FOUR

52.8K 1.1K 38
                                    

"I'm just kidding, don't worry" May nakakalokong ngisi siya sa kaniyang labi.

Lalo akong napasimangot. Nauna na lang akong naglakad kahit na nabigla rin ako sa sinabi niya lalong-lalo na sa pagtawa niya. May kung anong kumalabit sa dibdib ko nang marinig ang malalim na tawa niya. Ang sexy ng tunog ng pagtawa niya! Bakit ba parang iba ang dating ng bawat kilos ni Leandro sa akin?

Umayos ka nga,Harrietta! kastigo ko sa sarili ko.

Ipinilig ko ang ulo ko. Pilit na iniwaksi ang nasa isip ko.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Hindi kalaunan ay sumabay na siya sa paglalakad ko.

"So,how's the three days being away from me?"

Napalingon ako sa kaniya. Hindi ba siya titigil?

Ang seryoso ng ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya. Biglaan na lamang hinawakan ang kamay ko. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy mula sa kamay namin hanggang sa buo kong katawan.

Pinilit kong sagutin siya kahit na parang magkasintahan kami kung umasta siya. Sa mga kilos niya kasi ay hindi ko alam kung ano bang gusto niya. Hindi ko matukoy.

"Okay lang naman" pinilit kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya ako hinayaang magtagumpay. Mas lalo lamang humigpit ang hawak niya. "Leandro baka may makakita sa ati-"

"What?" Ngumisi siya sa akin. "Don't worry. I just don't want you to get lost that why I am holding your hand"

Gusto kong tumawa nang pagak pero hindi ko ginawa. Ano ba talaga ang gusto niya? Pinilit kong huwag pansinin ang kung anong matamis na pakiramdam na namuo sa dibdib ko.

"Pero Leandro..."

Huminto siya. May multo ng ngiti sa kaniyang labi. "I like it when you say my name"

Napatanga ako sa kaniya. Ganito ba ang epekto ng Manila sa kaniya? Nakakain yata ito ng isang gusali sa Manila kaya ganiyan siya umasta.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Dapat na ba akong matakot? Pero simula palang ay takot na ako sa kaniya. Ilang araw palang kaming magkakilala pero kung ituring niya ako ay parang ilang taon na kaming magkasama.

"Are you okay?" Biglaang tanong niya sa akin nang nasa daan na kami papunta sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan kami patungo. Alam kong hindi dapat ako magtanong dahil ang sabi niya'y sumunod ako sa lahat ng gusto niya. Isang control freak kasi siya kaya 'yon ang ikinatatakot ko. Kapag didilim ang mukha niya doon ako mas lalong kinakabahan. Para niya akong kakainin ng buhay kapag ganoon ang itsura niya. Hindi sa nakakadiring paraan, kundi yung parang sekswal. Iniwasiwas ko yun sa aking isipan.

"I'm asking you" aniya. Nasa daan parin ang kaniyang paningin.

Hindi pamilyar sa akin ang daanan na ito. Bago lang ako sa Villa Larra kaya natural lang na wala akong kaalam-alam rito. Malay ko bang nililigaw na pala ako ng lalaking 'to.

"Ayos lang ako" tumingin na lamang ako sa labas.

"What are you thinking? Kanina ka pa tahimik"

Natural! Kinakabahan ako! Malay ko ba kung saan mo'ko dadalhin?!

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Sumulyap siya sa akin saglit pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"We're going to Holly Hill" aniya. "May bibisitahin lang tayo"

Tumango na lamang ako kahit na hindi ko man alam ang lugar na 'yon. Malapit nang gumabi at gaganapin na ang party. Kung umuwi ngayon si Leandro,marahil ay inaasahan siya sa party na 'yon. Kung ganoon ay saan niya balak pumunta? Kailangan na namin makauwi.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon