Kabanata 39

33.8K 576 15
                                    

Three days had passed. Nanatili kami sa Villa Larra, hindi ko man alam kung bakit pero napapansin kong naging busy si Leandro. Minsan ay narinig ko ang pag-uusap nila ng kaniyang Lola at nabanggit ng matanda ang pangalan ng ama ni Leandro. His father got a woman pregnant, ang babaeng yon pala ang matagal ng sikreto ng ama ni Leandro. Nang banggitin na nila ang kaniyang ina ay hindi ko na nagawang makinig pa dahil may dumaang katulong noon.

"Harrietta,ija, saluhan mokong mag-almusal. Is Leandro's still sleeping?" Ang Lola ni Leandro ang unang bumungad sa akin sa dining table, nauuna kasi itong mag-almusal lagi, kung hindi naman ay nagpapahatid nalang ito ng pagkain sa sariling kwarto.

Napahinto muna ako. Hindi lamang kasi nag-iisa doon. Naroon din sa kaniyang tabi ang ina ni Leandro na nakatuon nanaman sa akin ang tila agila niyang mga mata. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na galit na galit parin ito sa akin, hindi naman ito nabigo sa pagpapakitang kinasusuklaman talaga ako nito.

"Ahm. Hihintayin ko na po s-sana si Leandro at ang kambal—"

"Don't make excuses, don't you want us to join here? Or do I have to get out of here for you to eat breakfast, nakakahiya naman sayo diba?" The sarcastic in her voice makes my stomach crunch. Hindi ba siya nagsasawang gamitin yan sa akin.

"Leane, magtigil ka. Huwag mong ituon kay Harrietta ang sakit na pinagdadaanan mo ngayon. Spare her, you're becoming grumpy these past few days, namumuo na tuloy yang mga wrinkles mo, kaya ka iniwan,e"

Napangiwi ako. Lalo kasing sumambakol ang ina ni Leandro. Tahimik na lamang akong umupo doon at sinaluhan sila, hihintayin ko sana si Leandro pero mukhang wala na akong magagawa.

"I'm done here, and mama, please tell me if that woman is gone, siya lalo ang nagpapasakit ng ulo ko" Leandro's mother stood up, napayuko naman ako. Wala na marahil katapusan ang galit niya sa akin.

"Leane!" Napasentido nalang ang matanda matapos mawala ng ina ni Leandro. "Pagpasensyahan mo na,Ija, may pinagdadaanan lang talaga siya"

Kahit naman noon ay ganyan na talaga ang ugali nito sa akin kaya wala na akong magagawa pa doon. Actually, I'm getting used to it.

"Hey,baby, good morning" agad na yumakap sa akin si Leandro at hinalikan ako sa pisngi. "I didn't woke up the twins, they must be really tired. Tulog na tulog pa sila, hayaan muna nating makapagpahinga sila ng sapat" Leandro said. Ako na mismo ang nagbigay ng plato sa kaniya at nagsandok ng kanin niya. Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ko. "I'm lucky to have her as my wife,right granny?" Leandro looked at her Lola.

Nakangiti naman ang matanda. Nangingislap din ang mga mata nito. "You're beyond lucky,dear. Such a lovely scene" naiiyak pa yatang anito.

Namula naman ako. Namiss ko rin kasi ang asikasuhin si Leandro. Ginagawa ko rin to sa kaniya dati, minsan naman ay siya ang gumagawa ng ganitong mga bagay.

"Anyway, someone called you, she's asking about some designs. It must be your assistant, her name is Tyra" Leandro informed me.

Napasentido ako. Sa dinami-rami na ng nangyari sa akin ay nakalimutan ko ng may naiwan pala akong trabaho sa Paris. Hindi ko na alam kung ano nang mangyayari sa mga designs ko.

"I forgot about that. Tatawagan ko nalang siya mamaya. God, Tita Alliyah must be disappointed about it" napabuga ako ng marahas na hangin.

Agad namang hinaplos ni Leandro ang braso ko. "Don't worry, sasamahan kitang bumalik sa Paris para diyan sa pinoproblema mo"

Napailing siya, "You have works here, hindi ko pwedeng idahilan to para abalahin ka pa"

"And why did you think you're a disturbance. Sweety, gagawin ko ang lahat para sayo. Nandito si Zarrick—well, he's kinda busy now pero kaya naman isingit nun ang maraming trabaho" hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "We're going back to Paris. Kahit doon mo pa gustong mabuhay hanggang sa dulo, doon din ako. Kung saan ka masaya ay doon din ako"

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon