ONE

67.9K 1.3K 40
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Habang umikot sya papunta sa pintuan ng harapang upuan ng sasakyan ay dali-dali akong umayos ng upo at umambang susuntukin sya. Nang buksan niya ang pintuan ay agad dumapo ang kamao ko sa mukha niya.

Narinig ko pa ang kaniyang matigas na ungol at ang sunod-sunod na pagmumura niya pero hindi ko na yon binigyan ng pansin at mabilis na tumakbo palayo doon. Grabe din ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakain ng takot ang lakas ko pero pinilit ko parin ang tumakbo ng mabilis. Natatakot ako na baka mahabol ako ni Haxton. Ayoko na muling makita ang pagmumukha niya, baka kung ano pang mangyari sa akin kung sakaling magkita kami muli.

Nang makakita ako ng taxi ay agad ko 'yon pinara. Hindi na pinag-isipan pa kung may sapat ba akong pera na bayaran yon.

Nakita ko pa si Haxton na malapit nang makarating sa akin bago ko sinarado ang pintuan ng taxi.

"Sige na po,Manong! Pakiusap" anito ko, patuloy parin sa panginginig ang katawan ko.

Nakikita ko parin sa aking isip ang galit na mukha ni Haxton. Natatakot ako sa kanya. Baka kung ano pa ang gawin nya sa akin kapag nahuli nanaman nya ako. Paano nalang kung hindi ako nakatakas sa kanya?

Nakarating ako sa bahay na halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Ang tahimik nanamang kabahayan ang nadatnan ko. Paano kung alam pala ni Haxton kung saan ako nakatira? Paano kung sumugod sya dito at gawan ako ng masama? Paano kung. Sunod na sunod na negatibong bagay ang pumasok sa aking isipan.

"Huwag mong isipin muna ang mga bagay na yon, Harrietta! Ang isipin mo ay paano ka makalalayo sa kaniya" Kantyaw ko sa aking sarili. Iniling ko ang aking ulo at humiga na sa kama.

Maghahapon palang at dapat ay naghahanda na ako papasok sa Cafe pero ayokong pumasok na muna ngayon, baka naroon din si Haxton. Siya ang tipo ng taong hindi ako hahayaang makatakas hangga't hindi siya nakagaganti.

Biglang tumunog ang telepono ng aming bahay. Tumayo ako upang sagutin 'yon. Ang caller marahil ay si Tita Lea, siya yong kaibigan ni Mama sa Cebu. Lagi kasi itong tumatawag sa akin para mamilit ng isang trabaho, ang maging katulong.

"Hello po?" Sagot ko sa tawag. Hanggang ngayon ay dinaramdam ko parin ang nangyari sa pagitan naming dalawa nu Haxton.

"Hello, kumusta? Payag ka na,ija? Mayordoma dati rito ang mama mo. Alam kong naghahanap ka ng trabaho, isa pa maganda ang buhay dito sa bayan ng Villa Larra" heto nanaman sya. Lagi niyang sinusuhestyon ang bagay na yon, na pwede akong manirahan doon tulad ng Mama ko. Hindi ko alam kung maganda ba talaga ang suhestyon nya.

"Ija, malaki ang sahod ng mga katulong dito" dagdag nya pa na akala nya'y iyon ang magpapasang-ayon sa akin. "Sariwa ang hangin dito at masaya talaga ang manirahan sa probinsya" dagdag nya pa.

Napabuga nalang ako ng hininga. Tinangka kong ibaba ang telepono pero nagsalita ulit sya. "May mga natira pang ala-ala ang mama mo rito gaya ng mga litrato nya" napahinto ako. Hindi ako nakapagsalita. "Bago sya umalis at mag-asawa diyan sa Manila ay naiwan nya ang mga ito"

Napalunok ako. Ang mukha ni Mama na nakangiti ang bumukas sa aking isipan. Isang takas ng luha ang kumawala sa aking mata. Si Mama.

"Mga litrato lang po ba?" Sa unang pagkakataon ay nagawa ko syang tanungin. Dati ay hindi ko magawang maging interesado sa mga sinasabi nya.

"Hindi,ija" gumalak ang kanyang boses. "Meron din syang naiwan na isang cabinet dito, maging ang iba nyang damit ay narito pa" anito.

Sa murang edad ay mayordoma na si Mama noon. Nakuha kasi ni mama ang loob ng mag-asawang Saavedra. Ikinukwento sa akin ni mama ang ibang karanasan nya sa Villa Larra. Dati ay masaya kong iniimagine ang lahat ng ikinukwento nya. Kapag minsan ay sumasali si Papa kapag naaabutan nya kaming nagkukulitan na ni mama. Namimiss ko tuloy yong mga panahong kasama ko pa sila. Yong boses ni mama sa umaga sa tuwing tatawagin niya ako para sa almusal at yong tawa niya sa tuwing nagkukulitan sila ni Papa.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon