Chapter 22

10 0 0
                                    

Kyra POV

"Goodnight!" Pahabol kong sabi sa kanya.

Tinanguan niya lang ako at pumaharurot ng umalis.

Tsk, hindi manlang nag abalang sumagot.

Nakasimangot  akong pumasok sa loob. "Oh, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Kuya sakin.

Tinanguan ko lang siya at dumaretso sa kwarto. Narinig ko pa siyang may sinasabi pero tinanguan ko lang ulit siya.

Binuksan ko na ang pinto ng aking  kwarto at walang anumang ibinagsak ang katawan ko sa kama hindi ko na tinangkang magbihis  dahil wala ako sa mood.

Mamatay na sana siya.

***

Naalimpungatan na lang ako ng maramdaman ang init ng araw.

"Anong oras na ba?" Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung anong oras na.

Kinusot-kusot ko pa ang dalawa kong mga mata.

8:30 am

Tumaas ang isa kong kilay at tiningnan ulit baka mali ang pagkakabasa ko.

8:31 am

Sabi ko na nga ba mali eh.

"F*ck."

Dali-dali akong pumasok sa cr at hindi ko namalayan ang damit na nakakakalat sa sahig.

Blaag!

Aww, ang sakit. Paika-ika akong pumasok sa loob ng cr at marahang naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at nag-ayos.

"Ok na to." Bumaba na ako at nagmadaling maglakad.

"Oh ba't ganyan ka kung maglakad?" Tanong sakin ni Kuya.

"Yung sahig kasi eh, gustong upuan ko raw kaya ito nangyari sa'kin." Sumbong ko sa kanya.

Napatawa naman si kuya sa sinabi ko. "Gusto mo resbakan ko para hindi ka na guluhin?"

"Cge Kuya, para ikaw naman yung sumunod." Ginulo niya lang ang buhok ko at tinawanan lang.

"Kuya naman eh! Tara na nga." Walk out ko sa kanya.

"Hindi ka pa nakakain ah!" Rinig kong sabi niya.

"Late na ako kuya!! Dalian mo!"

"Payat mo na nga eh." Sumakay na kami sasakyan.

"Hindi ah." Ngumuso ako at nagpahatid na sa University.

"Dalian mo naman kuya, late na ako eh."

"Ito na, Ito na. tsk, umagang-umaga high blood agad." Nginitian ko lang siya at bumaba na sa sasakyan.

"Thanks Kuya, I love you."

"Mag-iingat ka bunso. I love you too.

Pumasok na ako kasi late na.

Paika-ika akong umakyat sa hagdanan. One, two, one, two.

"Aww" angal ko. Ba't kasi sobrang dami ng hagdanan na'to eh. Sumasakit na tuloy ulo ko.

"Ba't ngayon ka lang?"

"Ay nanay mo kalbo." Napahawak ako sa puso ko.

"My mom is not kalbo." Sabi niya sakin.

Simaan ko siya ng tingin. "Aatakihin ako sayo eh." Sabi ko sa kanya at patuloy na sa pag-akyat.

"What happened to you?" Rinig kong tanong niya pero dinedma ko lang siya kasi nga no time. At paulit-ulit lang, kanina ko pa yan naririnig.

"I said what happened to you?" Tanong niya ay hindi pala sigaw niya.

Humarap ako sa kanya, "nadulas." Sabi ko. At nagpatuloy sa pag-akyat.

Malapit na sana ako ng biglang  may bumuhat sakin at tumilapon sa hagdanan.

Ay charot. Joke lang.

"Ano  ba?! Ibaba mo nga ako!"

"Wag kang malikot." Saad niya.

Saan niya ako dadalhin?? Huhu mommy help me. May rapist na gustong humalay sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My First Love Turn To A GangsterWhere stories live. Discover now