Isang mainit na kamay ang yumakap sa akin. Nasa isang hotel kami,nasa aking tabi ang aking kapatid na panay parin ang pagpapatahan sa akin. I left Leandro pero hindi ko siya tuluyang iniwan dahil binigyan ko lamang siya ng oras para mag-isip.
Kailangan niya akong paniwalaan,kailangan niya akong pagkatiwalaan. Sana'y manaig ang pagmamahal niya sa akin kung totoo nga ba niya akong minahal pero alam ko, alam ng puso ko na mahal niya ako. Mahal niya akong tunay. Sinabi niya lang 'yon dahil sa bugso ng kaniyang galit. Tama si Erriah, nilamon lamang siya ng galit kaya hindi niya magawang paniwalaan ako pero magpapaliwanag ako. Magpapaliwanag ako sa kaniya.
Ilang araw ang lumipas. Sinubukan ko siyang puntahan sa condo ni Max na pinahiram nito pero wala doon si Leandro. Sa kaniyang opisina ay sinubukan ko ring magbakasakali ngunit kahit anino niya manlang ay hindi ko makita.
Napahawak ako sa aking noo, nakaramdam nanaman ako ng kakaibang sakit ng ulo at hilo. Nalilipasan na kasi ako ng gutom, marahil dahil doon kaya ganito na lamang ang aking nararamdaman. Pinikit ko ng mariin ang aking mata ngunit wala parin nangyari. Napahawak ako sa pabilog na poste dito sa loob ng lobby para doon kumuha ng lakas. Kaya ko pang maghintay, kahit isang oras nalang o dalawang oras basta makausap ko lang siya.
Muli akong tumingin sa babaeng receptionist pero nang makitang nakatingin na ako sa kaniya ay mabilisan siyang nag-iwas ng tingin. Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na tumayo ng mabuti. Siguro'y babalik na lamang ako bukas.
Lumipas pa ang ilang araw at wala akong nakitang Leandro. I tried to call Zarria or even Zarrick pero hindi ko manlang sila makausap. Tuluyan na ba akong iniwan ni Leandro? Samo't saring negatibong bagay ang bumabaha sa aking isipan. Hindi ko na matukoy kung anong pwede kong gawin makausap ko lamang siya.
Marahan kong hinaplos ang aking tiyan, isang anghel ang nabubuhay ngayon. Marahil ito ang nagbigay pag-asa para sa relasyon namin. Hindi ako magagawang iwan ni Leandro dahil sa anghel na 'to. Mahal niya ako at 'yon ang panghahawakan ko.
Maraming tao ang padaan-daan sa harapan ko. Nanatili parin akong nakatayo rito sa harapan ng building nila Leandro. Inaasahan na makita ko na siya. Ilang oras na ba akong narito? Halos mangawit na nga ang aking binti dahil hindi manlang ako makaupo.
Isang magarbong sasakyan ang huminto sa harapan ko. Napaangat agad ako ng tingin at nabuhayan ako ng loob ng masilayan ko si Leandro na bumaba roon. Nakangiti akong lumapit pero hindi ko pa nakakalahati ang pagitan namin nang mapahinto ako. Isang maputing braso ang pumulupot kay Leandro. Napatingin ako sa nagmamay-ari n'on at unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.
Ella was smirking at me. Ang maputi nitong mga braso ay pumulupot sa braso ni Leandro. Napatingin ako kay Leandro na nakatingin din sa akin ng diretso. Wala ni anong emosyon ang mababakas sa kaniyang mata. Ilang hila na lang sa akin ay tuluyan na akong mabubuwag.
"Leandro.." may kaunting pag-asa sa aking boses,nanghihingi ng tulong sa kaniya na panghawakan 'yon.
"What do you want? The money isn't enough?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pera? Anong kinalaman ng pera sa problema naming dalawa?
"Leandro.. please. Maniwala ka naman sa akin. Wala akong ginawang masama para saktan ka. Siya!" turo ko kay Ella na ngayo'y ngising-ngisi lang sa akin. Tila may awa pa akong nakikita sa kaniyang mata. Naaawa siya sa akin?! Ganoon ba?! "Siya ang may pakana Leandro, sinisira lang nila tayo. Pakiusap naman, ako ang pagkatiwalaan mo"
"I don't need your explanation,Harrietta. I know what the kind of you. A pretending-saint, my mother was right. She's always right. Stop that drama" tila bored lang na anito. Napalunok ako,tila nahihirapan nang ibuka ang aking bibig. Ito ba ang lalaking minahal ko? Kung gaano siya kabilis nahulog sa akin ganoon din siya kabilis umangat at iwan ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/141468885-288-k61116.jpg)
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
General FictionFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...