"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong sa akin ni Tita Lea isang araw nang makita niya ako sa loob ng kusina imbis na ayusin ko ang mga pagkain sa hapag kainan.
Limang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang pagkain namin ng sabay ni sir Leandro. Sa loob ng limang araw ay hindi ko na siya nakita dahil iniiwasan ko siya. Ayokong magkrus muli ang landas namin. May kung ano kasi sa kaniya ang nagpapagulo sa damdamin ko at hindi ako pamilyar sa mga yon.
Imbis na sumunod ako sa sinabi ni Tita Lea na ayusin ang mga pagkain sa hapag ay hindi ko ginawa, imbis ay pinakiusapan ko si Lane na siya na muna ang pumalit sa akin at ako na muna ang dito sa kusina para sa paglilinis.
Ayokong makita si Leandro. Hindi ako mapakali kahit isang tingin lang sa kaniya.
"Dito na muna ako,Tita"
Pinagmasdan muna ako ni Tita Lea bago bumuntong hininga.
"Ikaw ang bahala" aniya.
Lumabas na siya pagkatapos n'on.
Nakarating na ang maglolola. Ayon kay Tita ay nauna raw si Leandro na umuwi isang araw bago ang usapang pag-uwi nilang apat. May kikitain daw kasi ang binata. Tila may imahe ng babae ang kumudlit sa aking isipan. Marahil ay yon ang tinutukoy ng binata na kikitain nito. Natatandaan niya ang pangalan nito na Ella. Marahil ay yon ang girlfriend ng lalaki.
Nakilala ko na ang dalawa pang apo. Maging ang lola nila na si Madam Evangeline. Tama nga ang hinala ko sa babaeng apo ng mga ito. Isa itong spoiled brat. Tipikal na anak mayaman. Minsan na akong isinama ni Zarria sa pagsho-shopping. Isinama niya ako upang bitbitin ang ilang shopping bags niya. Talagang naging literal na alalay ako nang araw na yon.
Ang kakambal naman nito na si Zarrick ay hindi palasalita. Nakakaintimidate din ang katangian nito. Mas tila seryoso siya sa panganay na kapatid ng mga ito, malamig kasi ang bawat titig niya. Laging umuuwi ng lasing at paminsan-minsan pa ay may dalang babae. Tila may tinatagong sikreto ang malalim niyang mata. Ang dilim dilim ng pares ng kaniyang mga mata.
Si Leandro Saavedra naman ay may tila bossy na awra. Sa unang pagkikita pa lamang namin ay halos mahimatay na ako sa kaba. Talagang malakas ang presensya niya kaya kahit sino marahil ay malalamang hindi siya ordinaryong tao. Parang isa siyang leader ng bansa, kung hindi man yon eksaheradang ekspresyon.
Usap-usapan sa buong mansyon na nakakatakot daw talaga si Leandro. Ayon sa ibang mga katulong na naririnig kong panay ang chismisan ay masyadong seryoso raw ito, liban nalang sa tuwing may kasiyahan ang magbabarkada doon. Ang personalidad ni Leandro ay alam kong hindi makabubuti sa akin. Ayon pa kay tita ay basagulero ito nang nasa kolehiyo, kasama ang isa sa kaibigan nito na si Nicholas.
"You are avoiding me,aren't you?"
Halos mapatalon ako at hindi sinasadyang mahulog ang basong pinupunasan ko nang marinig ko ang kaniyang boses. Kanina lang ay iniisip ko siya, ngayon nga ay narito na siya sa harapan ko.
Nakatingin siya sa akin. Diretso sa mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin. Tumalikod ako sa kanya. Ayokong tingnan siya o kausapin. Yumuko ako para pulutin ang basag na baso. Maingat ko 'yong ginawa. Nananalangin na sana ay umalis na siya doon.
"Nice ass" ramdam ko ang ngisi niya doon. Teka, bakit ba hindi ito tumitigil sa pagiging bastos. Natural ba yon dito?!
Napatayo tuloy ako ng diretso. Hinarap ko siya at lalabas na sana nang bigla siyang humarang sa aking daraanan.
Sinubukan kong lumusot sa kanyang gilid nang bigla na lamang niyang ipinalupot ang kanyang matigas na braso sa aking beywang. Napasinghap ako.
"Not so fast, sweet"
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
General FictionFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...