upuan ko. Akala mo kung sino.
"Good morning." Bati sakin ni Ken.
Namula naman ako. "G-good morning." Sabi ko sa kanya at nakinig na sa tinuturo ni Mrs. Gonzales.
"Kilig ka naman." Dinig kong sabi ng isang asungot.
Tiningnan ko naman siya. At nakita kong nakatingin din siya sakin kaya dinilaan ko na. Bleeh. Kala niya ha.
Nakita ko namang tumaas ang isa niyang kilay. At inirapan ako.
Tsk. Bakla. Nasa kilid kasi siya. Katabi niya si Ken. Papalit palit ng pwesto.
"Feeling maganda." Sabi niya na ikina usok ng ilong ko.
"Feeling gwapo, pangit naman." Taas kilay kong sabi sa kanya. Nilakasan ko talaga yun para marinig niya.
"Feeling sexy, baboy naman." Nakangisi niyang sabi.
Tf? Tinawag niya akong baboy?
"Feeling may abs yun pala tabs lang ang mayroon." Mapang-asar kong sabi.
"Feeling baboy, baboy naman talaga." Sabay tawa niya.
Ayun na. Lagpas na. Lumagpas na. Papatayin ko na siya.
"Hoy! Ikaw, I-ikaw." Wala na akong masabi.
"Ano? Wala ng masabi?" Waaaa!! Gusto ko na siyang sakalin.
"Kayong dalawa!! Get out of my class!"
Papatayin na talaga kita!!!
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Fiksi RemajaPaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?