KYRA POV
Kainiiiis!! Naiinis talaga ako sa lalaking yun. Nagmadali pa naman akong pumunta dito para lang hindi malate tapos ito lang pala ang maaabutan ko?!? Mas malala pa 'to sa pagiging late eh.
Ang hindi makapasok sa unang subject.....!?
Wow! What a good student. Bigyan ng palakpak yan.
"Oh, ang aga-aga naka busangot ka." Sita sakin ni Jaira na bising-busy sa paglalaro ng temple ran sa Ipad niya.
"Hindi naman ito ang first time na hindi ka nakapasok sa first subject Ky." Sabi naman ni Hershey habang nginunguya ang kinakain niyang gummy.
I rolled my eyes. "Kahit na. Nag-effort ako dun para lang hindi malate. Tingnan niyo. 10 mins lang akong naligo at 10 mins din akong nag-ayos! Thats my freaking first time! My first time!"
"Wag oa ha." Sabi ni Jai na naglalaro parin sa Ipad. Tsk.
"Nice talking ha." Sarkastiko kong sabi. Paalis na sana ako ng biglang nagsalita ulit si Jai ngunit nakatingin na ito sakin at nakangisi.
"Karma is a......b*tch." Sabay tawa niya. Ugh. Tumalikod nalang ako at pumunta sa tambayan ko.
Ang sarap talaga ng hangin. Nakatayo ako ngayon sa isang malaking puno at itinaas ang aking dalawang kamay na akala mo'y feel na feel ko yung hangin.
Pagkatapos lumanghap ng sariwang hangin ay umupo na ako at sumandal sa malaking puno. Hanggang sa makatulog na ako.
"Kyra." Rinig kong tawag sakin.
"Psst, Kyra gising." Rinig ko muling tawag niya. Pero hindi ko parin yun pinansin.
"Love." Napamulat ako ng wala sa oras. Isang imahe ng lalaki ang nakikita ko.
"Gabriel." Maluha-luha kong sabi. Nilagay ko ang isa kong palad sa kanyang pisngi at hinwakan niya naman tapos 'to.
"Shh, don't cry Love. I'm here." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.
"T-totoo ka ba? H-hindi ba ako nananaginip?" Pagkasabi ko nun ay bigla siyang natahimik.
"Palagi mong tatandaan na I'm always here. For you. I love you Love." Sabi niya.
"What do you mean? Sabihin mo. Please. I badly miss you." Umiiyak ko parin sabi.
"Shh, you'll know. Soon." Pagkasabi niya nun ay unti-unti na siyang nawawala.
"No, don't go Please. I need you." Sabi ko. At palakas na ng palakas ang iyak ko.
"I love you." Pahabol niyang sabi at nawala na siya.
"Hoy baboy gising."
Minulat ko ang aking mga mata at kinusot kusot ko ang mga ito.
Ng napatagto ko kung sino siya ay mabilis ko siyang niyakap siya.
"Gabriel." Bulong kong sabi at hinigpitan pa ang pakakayakap ko sa kanya.
"Totoo ka nga. Hindi ka nga isang panaginip. H'wag mo na akong iiwan please." Lumuluha kong sabi.
"Get off." Sabi niya na pilit kinukuha ang dalawa kong kamay na nakakapit sa bewang niya. At doon lang ako natauhan.
"A-ah sorry." Paumanhin ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
"Sa susunod wag kang matutulog dito at wag ka ding yayakap sa kung sino-sino man." Sabi niya at sabay alis.
Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
"Bayad kana sa utang mo panget." Pabulong kong sabi.
At umalis din sa lugar na yun.
***
"Oh? Tatawa-tawa ka dyan? Anyare sayo?." Tanong ni Jai.Andito kami ngayon sa kwarto ko.
Tumayo muna ako at dahan dahang ni lock ang pinto.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!" Tili kong sagot.
"Ano ba ang ingay-ingay mo. Ano ba talaga ang nangyare?" Tanong naman ni Hershey habang nakalagay ang kamay niya sa tenga. Nag peace sign naman ako.
"Ganito kasi yun." Ikwinento ko sa kanila ang mga nangyari.
"Owemgeeeee!!! Kyaaah!" Tili naman nilang dalawa.
Ako naman ngayon ang napahawak sa tenga. Haist karma is a b*tch nga naman.
"Tumahimik nga kayo. Mas kayo pa ang kinikilig kesa sakin eh! Kayo ba ang sinabihan? Kayo? Kayo?" Sabi ko sa kanila pero hindi ko talaga mapigilan ang kilig kaya napatili din ako hanggang magsawaan na kami.
"Bye po tita, tito. Uwi na po kami." Paalam nila kila mommy.
"Cge na, alis na shoo shoo. Wag na kayong babalik." Pagtataboy ko sa kanila. Kaya binatukan naman nila ako. Karma is a b*itch nga!
"Joke lang naman, kayo talaga oh." Pabiro kong dabi.
"Tse. Cge na, alis na kami bye." At sumakay na sila sa sasakyan.
Kumaway naman ako sa kanila. "Babye! Ingat kayo!"
"Cge na, aalis na kami, muaaah!" Sabi ni Jai at nagflying kiss.
"Eww, kadiri." Pabakla kong sabi. At nagsitawanan naman kami.
Pumasok na ako at dumaretso sa kwarto ng makita kong naka-alis na sila.
Hindi ko paring mapigilan ang kilig ko.
"Kainis ka talaga pangit."
YOU ARE READING
My First Love Turn To A Gangster
Teen FictionPaano kung makita mo siya muli? Paano kung hindi ka na niya maalala pa? Paano kung malaman mo nalang na ang first love mo ay naging isang Gangster? Mamahalin mo parin ba ito?