PROLOGUE

110K 1.5K 105
                                    

Hindi ako mapakali habang nagrereview. May kung ano parin sa akin na gustong maniwala sa madre na nagsabing may kapatid pa ako. Hindi ko alam kung ano dapat ang paniwalaan. Nawala ang mga magulang ko dahil sa isang car accident nang nasa labing limang taong gulang pa lamang ako. Natatandaan ko pa ang masayang ngiti nila nang araw na yon. Hindi ko manlang alam na 'yon na pala ang huling sandaling makikita ko sila.

Saksi ako ng pagmamahal ni Papa kay Mama. Ni ang tumingin sa ibang babae ay hindi nya magawa kaya paano ako maniniwala na may anak si Papa sa labas?

"Harrietta!" Tawag ng isang binata sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko siya matandaan.

"Yes?"

Bigla syang umiling at namumulang iniwan ako doon. Napanguso ako. Lagi nalang ganyan. Sa tuwing may lalapit sa akin at tatawagin ako ay ganyan ang magiging reaksyon nila. Kapag naman babae ay tatarayan ako, pero kadalasan sa kanila ay ginagawan akong katatawanan. Bigla nalang ay may prank na baon. Minsan ay hinagisan ako ng palaka habang naghahardin kami.

Labing walong taong gulang na ako ngayon, nag-aaral sa isang unibersidad dito sa Manila. Nakatanggap naman ako ng scholarship at sapat ang nakukuha kong allowance doon para tustusan ang pangangailangan ko sa pag-aaral. Minsan ay nagsa-sideline at nasubukan ko na rin ang magpart time sa iba't-ibang fastfood chains.

Hindi pa rin ako makalimot sa sinabi ng isang madre tungkol sa kapatid ko. Dapat ko nga ba siyang paniwalaan? Hindi ba masyadong imposible yata na magkaanak sa labas si Papa? Wala na ngang iniwan sa akin si Papa tapos kailangan ko pang buhayin ang babaeng 'yon na hindi ko alam kung kapatid ko nga ba o hindi? Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang makasakit ako ng tao, kahit pa nasaktan ako sa ginawa ni Papa. Hindi parin nga ako makapaniwala.

Sa totoo lang ay wala na akong kamag-anak. Mag-isang anak si Mama at Papa. Ang parehong lolo't lola ko naman ay wala na rin. Sino pa ang kakapitan ko? Ang mga pinsan naman ni Mama ay nasa Europe at wala na akong balita sa kanila. Ni nang ilibing nila Mama at Papa ay walang pumunta kahit sino sa kanila kaya sino pa ang aasahan ko, Kundi ang sarili ko lang.

"Harrietta, pakibigay kay Julio 'to" utos ni Ma'am Jelly sa akin. Ang amo ko sa cafe na pinagpapart time job ko.

Pagkatapos ng klase ay dumadaretso ako dito sa cafe para magtrabaho. Pangdagdag gastusin ko. Kahit na may scholarship ako ay 'di parin kaya ang gastusin sa paaralan, dagdagan pa ang mga pangangailangan ko sa bahay. I can provide whatever I need to survive. Hindi ko naman kailangan ng iba pang luho para mabuhay. Pagkain lang at matitirhan ay ayos na ako.

Kinuha ko ang ipinabibigay ni Ma'am Jelly. Naabutan ko namang naglilinis ng sahig si Julio. Iniabot ko sa kaniya ang isang brown envelope. Kumunot ang noo nya sa akin.

"Ipinabibigay ni Ma'am"

Tumango sya at kinuha din 'yon.

"Salamat"aniya na nahihiya pa.

Inalis ko sa isip ko ang dahilan kung bakit ganoon ang ekspresyon nya. May magandang mukha si mama na sinasabi ng lahat na namana ko raw. Maging ang maamong mukha ni Papa ay namana ko. Magandang puno raw ang pinagmulan ko, yan ang madalas na sinasabi ng iba. Nang nasa elementarya palang ako ay halos hindi ako gusto ng mga kaklase kong babae. Na akala nila kinukuha ko lahat ng atensyon at pagpupuri. Maging ang ibang anak ng kaibigan ni Mama ay nagagalit sa akin.

Kaya naman lumaki akong malayo sa ibang kaedaran ko. Dahil kung may lalapit man, malalaman ko nalang na may iba pa pala silang intensyon sa pakikipagkilala nila sa akin. Hanggang sa napili ko nalang na maging kaswal sa lahat, yong hindi ko na kailangang mapalapit pa sa kanila. Kahit isang tunay na kaibigan lang, masaya na ako. Yong hindi gagawa ng paraan para ipahiya ako.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon