"ISANG kilo po ng baboy, manang pakibilisan,a. Kanina pa ako dito mas inuuna mo pa 'yong mga kadarating lang"Napapailing nalang ako kay Lane. Halos ito nalang ang huli naming bibilhin pero halos magmadali pa siya. Hindi na rin humabol si Tukoy sa amin kaya bakit pa siya nagmamadali? Gusto ko ulit tuloy matawa dahil sa ala-alang 'yon.
"Maghintay ka nga,ineng. Batang 'to kadarating mo lang,e." Ungot ng tindera.
"Ay ewan! Sa kabila nalang nga kami!" Aalis na sana kami nang biglang iabot na ng tindera ang supot na laman ang baboy.
Sumimangot si Lane. "Hindi ko man nakitang kinilo mo,e. Kiluin mo ulit"
Inis namang kinuha ulit ng tindera ang supot at kinilo 'yon. Sakto namang isang kilo 'yon. "Ayan,ineng? Isang kilo,a. Kung gusto mo sampung beses nating ikilo" sarkastikong ungot nito.
Tumaas ang kilay ni Lane at makikipag-away pa sana nang pinigilan ko na. "Tama na, umuwi na tayo. Magtatanghalian na,o"
Inirapan niya muna ang tindera. "Pasalamat siya!"
Pumunta muna kami ng karinderya bago kami umuwi. Kumain kami ng lutong ulam at kanin para raw 'di na kami sumabay sa mansyon. Dalawang order ng Menudo at kanin ang inorder niya.
Nang dumating ang pagkain namin ay maganang sinimulan na ni Lane ang pagkain niya.
Bigla siyang nahinto nang makita namin si Shel na papasok sa isang drug store.
"Akala ko ba masama pakiramdam n'on?" Kunot noong sabi ni Lane. Panay parin ang subo niya.
"Baka bibili lang ng gamot"
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Iniwan ko sa kaniya kanina 'yong paracetamol,a. T'saka ayaw umiinom ng gamot 'yan"
Pinagmasdan ko rin ang drug store na pinasukan ni Shel. Puno parin ng katanungan ang parehong mukha namin ni Lane.
"Pupuntahan natin?" Tanong ko kay Lane nang matapos kaming kumain.
Umiling siya. "Baka magalit at masabunutan pa ako" biglang nanlaki ang mata niya at bigla nalang akong hinila. "Tara na,Harrietta. Si tukmol nandiyan nanaman!"
Tatawa-tawang nagpahila nalang ako sa kaniya.
Nakarating kami sa mansyon habang paunti-unti naming inuubos ang binili naming ice cream. Panay naman ang kwento ni Lane tungkol sa lahat ng karanasan niya at ni Shel dito sa Villa Larra. Napadpad lang pala sila dito kasama ang mama niya dahil pinaghahanap raw nila ang nakababatang kapatid nilang lalaki. Naglayas raw kasi ito at dito sa Villa Larra lang ang punta.
Nang makapasok kami ay agad akong inutusan ni Tita Lea na umakyat sa taas para raw linisin ang kwarto ni Leandro.
Agad akong sumunod. Dala ang mga panlinis ay umakyat na ako sa ikalawang palapag ng mansyon.
The hallway was so quiet. Ang tunog lang ng pagtapak ng aking sapin sa paa ang gumagawa ng ingay doon.
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Leandro ay halos mapatalon ako nang bumukas 'yon at bumungad sa akin ang topless na katawan niya. My mouth dropped because of sight of him. My heart beat erratically.
Is he really here? Nasa harap ko ba talaga siya dito o ganoon ko na siya kamiss para mag-ilusyon ako na narito siya. I bit my lower lip while my eyes roamed at his exposed chest.
"Harrietta..." Tila nahihirapang anas niya. "Don't stare at me like that, baka hindi ako makapagpigil"
Gusto kong maglulundag nang mapagtantong narito talaga siya. He's really here. Leandro freaking Saavedra is really here in front of me!
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
Fiksi UmumFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...