Kyra POV
"Gabriel?"
Gustong-gusto ko na siyang yakapin. Miss na miss ko na siya.
"Who the hell are you?!"
Napangiti na lang ako ng mapait. Oo nga pala, hindi na niya na ako nakikilala dahil sa accidente.
"Kyra" tawag sakin ni Hershey.
Alam kong nag-aalala siya sakin kaya hinawakan ko ang isa niyang kamay para sabihin na ok lang ako.
"Kilala mo siya dude?" Sabi nung isang lalaki na kararating lang.
"No."
Ang sakit palang marining ang salitang yun kapag sa kanya na mismo nanggaling. Pinaghandaan ko na 'to eh. Hindi na dapat ako nasasaktan sa naririnig ko pero tumagos talaga eh. Tagong-tagos. Kahit alam kong hindi niya na ako maalala pa, umaasa parin ako na balang araw maalala niya ulit ang mga memories na ginawa namin.
"Ugh, I'll just take this book ok?" Sabay alis nila.
Doon lang ako bumalik sa katinuan ng kunin niya na ang libro at binayaran sa cashier.
Shet. Hindi pwede 'to!! Matagal ko na yung hinahanap tapos kukunin niya lang sakin yun ng ganun ganun. Aba. Hindi yata ako makakapayag niyan.
Pumunta ako sa kanila at kinuha agad yun.
"Don't you dare Mr. Lee. Ako ang unang nakakita nito kaya back off." Pagbabanta ko sa kanya pero hindi yata siya natinag at balak pa niya sana ulit itong kunin ng biglang may tumawag sa cellphone niya.
"What!? For real?! Shit! Ok ok! I'm coming." Ibinaba niya na ang tawag at nagmadaling umalis. Ganun din yung isa.
Ano kaya yun?
"Ky, ok ka lang?" Kitang kita ko sa mga mata niya na sobra talaga siyang nag-aalala. Napangiti tuloy ako. "I'm fine Hershey. Nagulat lang talaga ako kanina kaya ganun yung naging reaction ko pero naka move on na talaga ako kaya wag kanang mag-alala."
Tumango naman siya bilang sagot.
"Btw asan si Jaira?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nga 'no? Kanina ko pa yun hinahanap eh. Akala ko nga kasama mo na siya."
"Saan naman kaya sumusuot yung babaeng yun? Tawagan mo nga Hershey." Tinawagan niya si Jai at wala pang tatlong ring sinagot na niya ito.
"Hello"
"where are you?"
"What!?"
"Umuwi kana?!"
"Hindi mo manlang kami tinawagan o tinext lang!"
"You're insane."
"Yeah yeah. We love you too."
"Bye." Tapos pinatay niya na ang tawag.
Natawa nalang ako sa pag-uusap nilang dalawa. Kahit kailan talaga.
"Let me guess... Wag nalang pala. Alam mo na rin yung sasabihin ko eh." Sabi ko kay Hersh.
Dumeretso na kami sa bahay at nakita naming tulog siya kaya binugbog na namin. Kawawa ang face niya. Haha
***
"Ang sakit kayo nun!" Sabay hawak sa mukha niya. "Kayo kaya ang bugbugin ko para ma feel niyo naman ang pagmamahal ko tutal ipinaramdam niyo na sakin yung inyo."Hindi parin siya tapos sa pagsesermon samin ni Hersh. Huhu. Kawawa na kami.
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Teen FictionPaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?